Walang pintura ang mga pisngi
Hindi rin mapula ang mga labi
Walang linyang itim sa talukap ng kanyang mga mata
Ang ngiti lang nya ang nagbibigay kulay sa kanyang gandaBuhok na kasing bango ng ligaw na rosas
Boses nyang parang sa anghel ang katumbas
Sinasabi ang gusto nyang sabihin
Nagmumula ang bawat salita sa busilak nyang damdaminPara syang dapithapon sa gitna ng tag-araw
Tahimik, banayad at puno ng hiwaga
Isang tagpo na hindi mo kayang layuan
Dahil sa piling nya ay isang kaligayahanSa mga mata natatagpuan ang pansamantalang saya
Ngunit nagmimistulang habang buhay ang nadarama
Sa bawat ngiti nya'y napupukaw ako sa liwanag nitong dala
Sana lang, kahit sandali lang
Mapagailbihan sana kita prinsesa