(One shot story)
Hi fellows sa mga readers na nakabasa na nang mga stories ko thank you so much po hahaha sa mga di pa nakakabasa , basa na rin kayo go to my profile then tignan nyo po yung work nasa mga 5 story na ata hehehe gege basahin nyo na to hahah...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kirsten's POV
Naalimpungatan ako nang masikatan ako nang araw pero parang ayaw ko pa idilat ang mga mata ko ang sarap kaya matulog noh.
Biglang may tumulo na kung ano sa mukha ko parang tubig tapos nagtuloy tuloy na
Anu ba yan uulan pa ata ahh ---
Haah!? Uulan sa loob nang kwarto ko !?
Idinilat ko ang mata ko at ewwwwww.
"KAI-KAIIIIIIIIIIIIH!!!!! " sigaw ko sa alaga kong aso
Oo guys aso sya at yung pumapatak patak sa mukah ko eh laway lang naman yun argh eww talaga...
"Oh anak bakit !? Ano meron !? " sabi ni mama na bigla na lang sumulpot sa loob nang kwarto ko na halatang nagmadali paano ba naman may hawak pang sandok tss.
"Eh ma si Kai-kai kasi eh ,tignan mo mukha ko puno na nang laway nya eh ewwww"sabi ko kay mama.. dati talaga nakyu kyutan ako sa aso na ito pero nung lumaki na ayun naging pasaway na hayy..
"Eh sana yung mga oras na nag inarte ka eh sana naghilamos ka na .. hay naku kala ko pa naman kung ano naiwan ko pa naman yung niluluto ko."sabi ni mama na may pakamot kamot pa
May na amoy parang nasusunog
"Ma, paranag may naamoy ako nasusunog?" Sabi ko kay mama , inamoy naman ni mama
"Oo nga noh ano kaya yun?" Tanong nya sa akin .. nang may maalala ako
"Yung niluluto ko/mo!!" Sabay naming sigaw..
Takbo kami pareho sa kusina at buti na lang napatay agad ni mama kung hindi naku sunog na bahay namin.. pero sa kasamaang palad di na nailigtas ni mama ang niluluto nya ..
"Hoo buti na lang"sabi ni mama..
"Eh mama ano kakainin ko ?" Tanong ko.
Biglang bumukas yung pinto at niluwa nito ang pinsan ko..
"Oh goodmorning tita at kia, parang may nasunog ?"sabi ni drex, pinsan ko.
"Ahh oo muntikan lang naman hehe" sabi ni mama
"Ah ok "binalingan naman nya ako "oh kia bakit di ka pa bihis , first day natin ngayon sa highschool ah" sabi ni drex then i realized....
"Oo nga!!" Tingin sa orasan" Naku malalate na akuuuu!! Tapos di pa ako kumakain hayy!!"sigaw ko ..
"Oh di ka pa naliligo , di ka pa nakabihis , di ka pa nakapag suklay , di mo pa sout yung id mo hay naku.."sabi ni drex
"Hayy naku wag ka na nga dyan nagmamadali na nga eh tssssss!!" Iritang sagot ko..
"Sige na drex sa sala ka na lang maghintay maghahanda na lang ako nang sandwich para yun na lang baunin at kainin ni kia."sabi ni mama
Sumunod naman si drex pero bago yun tinignan nya muna ako at sinabing
"Uy bilisan mo ha 7:30 na 8:00 pasok natin ha " paalala nya
Di pa kasi ako pumupunta sa kwarto ko para maligo eh hehehe.
"Oo na eto na"sabi ko.
binilisan ko ang pagligo siguro sa sobrang bilis na ala flash ako at nag bihis ,nagsuklay na rin ako lampas lang nang onti sa shoulder ang buhok ko .
BINABASA MO ANG
Dahil sa COC..(one shot)
RandomDahil sa CoC nagkakilala kayo.. dahil sa Coc nagkakausap kayo.. pero Dahil din sa CoC mag kakainlaban kayo.. base on true story of friend of mine... hope u like it...