“Ate nabasa po 'yong uniform ko!” reklamo ni Jeje. Napatingin ako sa mga damit naming nakasampay ngayon. Nasali pala ang uniform niya.Nabasa kasi lahat kahapon dahil sa walang tigil na ulan at binaha pa kami hanggang tuhod.
“Wag ka munang magsout ng uniform Je.” Kinuha ko ang ibang damit ko at sinampay. Nakita ko naman si Jeje na napakamot sa ulo niya.
“Eh ate lahat ng damit ko basa!” reklamo niya ulit. Oo nga pala lahat ng damit niya'y nabasa. Mabuti na lamang ang akin ay nakalagay sa cellophane kaya nama'y hindi masyadong nabasa. Sosoutin ko na lamang ngayong araw ang P.E uniform ko.
Naglakad na ako papasok dahil tapos ko nang isampay lahat.
“Manghiram ka nalang kina Ambo!” wika ko.
“Eh ang taba non!” Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang arte talaga nitong kapatid ko. Baka gusto niya lang talaga umabsent kaya nagdadahilan siya.
“Alam ko plano mo boy! Gusto mo lang umabsent eh! Manghiram ka dun o wala kang limang piso sa susunod na linggo,” pananakot ko.
Napapadyak ito at nakanguso pang naglakad palabas ng bahay. Kaibigan naman namin ang pamilya ni Ambo kaya nama'y alam kong maiintindihan niya iyon. Mabuti kasi sila at walang butas ang bubong nila samantalang saamin ay parang lahat yata.
Tapos na akong maligo kanina kaya ngayon ay magbibihis na lamang ako. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang P.E uniform ko. Hindi ko naman talaga P.E ngayon pero hayaan na. Hindi naman nila malalaman 'yon.
Okay lang naman na alas otso na akong pumasok ngayon at alas nwebe naman ang klase ko. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa kusina para kunin ang suman na ibebenta ko ngayon.
Kinuha ko ang bag ko at pati narin ang basket na may lamang suman. Napatingin ako sa pintuan nang iluwa nito si Jeje na nakanguso parin.
“Oh ano problema mo?” tanong ko sabay upo sa upuan. Hihintayin ko muna siyang makabihis bago ako aalis ng bahay.
“Ang laki kasi ng pinahiram nilang damit ate! Para akong bagong tuli nito!” Napatawa ako sa sinabi niya. Bagong tuli pa nga.
“Asus! Kahit ano naman soutin mo pogi ka parin kaya magbihis kana po para makaalis na po ako!” saad ko. Palihim naman itong napangiti. Alam ko kasi ang kiliti nitong kapatid ko, sabihan mo lang na pogi ay magiging kompleto na araw niyan. Abnormal nga siguro 'to.
Dali-dali naman itong dumiretso sa likod ng bahay. Maliligo na siguro 'yon. Ang tagal maligo ng kapatid ko kaya magpapaalam na lamang ako sa kaniya.
“Jeje!” sigaw ko para marinig niya ako.
“Ate?” sigaw nito pabalik.
“Aalis na ako ha! Ikaw na bahala sa bahay! Pumasok ka! Kukutusan talaga kita!” sigaw kong muli.
“Opo ate!”
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at dinala na ang basket na may suman. Matagal-tagal nadin nong hindi ako nakapagdeliver kina Aling Delia.
“Parikoy!” Napalingon ako at bumungad saakin si Jeff. Mas umayos na ang mukha nito hindi katulad ng una naming pagkikita.
“Himala nakaligo kana ah!” wika ko. Naglakad naman ito patungo sa direksiyon ko and as usual ay ginulo niya na naman ang buhok ko.
“Palagi naman akong nalililigo ah. Ikaw nga 'tong naliligo lang pag nabasa na sa ulan hahaha!” Sinapak ko siya ng mahina at lumayo ng konti sa kaniya at ginugulo na naman niya ang buhok ko.
“Mukha mo tsong!” saad ko sabay irap.
“May nangungumusta pala sa'yo.” Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Teen FictionHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...