THERE WAS a guy who named Yuan, his life is very simple and peaceful. And apparently, it became hard when he accidentally got pregnant his long time girlfriend, Eloisa. A girl who has been in love with him for about three years since college. After finished his business course, he took his first job as a bank teller. And when he had a stable job, Yuan has decided to live separately in the private village of Taguig City.
Kaya naman nang mabuntis si Eloisa ay napilitan siya na ibahay ang kasintahan kahit lingid ito sa kaniyang magulang at kahit hindi pa siya handa sa responsibilidad. However, Yuan has become a good provider when it comes to daily needs and expenses. At dahil buntis si Eloisa ay hindi niya maintindihan ang pagiging mainitin ng ulo nito kumpara no'ng magkasintahan pa lamang sila. Dahilan para madalas silang magkaroon ng pagtatalo.
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi mo ba naisip na may naghihintay sa'yo?" pagbungad kaagad sa kaniya ni Eloisa sa halip na bungaran siya nito ng yakap at halik.
"Eloisa naman, pagtatalunan ba na naman natin, 'to? Hindi mo ba naisip na baka na-traffic lang ako?"
"Traffic? Palagi na lang ganiyan ang dahilan mo. P'wede bang iba naman?" inis na katwiran nito habang nakapamewang pa ito sa harapan niya. Napailing si Yuan at piniling 'wag patulan ang kawalang kwentang paghihimutok sa kaniya ng kasintahan. "Hoy, kinakausap pa kita!" Narinig niyang sigaw ni Eloisa nang malampasan niya ito mula sa kinatatayuan.
Narinig pa niyang nagdadaldal ito mula sa salas pero hindi niya iyon malinaw na naririnig dahil abala siya sa pagkuha ng damit sa cabinet.
Buong akala niya ay tumigil na ito sa kasasalita sa kaniyang paglabas ng kuwarto pero muli na naman itong nagsalita habang ipinaghahain siya ng pagkain. "Lumamig na lang tuloy ang iniluto kong ulam nang dahil sa tagal mong dumating," wika nito na sandaling nagpaangat ng tingin niya.
Kaya naman hindi na niya maiwasang patulan ang mga paratang nito, "Pambihira naman, Eloisa, 'wag kang mag-alala at kakainin ko 'yan. Saka kapag nakakuha na ako ng motor ay hindi na ako male-late ng uwi," aniya bago pa man umupo at galawin ang inihaing pagkain sa kaniya ng kasintahan.
Doon lang natahimik si Eloisa at para sa kaniya ay laking himala iyon nang dahil lang sa sinabi niya. Pumasok ng kuwarto ang kasintahan at wala siyang kamalay-malay na iyak iyon ng iyak doon. Sadyang matapang ang ipinapakita nitong ugali sa kaniya pero hindi niya alam ay durog na durog na ito sa halos araw-araw nilang pagtatalo. Sa katunayan ay wala naman talagang dapat ikabahala si Eloisa sa kaniyang katapatan bilang asawa, dahil wala naman siyang babae at madalas ay bahay-trabaho lang ang routine niya araw-araw.
Matapos kumain ay humiga na siya sa tabi nito. At sa halip na suyuin ang kasintahan ay mas pinili niyang magpahinga dahil sa pagod din siya. Ayaw niyang mas lumala pa ang misunderstanding nila. Ngunit hindi niya batid na labis iyong ikinalulungkot ni Eloisa dahil kahit galit ito ay umaasa pa rin ito na susuyuin niya.
Kinabukasan ay hindi inaasahang magkakaroon ng celebration sa kanilang kompanya. May kaunting salu-salo at inuman after duty sa isang resto bar at papangalanan na rin ang top three most outstanding employee this year. Nakaramdam ng excitement si Yuan dahil kahit minsan ay hindi niya pa na-achieve ang magka-award ng gano'n sa kompanya sa loob ng dalawang taon. Importante iyon para sa kaniya at matagal na niyang hinihintay na magkakaroon ng improvement sa kaniyang trabaho, lalo na't ginagawa niya naman ang kaniyang one hundred one percent best para rito. At kahit hindi sila okay ni Eloisa ay nagawa niya pa rin na magpaalam dito through text.
"Tama na 'yan, magbabati rin kayo niyan," pahapyaw na wika ni Inigo na isa sa kaniyang malapit na kaibigan. Kilala kasi nito ang kinakasama niya kung magalit dahil minsan na nitong nakita ang post ni Eloisa sa social media sa tuwing may alitan sila.
BINABASA MO ANG
Between Two Wives
General FictionYuan Martin could not expect that she had two wives in one roof. It was Eloisa and Megan who have different personalities. One is soft hearted, caring and understanding and the other one is quickly irritated, but has a defiant personality. Eloisa on...