Chapter 1

89 12 29
                                    

Chapter 1

"Ang ganda ko."

Sa gitna ng ingay ng mga kaklase ko, heto ako—abalang naglalagay ng lipstick sa labi habang nakatingin sa maliit na salamin. I swiftly pressed it on my lips, making sure that it will cover my entire heart-shaped lips.

Pagkatapos kong maglagay ng lipstick, I put some pressed powder on my face to avoid having sweats. Mahirap na, nakatira pa naman ako sa Pilipinas.

After a minute of retouching, I looked at my blockmates.

"Ang ingay niyo!"

Dahil sa naging pagsigaw ko, tumahimik silang lahat at tumingin sa akin. Walang nagsalita sa kanila at gulat lang silang nakatingin sa direksyon ko.

"Nagreklamo na ang prinsesa," narinig kong wika ni Heaven, kaibigan ko.

"Pwede ba Heaven, ibabaon kita sa impyerno kapag hindi ka tumahimik. Pasimuno ka rin eh," sabi ko sa kaniya.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa naging sagot ko sa kaibigan. Hindi na naman bago ito sa amin. Kahit na aminado naman akong maldita at mataray ang pagkatao ko, malapit pa rin ako sa kanila.

Well, personally, that's what I thought. Hindi ko naman hawak ang isip ng iba at hindi ko malalaman kung may mga galit ba sa akin.

But I don't really care about them.

Wala kaming professor ngayon sa hindi malamang dahilan. First week pa lang ng school year absent na agad siya. Ni hindi man lang kami sinabihan na hindi siya makakapasok ngayong araw. Ganito ba talaga sa third year? Palaging late o wala ang mga professor?

Edi sana may oras pa akong mag-retouch sa bahay! No choice tuloy ako kaya dito na ako sa classroom nag-ayos ng sarili. May aircon naman sa room, pero ang hassle pa rin lalo na at nangunguna sa kaingayan ang mga kaibigan ko!

"Sumali ka na lang samin, Yhancee! Wala naman si Ma'am Gutierrez kaya maki-bonding ka na lang sa amin dito," pagyayakag ni Bry, isa sa mga kaklase ko.

Kunot noo ko siyang tinitigan. "Ano bang nilalaro niyo diyan at kanina pa kayong nag-iingay?"

"Color game. Taya ka na!"

"You're gambling?!" I exclaimed. "Umagang-umaga nagsusugal kayo? Damn, boys!"

Hindi na nila ako pinilit pa na sumali sa kanila at hindi naman talaga ako sasali sa pagsusugal nila. Color game? That's gambling! Lalo na at may pera na involved.

May sarili na namang usapan ang mga kaklase ko. Lumapit sa akin si Eloise, isa sa mga malapit kong kaibigan.

As usual, her hair was done in a braided pigtails. May mga ribbons din doon sa buhok niya kaya mukha tuloy siyang christmas tree na may palamuti.

"Alam mo ang OA mong tao," aniya. "Binibiro ka lang ng mga 'yon. Katuwaan lang ang color game nila at walang pera-pera do'n."

Umirap ako. "Malay ko ba? Isa pa, wala naman talaga akong pake kung may pera o wala sa laro nila."

"Bakit? Masaya naman magsugal ah?" singit bigla ni Heaven.

Unlike me and Eloise, Heaven is more of a boyish type of a girl. Madalas siyang paghinalaan na tomboy dahil sa way ng pananamit niya at sa kung paano siya magsalita habang nakikipag-usap.

She's aware of that but just like me, she also don't give a fuck on other people's judgement about her appearance and behavior. And I think that's one of the many reason why we became friends even though we are differently alike from each other.

On the other side, Eloise screams bubbly and joyful vibe. Iyong tipong dahil sa pagiging cheerful niyang tao ay madali siyang makakahatak ng kaibigan. Bibo at pala-ngiti. Kaya siguro nahatak niya ako.

Artists Series #5: Behind The Broken MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon