Masaya akong gumising sa araw na ito, bukod sa birthday ko na ay makikita ko sya mamaya. Hindi na ako makapaghintay Kung anong klaseng suot yung susuotin nya.
Maaga akong gumising Para na rin magsimba.Sama-Sama kaming buong pamilya ngayon sa simbahan. Pagkatapos ng Misa ay nauna na sila papa kasama yung dalawa na umuwi dahil sasaglit pa kami ni mama sa Bayan Para bumili ng ilang kakailanganing sangkap Para sa lulutuin mamaya, magdadagdag kase si mama ng lulutuin. Wala naman masyadong bisita, kami kami lang naman tsaka ilang katrabaho daw ni papa na inimbitahan nya. Tsaka magbabahay bahay din naman kami ng handa Para ishare.
Ewan ko pero nakaugalian na rin talaga namin, siguro part na rin ng filipino culture yung ganto hindi na iba yung mga kapitbahay mo sayo, pero minsan depende nalang talaga. May mga iba kase na Alam mo na.
Hindi naman kami nagtagal ni mama at umuwi na dahil magluluto pa. Pagkauwi ay dumiretso ako ng kwarto Para magbihis at icheck yung phone ko, pagkagising ko kase ay hindi ko na tiningnan pa dahil maaga kaming umalis. Malapit na palang mag alas onse.
Agad akong nag open ng Facebook account ko Para tingnan Kung may bumati saakin, nakita ko naman na may pinost si Tury sa timeline ko na may kasamang mga epic pictures ko. Bwisit talaga, mga stolen pictures ko kase yun, ang papanget pa ng kuha. Napacomment naman ako doon ng "Wow ah, ang Ganda ng mga kuha mo na touch ako, thank you" na ni haha react nya naman. Halatang nang-aasar.
Meron din Kay Jane, ally at sa mga iba kong mga kaklase, nagthank you din naman ako sa kanila Isa Isa. Nag e expect ako na makikita ko na masusulat din sya sa timeline ko pero wala, oo nga Pala hindi nya pa inaaccept yung friend request ko. Nalungkot naman ako bigla, kahit man lang chat, wala. Chineck ko rin kase yung messenger ko dahil may mga nag greet din saakin doon, message na lang ni Tury yung binasa ko dahil may pa message ang lola nyo, na hindi nya Sinama dun sa pinost nya.
Napangiti naman ako sa nabasa ko, sweet din naman kase toh si Tury, kahit ang hilig mang-asar ay marunong naman magseryoso, sya naging karamay ko sa lahat, Para ko na rin syang kapatid hindi lang bestfriend. Masaya akong nagkaroon ng kaibigang tulad nya na kasama ko lahat sa kalokohan at sa lahat ng bagay. Nagpasalamat naman ako.
Nag out naman ako agad dahil tanghali na at tinatawag na ako ni mama sa baba. Pagkatapos ay nagtulong tulong na rin kami sa paghahanda sa mga lulutuin, may pancit, spaghetti, lumpia, Maja, macaroni salad Para sa dessert, at ilang kakanin.
Hapon ang kainan Kaya naman maaga naming niluto yung mga pasta. Mag aalas tres ng hapon kami natapos sa pagpeprepare ng mga pagkain, nakalagay na rin ito sa isang mahabang Mesa dito sa Sala. Maagang dumating si Tury Para tumulong dahil kakapusin talaga kami sa oras, baka matapos kami Gabi nakakahiya naman sa bisita.
Nag-ayos din naman ako agad, nagsuot lang ako ng pants tsaka t-shirt na panlabas tsaka nagsapatos. Simple lang yung porma ko, dito lang din naman sa bahay pero nakakahiya pa rin naman Kung nakapambahay lang ako.
3:30 na ng simulan ang selebrasyon, marami na rin ang bisita sa bahay kase, kahit na ayoko pa sanang mag start dahil Wala pa si Trina ay hinayaan ko na lang, kinantahan din nila ako, pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata. Pagkatapos ay Nag message lang din konti bilang pasasalamat.
Start na ng kainan nang dumating si Trina, hindi ko maiwasang mamangha sa hitsura nya ngayon, sobrang ganda nya kase sa dress nya na kulay yellow, Kung may the girl in the orange, eh sya naman ang the girl in the yellow dress. Parang sya pa yung may birthday saaming dalawa, kasama nya si tita na bumati din naman saakin.
"Hi" bati ko ng makalapit sya sa table namin, nasa labas kase kami ng bahay dahil ang daming tao sa loob, kasama ko Sina Tury, Jane, at ally. Binati din naman sya ng tatlo. Hindi ko Alam ang gagawin ko, shit! Kaya tumayo ako saglit Para ikuha sya ng kakainin, hindi nila ako napansin dahil nagkekwentuhan na sila.
Madami akong kinuha sa kanya, halos lahat ng handa kinuha ko na dahil hindi ko Alam kung anong gusto nyang kainin, nahihiya akong tanungin sya. Nilapag ko naman ito sa harap nya Kaya napatingin sya sakin dahil doon, nakatitig na sya ngayon sa Mata ko na parang may gustong sabihin, nailang ako Kaya agad akong nag-iwas ng tingin Lalo pa't makalapit lang kami ng mukha, hindi din nakatulong saakin yung lakas ng tibok ng puso ko.
"ikinuha na kita, thank you at pumunta ka" Sabi ko sabay ngiti sa kanya, ngumiti naman sya na ikinagulat ko, wala syang ibang Sinabi at kumain na lang habang ako ay nakatanga parin sa kanya. Napansin din naman yun ng tatlo Kaya todo sila asar saakin.
Puro lang kami kwentuhan na pinangunahan lang din nila Tury, nakikisabay lang din ako Kung minsan dahil mas gusto ko pa titigan yung Katabi ko kesa makinig sa mga chismis ni Tury.
Hindi rin nagtagal ay umalis na Sina Jane at ally, sa kabilang Kanto pa kase yung bahay nila tsaka Gabi na, sumunod naman si Tury na tingnan na muna kami ng nakakaloko bago umalis, magbabalot pa kase sya ng handa hahahha. Kaya kaming dalawa ang naiwan ngayon,napatingin naman ako sa katabi ko at nakitang nakatingin din sya saakin.
"gusto mong lumabas?"
"nasa labas na tayo." sagot naman nya sabay irap, Sabi ko nga.
"I mean maglakad lakad muna Dyan sa labas?" tiningnan nya muna ako saglit bago tumango.
Andito lang kami sa labas ng bahay, sa gilid ng kalsada nakatambay, napatingin naman ako sa langit punong puno na naman sya ng mga nagkikislapang bituin, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin ngayon.
"late na Pala, pasok kana sa inyo dahil may pasok pa tayo bukas" pambabasag ko sa katahimikan.
Napatingin naman ako sa kanya at saktong nakatingin lang din sya saakin, pakiramdam ko huminto ang oras sa mga oras na toh, tanging sya lang ang nakikita ko ngayon, napakaganda nya, hindi Ata ako magsasawang sabihin yun sa kanya."you really look lovely tonight" mahinang bigkas ko, na tanging kami lang ang makakarinig, kahit madilim napansin ko pa rin Kung Paano sya nagulat sa Sinabi ko hindi rin nakalagpas ang pagpigil nyang ngumiti kahit ang seryoso nya.
Nahigit ko naman ang hininga ko ng bigla syang lumapit saakin, medyo mataas ako sa kanya, hanggang mata ko lang sya, hindi nya parin inaalis ang tingin saakin.
Hinawakan nya ng dalawang kamay nya ang pisnge ko dahilan Para magrambulan ang dinosaur sa Tyan ko. Siguradong pulang pula na rin ako ngayon.
"Happy birthday" mahinang Sabi nya na nagpabilis Lalo ng tibok ng puso ko. Happy birthday pa lang Sinabi nya pero kilig na kilig na ako, pano pa Kaya Kung Iloveyou na, Napangiti na lang ako sa kanya, hindi ko Alam ang sasabihin ko sa kanya. At higit sa lahat hindi ko inexpect ang gagawin nya. Tumingkayad sya dahilan Para mas lalong maglapit ang mga mukha namin Kaya napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang labi nya sa kaliwang pisnge ko.
"Goodnight Eri, I....."
"have to go".
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
РазноеBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...