Chapter 15

1.5K 121 2
                                    

Ang sarap pa naman ng tulog ko Kaya masaya akong nagising kanina pero bigla rin namang nasira yung araw ko dahil sa lalaking nakabuntot ngayon Kay Trina. Lunch time na Kaya papunta kami ngayon sa cafeteria Para bumili ng kakainin, nakalimutan ko kase yung baon ko dahil sa pagmamadaling pumasok sa school dahil naisipan ko kaseng mauna pumasok dahil may ilalagay ako sa table ni Trina na chocolate na cudberry na pinag-awayan pa namin noon nang pumunta kami ng supermarket, pinasabay ko pa toh Kay mama ipabili nung nakaraan dahil naggrocery naman sya, hindi naman ako makakasama dahil may pasok.

Hindi ko Alam kung nakita nya ba yun sa ilalim ng table nya, nilagyan ko pa yun ng letter, isang simpleng Goodmorning na may smiling face.

"tingnan mo yang nguso mo parang pwet ng manok" napatingin naman ako sa katabi ko dahil sa Sinabi nya. Kasama ko syang kakain ngayon sa cafeteria dahil wala din daw syang baon. Napasimangot naman ako Lalo tsaka sya sinamaan ng tingin.

"hahahah selos yarn?" tumatawang Sabi nya Kaya inirapan ko naman sya.

Nasa unahan namin Sina Trina Kaya kitang kita ko Kung Paano magpakyut yung lalaki sa kanya na sa pagkakaalam ko ay si Joseph dahil Sinabi saakin ni Tury, sya Pala yung sinasabi nyang Joseph na magbabalak manligaw Kay Trina. Hindi ko sya namukhaan nung una dahil akala ko hindi ko sya kilala pero sya Pala ang dati naming kaklase nung elementary na dati ay patpatin at maitim na ngayon ay may malaking pagbabago, nagtransfer sya dito sa school namin noong nakaraan lang.

Agad naman kaming bumili ng kakainin, kanin at porkchop tsaka ilang piraso ng siomai ang binili ko, Para Kay Trina yung siomai dahil nalaman ko mismo Kay Tury na paborito din nya Pala toh.

Nakita naman kami nung dalawang kaibigan ni Trina Kaya inaya nila kaming umupo sa table nila, syempre nandoon na rin yung isang asungot.


"Hi Eri, Tury" sabay na bati nung dalawa saamin nang makalapit kami sa table nila, saktong pang anim na katao ang kasya dito. Kaya tigtatlo ang pwedeng maupo sa isang mahabang upuan. Mukhang sinadya nilang pagtabihin kami, dahil kaharap ng dalawa Sina Trina na nasa kaliwa naman nito ang peste sa buhay namin. Kaya ang bakante na lamang ay ang nasa kanan ni Trina, agad naupo kase si Tury sa katabi ni Jane Kaya no choice akong naupo doon sa tabi ni Trina, hindi naman sa ayaw ko eh sa katunayan gustong gusto ko nga Kung wala lang talaga yung nasa tabi nya. Nakita ko namang sinulyapan ako ni Trina tsaka pinagpatuloy yung pagkain. Kinilig naman ako dahil tiningnan nya ako.

"ehem Trina, Para Pala sayo" narinig ko namang Sabi nung katabi nya sabay abot ng isang slice ng cake, napatingin naman sya dito tsaka tinanggap din naman, napasimangot naman ako akala ko aayawan nya.

"Trina di ba mas gusto mo toh? mas masarap toh, tikman mo ahh" singit ko naman sabay lapit nung tinusok kong isang piraso ng siomai sa bibig niya.

Hindi ako magpapatalo sa kanya akala nya ah. Nangangalay na ako dahil hindi nya pa rin sinusubo Kaya wala na akong nagawa kundi hawakan yung baba nya saka sinubo yung siomai sa kanya.

Wala naman syang nagawa kundi kainin pero bago yun sinamaan nya naman ako ng tingin na hindi ko na lang din pinansin. Pakiramdam ko nanalo ako Kaya hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki habang sumusubo na ngayon ng pagkaing binili ko, nakita ko naman na kinuha ni Trina yung binili kong siomai na nakalagay sa isang plastic cup tsaka sinimulang kainin Isa isa, hindi nya ginalaw yung cake Kaya mas Lalo akong natuwa, nakita ko namang napaismid sakin si Joseph bago tinuloy yung pagkain.


1 point for Me!


Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon