1 week ago.
"Cut!"
"Madam, si Mayor po nariyan," pagtawag ng isang staff sa akin.
Tumungo na ako sa tent ko and I saw Herbert na nakaupo sa sofa.
"So? Ano nagpapunta sa 'yo here? Akala ko ba aalis ka na?" wika ko sabay lapag ng gamit ko.
"Yeah, aalis na ako pero gusto muna kitang makita kaya pumunta ako," sabay backhug niya sa akin. "Mamimiss kita. Two weeks din 'yon," wika niya.
"Mabilis na lang 'yon. Just take care of yourself and don't worry about me, okay?" sabay alis ko ng backhug niya at humarap sa kaniya.
"Hindi mo naman maaalis sa akin na hindi mag-alala sa 'yo."
"I know, but baka naman pabayaan mo trabaho mo, hello Herbert maraming tao ang nakadepende sa 'yo,"
"Yeah I know, magche-check lang naman ako sa 'yo."
"Ms. Kris?"
Lumingon naman kami ng sabay ni Herbert nang may tumawag sa akin mula sa labas ng pinto.
"Wait," wika ko sabay bukas ng pinto. "Oh? Klein. Do you need anything?"
"I just want to give this to you," sabay labas niya ng bouquet. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso at tila nahihiya.
"What is this for?" tanong ko.
"I-i just want to say thank yo-" bigla niyang napansin si Herbert kaya lumingon ako. Nasa likod ko pala habang naka-crossed arms. Hindi ko alam kung matatawa ako sa walang emosyon niyang mukha o sa postura niya na tila taga bantay ko.
"uhm, Klein, this is Herbert, my friend." pagpapakilala ko.
Napag-usapan kasi namin ni Herbert na hindi muna ilalabas lahat kung anong mayroon kami hangga't hindi pa namin nase-settle ang lahat.
"Friend?" tanong ni Klein.
"Special frie-aray!" singit ni Herbert pero siniko ko siya. Umaariba na naman ang pagkaseloso.
"But, thank you Klein for your bouquet. I really appreciate," ngiti ko.
"You're always welcome, Ms. Kris. You can count on me if there's any problem," sabay tingin niya kay Herbert bago umalis.
Sinarado ko na ang pinto at lumingon kay Herbert.
Hindi siya umiimik at tumungo na lang siya sa kaniyang backpack na tila may kukuhanin."It just a bouquet, Herbert," pambabasag ko ng katahimikan nang maupo ako sa tabi niya.
"I know," maikling sagot niya habang hindi tumitigil sa paghahanap. "Ang bata no'n. Gwapo. Mukhang matalino."
Bigla naman akong natawa sa inaasta niya. Parang nagmamarakolyong bata.
"Aalis ka na lang, magseselos ka pa," wika ko. "Humarap ka nga sa akin, huwag kang tumalikod," sabay hila ko sa kaniya.
Ayaw niyang tumingin sa akin.
"So ano naman gagawin ko sa gwapo, bata, at matalino if I have you already?" wika ko para mabawasan ang pagseselos.
"I remembered when you have a crush on Alvin, wala akong laban noon."
"Past is past, Herbert. Tigilan mo 'yan."
"Minsan napapatanong ako, Kris deserve someone better, right? Tapos nakikita ko 'yong mga nagkakagusto sa 'yo," sabay tumingin siya sa akin.
"I mean, Kris ang taas mong tao. May mga lalaki na gustong-gusto ka."
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
Fiksi PenggemarKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...