Enjoy reading, Honeys
NANG MAtapos ang isang linggong pamamahinga ay sa wakas ay maayos na ang pakiramdam niya. Nakakalakad na siya ng tuwid at wala ng masakit sa katawan niya. Kaninang umaga nang magising siya ay napakagaan ng pakiramdam niya at hindi na nawala ang mga ngiti sa labi niya hanggang sa mag-almusal sila ng papa niya.
“My princess is happy, isn’t she?” Nanunudyong ani ng ama habang nagkakape ito.
Nginitian niya ang ama. “Good morning papa”
“You have a good morning, indeed” Naiiling na sagot ng ama.
Habang nag-aalmusal sila ay panay lang ang kwentuhan nila ng ama ng mga kung anu-anong bagay. Pagkatapos mag-almusal ay ang papa niya ang naghatid sa kaniya papuntang university.
“Ingat ka palagi, anak. Huwag kang sasama sa kahit na kanino ah” Paalala ng ama sa kaniya araw-araw.
Nginitian niya ito bago hinalikan sa pisnge.”I love you papa”
“Pero mukhang may kaagaw na ako sa pagmamahal mo e,” Kunwari’y nagtatampong ani ng ama.
“Pa, Ikaw parin po ang first love ko” Sagot niya rito bago siya lumabas mula sa taxi at kinawayan niya ang ama habang naka-ngiti rito.
Magaan ang loob niya habang tinatahak ang daan papunta sa unang subject niya.
Kaya lang ay nagtataka siya dahil tila nandidiri siyang tinitingnan ng mga nadadaanan niyang mga estudyante pagkatapos ay magbubulungan ang mga ito.
“Grabe, kahit propesor pinatos niya na.” Rinig niyang bulungan.
“Ang kapal ng mukha ah, Akala niya sineseryoso siya ni Prof.Clinton e baka nga parausan lang iyan e. Atsaka diba ang tataas ng grades niya, baka ginagamit niya ang katawan niya para makakuha ng mataas na grades.”
Natigilan siya sa paglalakad dahil sa narinig. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito kanina pa.
“Hay, naku mga ambisyosa nga naman. “
“Simula nang mag-aral iyan dito ay nagtataka talaga ako e, dahil taxi driver lang naman ang papa niya tapos sa Donovan University siya nag-aaral. So it’s either maraming trabaho ang ama niya o baka naman dumudoble kayod din siya sa pamamagitan ng pang-aakit kay Prof.Clinton”
Pabagal ng pabagal ang paghakbang niya habang may pangmamaliit ang mga estudyante ng tingin sa kaniya.
Pero pinigilan niya ang sarili na huwag ng patulan ang lahat ng mga naririnig niya dahil wala naman siyang mapapala, kahit pa naman siguro mag-explain siya sa mga ito ay hindi ang mga ito makikinig sa kaniya dahil mga sarado ang mga utak ng mga ito. Bahala sila sa mga buhay nila.
Nagmamadali na lang siyang naglakad at buti na lang ay walang tao masyado ang hallway papunta sa room niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto at napahiyaw siya nang may biglang nabuhos sa kaniyang tubig. Basang-basa ang uniform niya lalo na ang pang-itaas niya.
Maya-maya lang ay rinig niya ang malakas na tawanan ng mga estudyante. Ang ilan ay may hawak pang camera at kinukunan siya.
“Wow, miss. Nice breast”
“Kung ako na lang sana pinatulan mo edi hindi malaking issue iyon”
“Sa akin ka na lang sana nagpatira may pera rin naman ako.”
Fear and anxiety consumed her whole being. Bumalik ang takot at truma niyang matagal na niyang nilalabanan.
Noo! Please god. Not now.
Bago pa man siya mawalan ng malay dahil sa takot ay mabilis siyang tumakbo papalayo sa mga taong pinagtatawanan siya. Mabilis lang siyang tumakbo at hinayaan ang mga bagay na ibinabato nila sa kaniya. Wala pang mga guro at tanging mga college students lamang ang marami sa mga oras na iyon sa university dahil masyado pa namang maaga. She guesse it was well planned.
Nang makalabas siya mula sa malaking gate ng Donovan University ay mabilis siyang tumakbo palayo. Mag-aabang na lang siya ng taxi at uuwi na lang muna siya. Napaka-rumi na ng damit niya at napakalansa na ng amoy niya. Hindi niya alam kung ano ang mga itinapon sa kaniya ng mga ito.
Habang tumatakbo ay may isang sasakyang huminto sa gilid niya. Ang kaninang takot ay mas nadagdagan kahit pa wala namang ginagawa ang tao sa loob ng sasakyan. Tumakbo ulit siya ng mabilis at ganun na lang ang pagkalabog ng puso niya ng mabilis nang mapansing nakasunod ang sasakyan sa kaniya. Kailangan niyang makarating sa malaking High way dahil maraming tao doon at mga sasakyan. Pero may kalayuan pa siya.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at nag-isip ng plano. Mabilis siyang lumiko nang may makita siyang maliit na eskeneta. Kaya lang ay sa dulo ng eskenita na iyon ay may nag-aabang ng lalaki. Napalingon ulit siya sa likod at nag-hihintay doon ang kulay puting van at naka-bukas na ang pintuan nito. Hindi pa man siya nakakapag-isip ng magandang gagawin ay mabilis siyang nilapitan ng lalaking hindi pamilyar sa kaniya. Tatakbo sana siya doon sa dulo dahil kahit papaano ay isa lang iyon at baka kayanin niyang mapatumba kaya lang ay natulos siya sa kinatatayuan nang pagharap niya ay ilang dipa lang ang layo nilang dalawa. Ang lalaking nasa harap ay nakita na niya noong nasa mall sila ni Niccolas. Paano naman niya makakalimutan ang itsura nito.
“Hell will welcome you again, baby”
Kinilabutan siya dahil sa narinig. Siya nga talaga ang lalaking iyon.
“Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” Kahit natatakot pilit niyang pinatatag ang sarili.
“Hindi mo na kailangan pang malaman bata, Hindi naman kami ang may pakay sayo”
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis nitong tinakpan ng panyo ang ilong niya. Unti-unting humina ang pagpupumiglas niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Nang magising siya ay naka-upo siya sa silya at nakatali ang dalawang kamay niya sa likod, may busal din ang kaniyang bibig at wala siyang makita dahil may nakatakip din sa mga mata niya.
Mabilis na dinagsa ng takot ang pagkatao niya.
“Hmmmmm..” Ang gusto sana niyang isigaw ay tulong ngunit hindi siya makapag-salita ng maayos. Mahapdi ang mga pulsuhan niya dahil sa higpit ng pagkakatali doon. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang walang malay na nakatali sa silya, ang alam niya lang ay sobrang nananakit na ang katawan niya.
Kahit wala siyang makita at nakabusal ang bibig niya ay hindi siya tumigil sa kakasigaw kahit pa hindi naman maintindihan ang mga sinasabi niya.
Natigil lang siya nang makarinig siya ng mga yabag papunta sa gawi niya.
“Ah! I didn’t imagined that you are this beautiful when you grew up.” Said the voice that she knew well.
Tito Archie?
Pakiramdam niya ay na-drain ang lahat ng dugo niya sa katawan. Ni-hindi niya maramdam kung humihinga pa ba siya dahil sa sobrang takot. Namalayan niya na lang na namamalisbis na ang mga luha niya.
“Hmmm.hmmm” Nagwawala siya kahit pa wala na siyang pag-asang makawala.
“Gusto mo ng magsalita?” Kinilabutan siya nang tumama ang hininga nito sa tenga niya. Lahat ata ng balahibo niya ay nagsitayuan.
Kapakuwan ay padaskol nitong tinanggal ang nakabusal sa bibig niya na ikina-daing niya.
“Hayop ka! Hayop ka! Walang kang kwenta—”
Natigil siya sa pagwawala nang sapakin nito ang mukha niya. Nalasahan niya ang dugo na galing sa labi niya.
“Manahimik ka! Baka mapatay kita!” Singhal nito sa kaniya. Pero wala siyang balak manahimik.
“Bakit niyo ito ginagawa? Wala akong kasalanan!” Sigaw niya ulit kaya naman nakatanggap ulit siya ng sampal mula rito.
Mala-demoniyo itong tumawa. “Matapang ka na pala ngayon.”
Kahit pa halos mahimatay na siya sa takot ay pilit niyang pinapatatag ang sarili. Sa kabilang utak niya ay nananalangin iyon na sana ay may tumulong sa kaniya kahit pa napakalabong mangyari iyon.
“Oh, ihanda niyo na iyan. Mamayang gabi na ang bentahan, dapat walang galos si Hera ah.” Nanlamig ang buo niyang pagkatao nang marinig ang boses ng mommy niya.
“Mommy?” Bulong niya. Halo-halong emosiyon ang lumukob sa kaniya.
Maya-maya lang ay naramdaman niyang may nagtanggal ng piring sa mata niya. Napakurap-kurap siya bago tuluyang luminaw ang paningin niya.
Napa-awang ang labi niya nang makitang nasa harap niya ang ina at sa gilid naman ay may iilang mga kalalakihan at si Archie. Nabuhay ang galit sa dibdib niya nang makita niya ang mukha nito. Sana pala hindi na siya tinanggalan ng piring para hindi na niya makita ang mga taong nagpahirap at umubos sa kaniya.
“Mom—”
Malakas siya nitong sinampal na ikina-ikot ng paningin niya. “Don’t call me MOM!”
Sunud-sunod na kumawala ang mga luha sa mga mata niya. Galit siya sa ina niya pero hindi niya maitatago sa sarili na sa kaloob-looban niya ay nangungulila siya rito. Nangungulila siya ng kalinga ng isang ina. Galit siya rito pero habang nakatitig sa nanay niya ay nag-umapaw ang pagka-miss niya rito. Pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi niya kasuklaman ang ina. Mahal niya ang ina pero hindi iyon deserve ng mommy niya kaya naman mananatili lang ang pagmamahal na iyon sa puso niya.
“Don’t cry!” Sigaw ng ina pero mas lalo lang siyang umiyak.
“Hera Lopez shouldn’t cry!” Sigaw nito at sinampal ulit siya. Hindi na niya mapigilan ang mga luha niya kahit na anong pigil niya.
For the first time in her life, she heard her mom uttered her name.
“Dapat ay sanay ka na at hindi umiiyak!” Dagdag pa nito.
“Can you ple-as-e, l-llet me.. call you Mommy” Hiling niya rito. “And I’ll forget everything you did to me. I’ll give you love and all your need, just say sorry, Mommy… kahit isa lang… kahit hindi na totoong sorry basta mag-sorry ka lang.” Tiningala niya ang ina at nagmamaka-awa siyang naki-usap sa ina.
Malamig lang siya nitong tiningnan. “Hindi ka mabubuhay ng matagal sa mundong ‘to kung ganyan ka kahina at karupok.” Pagkatapos ay tinalikuran siya nito at lumabas sa pinto ng kwartong kinaroroonan nila.
Nang makalabas ito ay nakangising nilapitan siya ni Archie. “Maglaro muna tayo, okay.”
Kilalang-kilala niya ang uri ng klaseng ngisi iyon. Dahil lagi niya iyong nakikita no’ng bata pa siya.
Gamit ang kutsilyong hawak nito ay pinaglandas nito iyon sa pisnge niya pababa sa leeg niya bago dahan-dahang hiniwa ang uniform niya.
“NOOO! MOMMY! HELP MEE!” Dahil sa pagawawala niya ay naramdaman niyang may nahiwang balat sa parteng dibdib niya.
“Huwag na kasing malikot, Nasugatan ka tuloy.” Bulong nito at dinilaan ang dibdib niya kung saan may manipis na hiwa pero sapat lang para dumugo iyon .
“YOU DEMON!” Sigaw niya rito at dinuraan niya ang mukha nito.
Kitang-kita niyang natigilan ito at nagtatagis ang bagang na sinuntok ang tiyan niya dahilan para mawalan siya ng lakas.
“Pasalamat ka, pagkaka-kitaan ka namin mamaya kundi baka ako na ang gumamit sayo at pagkatapos ay hindi na kita bubuhayin!” Nanlilisik ang matang sigaw nito sa kaniya.
Wala na siyang lakas na manlaban pa. Ang pang-itaas naman niyang damit ay gutay-gutay na. Ang kaninang hiwa sa bandang dibdib niya ay dumudugo narin. Nawawalan na siya ng lakas at pag-asa na may makakatulong sa kaniya.
Hanggang sa may biglang humahangos na lalaking nilapitan si Archie.
“Boss, napasok tayo ng mga Police at mga PDEA”
Rinig na rinig niyang may nagkaka-putakang baril sa labas. Mabilis umalis ang mga ilang kalalakihang nasa loob ng kwartong kinaroroonan niya ganun din si Archie. Unti-unting namigat ang talukap niya at kahit anong pilit niya sa sariling huwag makatulog ay hindi niya na nalabanan pa.
BINABASA MO ANG
Desiring my Professor (Dark Series Book 1)
Ficção Geral'Who I am? What happened to me? Why I can't remember anything. All i know is i woke up didn't know how to walk, how to speak completly, it feels like I'm a new born baby but the opposite are i have a grown ups body. I'm so weak that i can't even mo...