Chapter One: Dead End

14 0 0
                                    

Red's POV

Mabilis akong tumatakbo palabas ng sementeryo. Labas na ang dila ko sa layo ng nararating ko.

Paano ba naman, halos wala atang dulo itong dinadaanan ko.

Di ko na makita ang tinatapakan ko sa dilim ng paligid

Nagsitaasan na ang mga balahibo ko sa sobrang lamig ng ihip ng hangin.

Lalong napalaki ang bawat hakbang ko nang makita kong paliit na ng paliit ang distansya ng humahabol sa akin.

Bakas sa mukha nito ang matinding galit. Wala naman akong maalalang nagawang masama sa kanya.

Patuloy lang ako sa matulin kong pagtakbo hanggang sa malaman kong may dulo din pala itong tinatahak ko.

Lumingon ako sa paligid upang maghanap ng malulusutan.

Ngunit huli na. Nandyan na sya. Hawak na nya ako. At wala na akong kawala pa.

Naramdaman kong humawak sya sa akin at sinimulan akong yugyugin kasabay ng pagbigkas ng pangalan ko

****

"Red! Red! Anak! Gising." Naulinigan ko ang isang pamilyar na boses. Ang boses ni mama.

Sa pagdilat ng mata ko, si mama nga.

Hapong hapo akong bumangon. Patuloy ang pagtagak ng pawis na mula sa ulo ko.

"Red, binabangungot ka na naman."

Pang ilang beses na ba ito?

Ilang sunod na bang gabo ako nagkakaganito. Kinakabahan na ako.

"Ma, natatakot na naman ako. Ano na naman kaya ang mangyayari sa akin?"

Nanginginig kong sinabi.

Sa mga nagdaan kong panaginip, lahat ng iyon nagbibigay ng masamang pangitain na maaaring mangyari sa mga susunod na araw.

"Huwag kang matakot anak. Ipagdasal nalang natin na wala sanang masamang mangyari sayo." Habang hinahaplos ni mama ang pawis na pawis kong ulo.

"Sana nga ma."

Pinagdadasal ko talaga na sana wala lang to.

"May sasabihin nga pala ako na alam kong makakapagpasaya sayo. Tumawag si Saf. Kakarating nya lang daw kanina galing Palawan. Pumunta ka daw sa kanila mamayang alas tres ng hapon at may mahalaga ata siyang sasabihin." Napangiti ako sa magandang balita ni mama. Nakauwi na pala siya. Kahit saglit lang siyang nawala eh miss na miss ko na yung babaeng yun.

Nagsimula akong tumira dito kila mama nang magsimula akong bangungutin gabi-gabi.

Ako lang kasi mag-isa sa dorm na inuupahan ko malapit sa school namin sa Manila.

Mas pinili ko na lang na mag-uwian mula Manila to Cavite araw araw ksa naman sa bangungutin ako gabi gabi ng mag isa.

Pagkatapos magsalita ni mama, lumabas na siya ng kwarto ko. Agad akong naligo at mabilis na nagbihis dahil excited na akong makita si Saf.

Siya yung girlfriend ko mula nung 3rd year high school kami. Hindi biro ang panliligaw ko sa kanya. Siya kasi ang taong kabaligtaran ko. Halos magkabaligtad ang mga pananaw at paniniwala namin sa buhay. Napakahimala na kapag may isang bagay kaming napagkasunduan.

Nadadagdagan pa ang hirap na inaabot ko dahil hindi siya basta basta naniniwala kung kani-kanino.

Kaya nung sinabi kong mahal na mahal ko siya at hinding hindi ko siya iiwan ay hindi niya pinaniwalaan. May katwiran naman siya.

Ayon sa kanya, marami daw lalaking nagsasabi ng ganyan pero hindi naman daw tinutupad. At sa una lang daw magaling kaming mga lalaki.

May pagka-bitter talaga siya. Madalas niya pang sabihing walang forever. Pero sinasagot ko siya ng... kasi bata pa tayo, hayaan mo pagputi ng buhok natin, mapapatunayan ko sayo na meron talagang forever. Gawin mo pang forevermore.

Pero iniirapan niya lang ako sa tuwing sinasabi ko yun. Halos hindi mo maipinta ang mukha niya at kung ano ba ang nararamdaman niya.

Kaya nung araw na sagutin niya ako, halos bumaliktad ang mundo ko. Abot langit ang saya ko ng mga oras na iyon.

Sinabi niya sakin na wag na wag ko daw sasayangin ang pagmamahal na ibibigay niya kasi sakin niya lang daw iyon nagawa.

Ngayon pa ba ako magloloko kung kailan abot kamay ko na ang pangarap ko? Syempre sinabi ko sa kanya na pangako hinding hindi. Pero as usual, mukhang di tumalab ang sinabi ko.

Mga ilang metro din ang layo ng bahay nila Saf sa amin. Pero mas sanay akong naglalakad pag pupunta sa kanila.

Mamaya maya ay napatingin ako sa wrist watch ko at... WTF alas tres na. Patay na naman ako nito panigurado.

Napabilis at napalaki ang bawat hakbang ko. Malayo layo pa ang bahay nila Saf. Tumakbo na ako. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay ko siya.

Halos labas na ang dila ko dahil sa layo ng tinakbo ko. Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila.

Binuksan ko na agad ang pinto at hindi na kumatok pa. Utos yun ni Saf na dapat pag pupunta ako sa bahay nila eh at home daw dapat lagi ako.

Pero nagulat ako sa nakita ko.

Si Saf ay naiyak at bakas sa mukha niya ang galit. Nakatingin siya sa direksyon ko habang nakaupo sa sofa.

Pero bakit? Wala naman akong maalalang ginawang masama sa kanya. Masyadong mababaw kung idadahilan ang pagka-late ko ng ilang minuto.

Pero teka... Parang nangyari na to ah. Di ko lang maalala kung saan at kailan.

Maya maya, naalala ko ang panaginip ko kagabi. At doon na ako nagsimulang kabahan...

-------------------------------------------------------------

48 Cells of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon