"This will be the last, Damon. We have to get rid of Camilo Parker as soon as possible" Philip said. Camilo Parker, the last person who took part and helped Arnold in killing my aunt and cousin, Euphy."Yes" Tiningala ko ang hideout kung saan nagtatago si Camilo. This will be the last person who needs to pay for killing the members of our family.
"This long fight will soon come to an end" Philip said and threw his cigarette and stepped on it.
I held my gun tightly at pumasok na kami sa loob ng hideout nila. Agad na nagkagulo sa loob at tanging putok ng baril na lamang ang naririnig. Good thing, it was a secluded area.
"Spare me! I did not participate in their schemes! No! Arnold tricked me!" Tila nababaliw na pagmamakaawa ni Camilo habang nakatutok ang aking baril sa kanyang ulo subalit wala akong maramdamang awa sa kanya. He deserves it. They deserve it.
"You will rot in hell, Camilo" agad kong kinalabit ang gatilyo at umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong lugar. It's over. It's finally over.
"Clean this mess" Philip told our men and they immediately picked up all the dead bodies.
"It's really over huh? At last" I looked at Philip. He was changing his shirt since the previous one was already drenched in blood.
I also looked at myself. Not even a single drop of blood can be seen. Good.
I checked the time, it was already 12 midnight. I badly want to go home.
"I'm going" Tumalikod na ako kay Philip at naglakad palabas sa bahay. Agad namang sumunod sa akin si Philip.
"You looked like you're in a hurry. You don't want to drink?"
"I'm busy"
"You are always busy," he commented and went straight to his car. I didn't bother to respond. Agad akong pumasok sa sasakyan ko at mabilis na pinaandar iyon. There's still 2 hours before I arrive in Batangas.
---
"Mukhang matamlay ka Leigh," pansin sa akin ni Anna ng mapansing napahawak ako sa ulo ko. Nandito kami sa staffroom dahil halos wala ng customers sa labas.
"Medyo masakit lang ang ulo ko," wika ko sa kanya at napahawak sa sentido dahil sumasakit iyon. Mukhang mainit din ang pakiramdam ko.
Naramdaman ko ang paglapit ni Anna sabay dampi ng kamay nya sa noo ko. Agad siyang napapitlag.
"Oh my God Leigh! Inaapoy ka ng lagnat!" sigaw nito at napatingin lahat ng crew sa amin.
Lumapit si Mikaela at agad ding hinawakan ang noo ko. "Nilalagnat ka Leigh? Bakit di ka nagsabi agad?"
"Okay lang. Kaya ko pa naman hanggang closing." wika ko. Actually, wala naman akong ibang nararamdaman kundi masakit ang ulo ko at mainit na pakiramdam.
"Magpahinga ka na lang muna dito. Kami na ang bahala sa labas. Tutal wala na namang masyadong customers" wika ni Anna at nag aalalang tumingin sa akin.
"Hindi, okay lang talaga ako. Nakakahiya kung nandito lang ako sa loob habang nagtatrabaho kayo sa labas." pagtanggi ko at agad na tumayo. Pero hindi pa ako nakakahakbang ay sumikdo ang sakit ng ulo ko. Muntik na akong matumba kaya agad akong inalalayan ni Mikaela at Anna para makaupo.
"Wag ka ng magpumilit. Naku Leigh ha. Mahirap kapag inabuso mo ang katawan mo." sermon ni Anna.
"Kaya ko naman talaga,"
"Kaya ba yung muntik ka ng matumba?"
"What's happening here?" Isang baritonong boses ang narinig namin mula sa pintuan kung kaya napalingon si Mikaela.
BINABASA MO ANG
He's a Dangerous Man
RomanceBillionaire Series - Book No. 2 (Damon Forteza) He is one of the leader of El Griego Organization and a Billionaire bachelor, while she is a runaway heiress. He does not believe in love, while she's dreaming of a happy ever after. Is cupid lucky eno...