Araw ng Linggo at napagpasyahan namin ni Yumi na magsimba. Si mama naman ay hindi na sumama dahil may kailangan itong gawin sa opisina.
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Yumi papasok sa simbahan. Di maiwasang mapatingin sa amin ng mga tao dahil bukod sa napakacute ng kasama ko ay pareho din kami ng suot.
"Tita, doon tayo umupo sa harap para kitang-kita ko si father!" di na ako nakapagprotesta pa ng hilain niya ako paupo sa harapan.
Tahimik lang kaming nakaupo habang hinihintay na magsimula ang misa. Medyo maaga pa kasi dahil first mass ang dinaluhan namin. Maya-maya pa ay nagsimula na ang misa. Tumingin ako kay Yumi na tahimik lang na nakikinig sa pari. Di ko maiwasang mapangiti dahil Hindi siya katulad ng ibang Bata na kapag nasa simbahan ay Hindi mapakali, samantalang siya ay talagang tutok Ang atensyon sa sinasabi ng pari.
"Tita, pwedeng daan tayo sa park? I want to slide!" She said excitedly ng matapos ang mass.
"Okay!" Sabay kaming naglakad papunta sa parke dahil malapit lang naman sa simbahan iyon.
"Teka, baka madapa ka!" bigla kasi itong tumakbo ng matanaw ang palaruan. Napatakbo naman ako ng bigla nga itong madapa. Bago pa ako makalapit ay may lumapit na sa kanya para ipatayo siya at pagpagan Ang tuhod nito.
"Salamat sa tulong mo." Aniko habang pinapagpagan si Yumi, buti na lang ay hindi nagasgasan ang tuhod niya dahil nakapants siya.
"Wala yun, Okay ka lang baby girl?" Baling nito kay Yumi na binigyan pa ng kiming ngiti.
"Yes po. Thank you!"
Ngumiti ako saka tumingin sa lalaking tumulong kay Yumi. "Thank you ulit. Anyway, I'm Serene, and this is Yumi." Pakilala ko sabat lahad ng kamay ko na agad din nyang tinugon.
"I'm Luke, nice meeting you two" Sabi nito at napatingin sa relo na suit nito. "Anyway, nice meeting you again, and I'm sorry but I have to go. See you next time!" Ginulo pa nito ang buhok ni Yumi saka na tumalikod at sumakay sa kotse nito. Hinawakan ko naman si Yumi at nagpatuloy sa pagpunta sa slide.
Tahimik lang ako habang pinapanood si Yumi na naglalaro kasama ng ibang bata. Ang sarap pagmasdan ng mukha niyang nakangiti.
Napalingon ako sa cellphone kp ng bigla itong tumunog. Number ni Kuya ang una kong nakita kaya agad ko itong sinagot.
"Hello, Kuya?" Bungad ko.
"Princess, pwede bang ikaw na ang makipagmeet dun sa isang kliyente? Hindi pa kasi ako pwedeng umuwi dahil madami pa akong kailangan gawin dito."
"Okay, Kuya. Sino bang kliyente yan?"
"Email ko na lang sayo yong details. I have to go princess, say hi to Yumi for me. Love you, Ingat kayo."
"Sige, Kuya. Kayo din. Love you." Napatingin ako kay Yumi matapos ang tawag. Enjoy pa rin ito sa pakikipaglaro. Tumingin pa ako sa relo ko bago ko siya nilapitan.
"Baby, let's go?" Tumago ito at nagpaalam na sa kanyang mga kalaro.
"Saan tayo pupunta, Tita?" kuryusong tanong niya. Ngumiti lang ako at kinindatan siya.
Buong biyahe ay ang ingay ni Yumi. Kung hindi siya magkukwento ay sasabayan naman niya ang kanta. There's no dull moment kapag siya talaga ang kasama. Maya maya pa ay tanaw na namin ang beach kung saan naghihintay si Mama. Actually si mama talaga ang nagplano na magpunta kami dito. She said that this day is memorable for her so pinagbigyan na namin. Medyo nagkaaberya lang ng konti kaya di siya nakasabay samin but she texted me na nauna na siya.
I immediately parked my car. Hindi pa man ako nakakababa ay Nauna ng bumaba si Yumi at nagtatatakbo papunta sa dagat. "Yeah, beach!" Masayang sigaw niya sabay ikot ikot pa at naupo sa buhanginan. Mukhang ngayon na lang ulit ito nakapunta sa dagat.
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomanceAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...