Saf's POV
Nagkaroon ang school namin ng outreach activity sa Palawan.
Isa akong miyembro ng Let's Clean, Think Green Group sa Maria Agnes University dito sa Cavite. Ito'y naglalayong panatilihin ang kalinisan at pangalagaan ang kalikasan.
Nagpunta kami sa Palawan para magturo sa mga kabataan ng basic tree planting at street sweeping habit.
Limang araw pa sana kami dun kaso napauwi agad ako ngayong linggo. Nakakadalawang araw palang akong nawala, bali-balitang may babae ang boyfriend ko.
Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong impormasyon dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na hinding hindi niya ako lolokohin.
At sa mga sinabi at ginawa niya sakin, parang malabong magawa niya sakin yun.
Ang bestfriend ko na si Michanne ang nagsabi sa akin tungkol dun.
Syempre gulat na gulat ako.
Pero ang mas ikinagulat ko, nang sabihin niyang siya yung tinutukoy niyang babae ng boyfriend ko.
Nanginig ako sa galit matapos niyang sabihin yon. Ang kapal ng mukha may gana pa kong kausapin matapos niyang ahasin ang boyfriend ko sakin.
Nung mga oras na yon, kay Michanne ako galit na galit. Alam ko naman kasing hindi basta basta maaakit ang boyfriend ko sa ibang babae.
Nangako siya sakin na kahit anong mangyare, ako lang. Sinabi niya pa na kahit ayaw ko na sa kanya, hindi siya titigil na habulin ako.
Pero nung makapagisip-isip ako. Alam kong kasalanan din niya to. Walangyang Red yan. Sabi na nga ba eh. Sa una palang, hindi na dapat ako naniwala sa mga pinagsasabi niya.
Ang dami niya pang alam, isa rin pala siya sa mga pesteng nagpapatunay na walang forever. Kaya di maiiwasan na may maniwala sa kasabihan ng mga kabataan na yon eh. Dahil sa mga katulad nila.
Pero may laging isinasagot sakin si Red pag sinasabi kong walang forever...
Naaalala ko noon, naglalaro kami ni Red ng Pinoy Henyo kasama nung mga pinsan niya. Syempre kami ang magpartner. Ako ang nanghuhula at siya naman ang nasagot.
Eroplano ang napunta saming salita.
"Tao?" Panimula kong tanong"Hindi"
"Bagay?"
"Oo"
"Meron tayo nito?"
"Wala, ay HINDI HINDI"
"Forever?" Hahahaha. Medyo may pagkabitter kong sagot sabay ngising mapangasar.
Tapos si Red matahimik. Alam ko kasing naiinis siya kapag sinasabi ko yun. Kaya nga lagi kong sinasabi yun eh. Lahat ng ayaw niya, yun yung ginagawa ko.
Hindi naman sa alaskador ako pero alam ko naman kasing hindi magagawang magalit sakin ni Red. Alam kong mahal na mahal niya ko at masaya ako dahil dun. Kaya ang resulta, napakakomportable ko na sa kanya.
Pagtapos ko siyang asar-asarin sa wakas umimik din si Red. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin.
Kinilabutan ako ng yakapin niya ako. Ganyan talaga ako pag may ginagawa siya saking ikinatutuwa ko ng sobra.
Paano ba naman, matapos ko siyang pikunin eh nagawa niya pa kong yakapin.
" Babe, naiintindihan kita sa ngayon kung naniniwala kang walang forever. Pero hindi ko na matatanggap pag sinabi mo ulit yan matapos mamuti ang buhok nating magkasama." Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Pinanganak ba tong taong to sa taniman ng tubo at ganito ka sweet to.
Pero ayaw kong mahalata niyang natutuwa ako. Baka lumaki ang ulo eh. Kaya ang sabi ko...
"Talaga lang huh? Mamumuti yang buhok mo mag-isa." Sabay talikod.
"Babe!" Pinigilan niya ko sa paglakad ko.
Paglingon ko, yan na naman yung napaka-cute niyang smile. Samahan mo pa ng napakalalim niyang dimple sa right cheek niya.
"Iloveyou" sabi niya ng nakangiti. Grabe to, bilib na ko dito. Pero mas mabilib kayo sakin. Hahaha
"Babe? Yuck ang laswa nung babe." Sabi ko sa kanya. Pero, gusto kong tinatawag niya kong babe. First time lang kasing may tumawag sakin ng ganun. At gusto ko, siya lang ang nagsasabi nun...