"Ano ba yan ang sukal naman dito. Nangngati na buong katawan ko" pagrereklamo ko sa mga damong paepal sa dinaraanan ko sabay kamot sa braso, balikat at mga hita ko. Bakit kasi nagsuot pa ako ng shorts, dapat pala nagleggings ako. PFFT!
"Bakit kasi ang layo ng tulay na ito, sino ba gumawa nito, wala ba s'yang isip at dito pa n'ya sa malayo nilagay 'to!" Sabay hampas sa mga damo na nasa tabi ko .Nagtataka ba kayo kung ano ang ginagawa ko dito? Nakita ko kasi sa SUICIDE SQUAD sa fb itong tulay na ito, marami na daw ang nagpakamatay dito, paano? malamang edi tatalon alangan namang magtumbling.
"Magpapakamatay na nga lang ako puro galos pa, kanina pa nahihiwa ang mga balat kong makinis eh" maigi na lang walang tao dito kasi kung mayroon nako pagkakamalan pa akong baliw kasi kanina pa ako nagsasalita at sumisigaw dito pero wala naman akong kausap. ANG HUSTLE MAGSUICIDE.
Wait nakikita ko na yung tulay, YES! sa wakas makakarating na din ako. "WOAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH" sumigaw ako ng malakas upang icheer ang sarili ko upang makarating na don sa tulay, nawaawalan na kasi ako ng energy.
Isang hakbang na lang! At nandito na ako sa tulay! THANK YOU LORD!
"WWWWWAAAAAHHHHHHHHHH, sobrang ganda dito!" Manghang mangha ako sa view grabe kaya naman pala madaming nagpapakamatay dito, gusto nila sigurong makakita muna ng ganito kagandang tanawin bago sila mamatay.
Hindi na akong nagpatumpik tumpik pa karaka raka, at umakyat na ako sa railings ng tulay. Grabe nakakatakot pala, sobrang lalim ng kinalalagyan ng tuloy na"to!
"Grabe! Ang ganda ng tanawin pero nakakatakot yung lalim! Parang ayaw ko nang magpakamatay, magback out na lang kaya ako, Ay wag na, Ayaw ko masabihan na wala akong isang salita"
TATALON NA SAN AKO NANG BIGLANG MAY....
"Oy, anong gagawin mo? Tatalon ka ba?Nako huwag na, baka isa ka din sa kanila, yung walang isang salita, kunwari tatalon pero natatakot naman. Kaya ayon umuwi na lang." Ika n'ya habang tinitignan ang magandang tanawin at nginingisian ako.
"Hoy! SIno ka ba ha?! Huwag mo akong iagay sa iba no, hindi ako duwag. Mayroon akong isang salita no!" Tatalon na sana ako nang bigla n'ya akong hinila pababa.
"Ano ba! Bitawan mo ako, huwag mo nga akong pigilang magpakamatay" Sigaw ko habang tinatanggal ko ang kamay n'ya sa braso ko.
"Ano ka ba, masyado pang maaga para magpakamatay ka. Anong oras palang oh" sabay tingin n'ya sa ROLEX na relo n'ya. Taray naman nito, ang mahal kaya nan. Syempre sinabi ko na lang yan sa isip ko, ayaw ko namang marinig n'ya na nagagadahan ako sa relo n'ya baka mamaya isipin n'ya inggitera ak pero totoo naman hahaha.
"8 am palang oh! Mamaya ka nang hapon magpakamatay, mamaya sunset. Para Makita mo talaga kung gaano kaganda ang tanawin dito" sabay ngiti n'ya sa'kin. Feeling close s'ya masyado nakakainis. Porket mayaman eh nakikialam sa buhay, s'ya pa ang nagdesisyon kung anong oras ako magpapakamatay, Pala desisyon 'to ah.
"Aba at pala desisyon ka! Ni hindi nga kita kilala tapos uutusan mo ako na huwag magpakamatay. Ano ka gold?" Epal kasi akala mo kung sino, porket nakarolex s'ya akala niya kaya na n'ya akong diktahan, NO WAY! Kung ibibigay n'ya sa'kin yun baka magbago talaga ang isip ko.
"Take my advice na lang kasi, may point naman ako eh. Ayaw mo non, bago ka mamatay eh makakakita ka nang maganda tanawin na babaunin mo sa iyong mga bangkay" Napaisip tuloy ako sa sinabi n'ya, may point naman s'ya masyado pang maaga para magpakamatay ako. Mamayang hapin na lang.
"Mukhang nagbabago na ang isip mo ah."
"Paladesisyon ka kasi, porket nakarolex ka kala mo kung sino ka!"
"HAHAHAHA!"tawa niya.
Aba't nakuha pa nitong tawanan ako ah. Hindi porket nakakaangat siya ay pwede na niya akong tawanan. NO over my dead body.
"At anong nakakatawa? Masaya ka at naiinggit ako sa relomo, ganon ba?" pagsusungit ko.
"Hindi naman sa ganon, Natatawa ako kasi akala mo nakarolex ako. Eh sa SM ko lang 'to nabili" Potek hindi naman pla rolex yung relo niya nainggit pa ako, bwisit.
"Hindi nga Rolex, pero at least sa SM mo nabili, yung aking nga sa Divi ko lang nabili eh. Buy one Take one!" Sabay himas sa relo kong Buy1 Take1. Kala n'ya ah, mas nakaaangat ako sa kanya kasi yung relo ko dalawa, sa kanya isa lang Hahaha (Kris aquino laugh).
" Oo nga sa SM ko 'to nabili. Sa Muslim HAHAHAHAHA"
"Ano?! Sa muslim mo pala yan nabili, San ba tindahan yan nang makabili din ako, kahit sa muslim yan mukha naman siyang maganda" Sabi ko naman sa inyo inggitera talaga ako :)
"Sabi ko na nga ba eh naiinggit ka sa relo ko, napansin ko kasi kanina ka pa tumititig sa relo ko eh"
"Ah so are you saying that I am an inggitera? Ganon ba Cassie?" Ay bakit Cassie nasabi ko, nako kakapanuod ko 'to ng Kadenang Ginto.
"Wala akong sinasabi na ganyan Marga" aba at on character si ate girl.
"Whatever, I will make sure na makakarating ito kay Mommy" kala niya ah, hindi ako magpapatalo sa acting skills niya. I am Marga Imitation no.
"HAHAHA, On character ka talaga eh no. Anyways hindi Cassie ang name ko. I am Daniela"ah nanay pala siya ni Marga.
"Hindi Daniela ng Kadenang Ginto ah" ay hindi pala. KJ naman nito.
"Daniela Salazar, that's my Full name"
"Ako naman si Romina. Joke, mine is Channie.Channie Bahyag" sa nagbabasanito, kapag tumawa ka, babagsak ka this sem!
"HAHAHAHAHA! Ang baho naman ng surname mo"
"Hoy, huwag mong maliitin ang surname dahil hindi ito mabaho no! Malinis kaya kaming mga BAHYAG!"
"Oh my gosh. Sorry ha natatawa talaga ako sa Surname mo." sabay punas ng luha niya, umiyak siya sa kakatawa.
"Okay lang, sanay naman na akong tinatawanan ang surname ko,Ewan ko ba sa mga ancestor ni Papa. bakit yan ang napili nilang Apelyido. Pinagtatawanan tuloy"
"Ano ka ba, okay lang naman yung surname. medyo mabaho lang pakinggan sa una pero masasanay din sila"
"Okay change topic tayo. Since mamaya ka pa naman magpapakamatay, gusto mo ba kwentuhan muna tayo?"
"Sige okay lang naman sa'kin. ayaw ko din naman mabored habang hinihintay ang sunset. May makwekwento ka ba?"
"nako don't worry, madami akong kwento. Simulan natin dito sa tulay, yung kwento ng tulay na ito Hindi ka ba nacurious Kung bakit sa dinami dami ng lugar ay dito pa sa malayo, masukal at bundok na ito nilagay"
May kwento pala itong tulay na ito. Taray ah sana all may story.
------------------------------------------------
PS: Remember that no matter how hard our life is, Don't Give Up. I know you can do it. I am rooting for you :)
BINABASA MO ANG
Seeing MYSELF in YOU
Fiksi UmumHindi talaga biro ang buhay nating mga tao, minsan nagsasawa na tayo sa mga bagay bagay na paulit uilt na lang nangyayari sa'tin, ung tipong gusto mo nang sumuko pero hindi pwede. Naranasan mo na bang maisip na ayaw mo nang mabuhay pero ayaw mo din...