LMA~CHAPTER 1: #Her Painful past
-BREE’S POV-
Nakaupo ako sa isang bench sa labas ng isang pamilyar na lugar. Napaka ganda dito. May naririnig akong mga tunog sa loob ng maliit na garden at maraming ilaw pero di ko sinusubukang pumasok. Madaming tao. Mukhang masaya sila.
“Hayss. Asan naba ako? Nasan si papa?” kinuha ko ang cellphone ko sa hawak kong pouch upang tignan ang oras “11:47 pm” sabi ko sabay buntong hininga. Tatawagan ko sana si papa para alamin kung nasaan sya ng mapansin ko ang suot ko.
Kulay puting tube type cocktail dress. May mga kumikintab na palamuti sa gitnang parte at pagballoon ang baba. Don ko lang din napansin ang ayos ng buhok ko. Ang heels kong kulay asul. Kumuha ako ng salamin sa pouch ko upang tignan ang ayos ko.
“Anong m-meron? Bakit ako naka ganito?” patuloy kong sabi habang tinitignan ang sarili sa salamin at litong lito. “P-papa, papa asan ka?” Ang suot kong ito. Hindi, hindi maari. Bakit?
“Ayaw mong pumasok?” naramdaman kong may umupo sa katabi ko na bakante. Biniba ko ang salamin ko at saka humarap sa kanya. “Ayaw ko din don. Madaming tao, masikip. Maingay” kitang kita ko ang lungkot sa mata ng lalaking kinakausap ako habang nakayuko.
Iniaangat nya ang ulo nya at tinignan ako sa mata. Ang gwapo nya, ang mga mata na.. nakakapigil oras ang bawat tingin.
“Hahaha! Honey naman wag dyan. Aahhh josef, nakikiliti ako ay, hihi ano ba honey!” bumalik sa realidad ang mga utak ko ng marinig ang hagikgikan ng malanding boses ng babae. Parang pamilyar. Tumayo ako at hinanap ang mga malalanding boses na yon.
Iniwan kong nakaupo ang lalaki na tinitignan ang bawat hakbang na gagawin ko papalayo sa kanya. Matapos ang ilang hakbang na ginawa ko ay nakarating ako sa isang madilim na lugar. Tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ‘to.
Puro puno, puro halaman. Tanging ang malalanding boses lang ang bumabasag sa katahimikan sa lugar na ito. Lumakad pa ako ng mas kaunti sa isang malaking puno para makumpirma kung don nga nanggagaling ang mga boses na naririnig ko. Sumilip ako mula sa likod ng puno at napatakip ako ng bibig sa nakita ko.
“Josef naman, ahihi.Wag dyan!”
“Ang p-papa. Y-yung babae. Si mama lyn. Ang b-bestfriend ni mama.” Hinahalikan ni papa ang leeg ni mama lyn pababa sa mga balikat nito. Nakita ko naman kung paano maenganyo si mama lyn sa ginagawa ni papa sa leeg nya.
Inalis ko ang ang mga mata ko sa dalawang taong naglalandian. Tumalikod ako at Isinandal ko ang katawan at ulo ko sa malaking puno at naramdamang may tumulong tubig mula sa mata ko pababa sa pisngi ko. Sobrang nanghina ang katawan ko sa nakita ko, hanggang sa mapaupo ako. Ang papa ko, hindi. Hindi nangyayari ‘to. Tapos na ‘to. Hindi! Pinunasan ko ang mga luha na patuloy lumalabas sa mata ko. Tumayo ako at pinagpag ang likuran ng damit ko upang maalis ang mga duming dumikit dito.
Lumapit ako sa dalawang taksil.
“P-papa..” nakita kong napatigil sa paghalik ang papa. Bakas sa mata nilang dalawa ang pagka gulat at agad na nilayo ang sarili kay mama lyn. Pagpahiwatig na kunwari wala akong nakita, kunwari wala silang ginawa.
“A-anak. Anak w-wala yon. Laro lang y-yun. Parte ng party m-mo yun.” Pagsisinungaling ni papa habang papalapit saakin. Pero imbis na sagutin ko sya ay tinignan ko si mama lyn. Nakita ko naman syang nagaayos ng nagulong damit gawa ng paglalandian nila. Ng magtagpo ang mga mata namin, ay biglang napayuko si mama lyn.

BINABASA MO ANG
LOVE ME, AGAIN
RomanceL-O-V-E. Ano 'yun? Nakakain ba yon? Dahil sa lecheng pagmamahal na yan, nasira ang pamilya ko. Nainlove ako nung highschool ako. First boyfriend, first heartbreak. From that day sabi ko sa sarili ko 'di na ko magtitiwala ulit. 'Di na ko magmamahal...