Walang ka tao tao pagdating nila sa entrada ng sunken. Nakapadlock pa ang entrance.
"shit!" hindi niya mapigilang mura at kumuha ng malaking bato para ibasag sa padlock.
Tumulong na din si jonas kaya nag iingay na.
Bahala ng mahuli sila ang importante maligtas nila ang dalaga!"ooh damn! Fuck! Shit!" he muttered
"tabi, ako naman!" asik na sabi ni jonas at ubod na binasag ang padlock gamit ang bato pero wala pa rin.
Si cheng naman palinga linga sa paligid waring nagbabantay.
Tiningnan niya ang riles kung may makakapitan kung sakaling umakyat siya pero wala at may mga matutulis pa na bagay sa taas.
Bahala na! Ang importante buhay ni janine at masalba niya.
"wag kang umakyat kurt! May mga basag na matulis na bagay sa taas!" pigil sigaw na sabi ni cheng pero hindi siya nakinig.
Medyo lumiwanag na ang langit. Mag uumaga na.
Panay naman ang hampas ni jonas sa padlock pero hindi talaga nasira.
Napamura siya ng maramdaman ang matulis na bagay sa kanyang paa pero ininda niya.
Agad siyang lumundag sa loob at maghanap ng posibleng panira sa padlock para makapasok ang kasama niya."No! Ako na ang bahala dito! Hanapin mo na si janine!" takot at galit na tili ni jonas.
Napatango at mabilis na tumakbo sa malaking krus.
Sinilip silip niya ang tubig baka may palatandaan.Mag anim na oras na mula noong nawala si janine!
Kinapa niya ang cellphone at inikot ikot sa malaking krus para tingnan kung saan nag beep ang tracker niya.
Napahinga siya ng maluwang ng mahanap niya at walang babalang lumundag siya. Kasunod niyang narinig ang tila may lumundag din sa dagat.
Hindi pa niya masyadong maaninag ang ilalim ng tubig pero sinikap niyang ibuka ang mata.
Naramdaman niya ang pananakit ng kanyang paa at sakit sa ulo pero hindi niya ininda.
Mabuti nalang malakas ang hangin niya sa ilalim ng tubig.
Hanggang sa nakita niya ang tila nakalutang na bulto.
Bigla siyang namanhid sa nakita at mabilis na sumisid patungo sa bultong nakita.
Napansin din niya ang tila may nakasunod sa kanya kaya nilingun niya ito at nakita si jonas palapit din sa dalaga.Tulong tulong nilang inalis ang pagkatali sa paa nito at kamay bago ito inalalayan paahon sa tubig.
Pinahiga agad nila ito sa malaking bato pagdating sa gilid ng tubig.
Agad niya itong hinaplos sa mukha ng makita ang namumutla nitong mukha.
Akmang hawakan niya ang pulso sa leeg ng tabigin siya ni jonas at ito ang nag check sa status ng dalaga.
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinalikan.
Kinurap kurap niya ang mata para pigiling wag maiyak!"mahina ang puso niya! Mukhang marami na siyang nainom na tubig!" habol hininga sabi ni jonas habang ginawa ang CPR.
Maya maya napaubo na ito at marahang dumilat saka pumikit ulit.
Hinang hina ito.
Mabilis niya itong kinarga sa braso pagkatapos at dinala sa sasakyan.
Tahimik lang ding nakasunod sa kanya jonas.Sinulyapan niya ang mukha ng dalaga at hindi mapigilang nakaramdam ng awa.
May ilang pasa ito sa mukha at sa noo.
Napansin din niya ang tila maliit na guhit sa pisngi na tila sugat na naghilom na.
BINABASA MO ANG
Summer Romance
RomanceKurt frit'z hate summer season. For him it's just wasting money! Pero wala siyang choice! Dahil sa maling akala ng lahat kaya napasubo siya at sa camiguin island pa! The small island in mindanao! Doon niya nakilala si janine! Ang batang doktor! R-18...