Eri's POV:
Shit lang! Bakit Ganon? Bakit ang sakit na makita syang may kayakap na iba, tapos ang Saya pa nila. Bwisit! Hindi ko na inalintana ang paligid at tuloy tuloy lang sa pagtakbo. Lumabas ako ng gate dahil ayokong mag stay pa dun, tutal uwian na din naman.
Masaya pa naman ako sa pagpunta Dun Para sunduin Sana sya dahil Sinabi saakin ni Jane na sumaglit daw muna si Trina sa library, pero Ganon lang Pala ang makikita ko. Sila na ba?! Mukha nga. Napatawa naman ako ng pagak.
Dirediretso lang ako, hindi ko napansin na kanina pa Pala sa pagbuhos yung luha ko. Shit naman! Wala pa naman akong dalang panyo, mahihiya ang sipon kong lumabas.
Nasa Park na ako ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko, napahinto naman ako dahil dun. Ramdam ko naman ang pag bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako lumingon dahil ayoko muna syang makita.
Bat ba sya nandito? Para ipamukha na sila na?! Psh.... Edi waw.
Rinig ko naman ang malalalim nyang hininga, mukhang hinabol nya talaga ako. Malayo na din kase ang tinakbo ko.
"please wag naman ganito" Hingal nyang Sabi, hindi ako umimik.
"let me explain"
Again wala akong sagot. Namamanhid Ata ako ngayon. Hinawakan nya naman ang dalawa kong balikat tsaka pinihit paharap sa kanya Kaya napaiwas naman ako ng tingin. Ayokong salubungin yung mga nangungusap nyang mata.
"Eri"
"Eri"
"Eri Dammit! Pansinin mo ko!" nagitla naman ako sa biglang pagtaas ng boses nya, bat sya pa Ata ang galit?! Tangina naman.
"bakit ba? Ano pa bang problema mo?!" hindi na din ako nakapagpigil ng inis.
"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO, GALIT KA, HINDI MO AKO PINAPANSIN" bigla namang nawala ang inis ko nang makita kong umiiyak na sya, Kaya wala na akong nagawa kundi ang yakapin sya. Sumisinghot singhot naman sya, tangina bat kase hindi ako nagdala ng panyo, hindi ako naorient na may drama pa lang mangyayari.
"shhh.. Tahan na, sorry" Sabi ko nalang tsaka sya hinalikan sa ulo, pansin ko namang natigilan sya dahil dun.
"ikaw kase eh" aba nanisi pa toh.
"sorry"
"ano bang iniisip mo? Kung ano man yan ay Mali ka ng iniisip, binasted ko sya, yung nakita mo ay wala lang yun dahil hindi ko sya gusto at I-ikaw ang gusto ko" wala na atang mas ilalaki pa ang mata ko sa sinabi nya.
"G-gusto mo din ako?" sa haba ng Sinabi nya tanging yun lang ang pumasok sa isip ko. Hindi naman mapakali tuloy yung puso ko, yung mga dinosaur ko sa Tyan Ganon din.
"tsk. Stupid ka na nga binge pa" Sabi nya sabay bitaw sa pagkakayakap saakin, ngayon ay pareho na kaming nakatingin sa isa't Isa. Hindi naman nakalagpas sa Mata ko ang pamumula ng mukha nya, mugto na rin ang mata nya dahil sa pag-iyak. Kahit Ganon ay ang ganda nya pa rin.
"so gusto mo nga ako?" pag-uulit ko pa, gusto kong makita mismo at marinig sa harap nya na sabihin nya ang bagay na yun.
"oo nga tsk!" Kaya hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko, nagtataray na naman sya, kahit kelan talaga.
"talaga?" sinamaan nya naman ako ng tingin dahil sa Sinabi ko.
"isa pa, sasapakin na talaga kita!" Napatawa na lang ako sa Sinabi nya Kaya nakatanggap naman ako ng mahinang hampas sa balikat, ang sadista nya talaga.
"so tayo na?"
"Anong tayo na? Manigas ka Dyan! Lika na nga umuwi na tayo" Sabi nya tsaka nagmartsa, kinuha ko na din ang bag nya at isinukbit sa balikat ko. Worth it naman Pala yung pag-iyak ko dahil good news naman yung resulta. Masaya ako na gusto nya rin ako. Konti pa at hindi na ako makapaghintay sa araw na sasagutin nya ako. Ako na Ata ang pinakamasayang tao kapag nangyari yun.
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
SonstigesBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...