27

17K 523 115
                                    


JULIANNE made it to Batangas Pier in record time. Gusto niyang makarating sa Capistrano bago humapon. Nang dumating siya sa town house kaninang umaga ay sinabi ng mga security guards na madaling-araw pa lang kahapon ay umalis na si Benedict. Walang ideya ang mga ito kung saan ito patungo subalit sinabi ng isa sa mga security guards na napuna nila ang isang travelling bag sa likod ng sasakyan nito.


Nanggipuspos siya. Hindi siya maaaring bumalik sa ama. Ang susunod niyang pag-alis ay hindi na magiging madali. And she couldn't stay at the hotel either and wait for Benedict's return—kung kailan man iyon.


Kung may dala itong travelling bag, maaaring bumalik ito sa Capistrano. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang doon ito nagtungo. At habang mabilis siyang nagmamaneho patungo sa Batangas ay tinatawagan niya sa cell phone si Nadine upang makatiyak. Bago pa man siya nakapagtanong sa kaibigan ay agad na nitong ibinalita na dumating doon si Benedict at kaaalis lang nito sa kapitolyo kasama si Gobernador.


Pasado alas-singko ng hapon nang dumating siya sa Capistrano. Sa lahat yata ng punong-kahoy sa magkabilang panig ng daan ay nakapaskil ang larawan ni Stan. The posters alone must have cost him a lot of money. Marahil ay talagang sinuportahan ito nang husto ng mga de Castro.Nangako siya sa sariling hindi ito mananalong mayor sa bayang iyon. But she had so many things on her mind to even bother with Stan.


Sa isang banda, dapat na rin niyang ipagpasalamat ang pagkatuklas niya sa panloloko nito. Iyon ang naging paraan upang makilala niya si Benedict.


Dinama niya ang impis pang tiyan. Ayon kay Jade, isang buwan na ang bilang ng nasa tiyan niya. Isang hindi maipaliwanag na kagalakan ang nadarama niya. Hindi muna niya sasabihin kay Benedict ang kalagayan niya hangga't hindi siya nakatitiyak sa katayuan nilang dalawa. But whatever happened, she had his child to cherish. No one could take it away from her.


"...I'll catch you when you fall."


Tears stung her eyes. Alam ni Julianne na hindi siya pababayaan ng mga magulang. Kahit ang mga kapatid niya. Pero hindi niya gugustuhing saluhin siya ng mga ito. This was her life. Ginawa niya ito sa sarili niya. She would take the consequences no matter what happened.


Isang buntong-hininga ang ginawa niya at sandaling dinaanan ng tingin ang karagatan sa dako pa roon. Then a humourless smile curved her lips. Tila sumpa sa angkan ng mga Fortalejo ang bastardo. Ang papa niya, ang Uncle Zandro niya, and there was her cousin Karl.


Nagmenor siya nang makita sa kanang daan ang arko ng Villa Manuela. Iniliko niya roon ang kotse. Ilang sandali pa ay ipinapasok na niya sa nakabukas na gate ang sports car. Natanaw niya ang jeep ni Benedict na nakaparada sa isang bahagi ng solar. Ibig sabihin ay naroon ito.


Nang patayin niya ang makina ng kotse ay ilang sandali siyang nanatili sa loob. Bigla ang alinlangang umahon sa dibdib niya. Ano ang sasabihin nito sa ginawa niyang pagsunod dito? Paano kung itaboy siya nito? Puno ng insekyuridad ang dibdib na lumabas siya ng sasakyan.


Nakakailang hakbang na siya nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. Huminto siya sa paghakbang at tumingala. Sa veranda, sa ikatlong palapag ay nakatayo si Benedict. Napakataas ng kinalalagyan nito at hindi niya gaanong malinawan ang anyo pero natitiyak niyang magkadikit ang mga kilay nito habang nakayuko sa kanya.

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon