page2. Sunshine without light

10 1 0
                                    

"Anong sugar level po?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nag-isip isip. Pero kahit anong gawin ko ay wala talagang sumasagi sa utak ko na pwedeng maisagot sa tanong na 'yan. Mukhang pinagpapawisan na din ako.

Napagtanto ko na matagal na pala akong nakatanga sa paghahanap ng kasagutan kaya bumalik na ako sa reyalidad. Nang bumigay na talaga ang isip ko ay hinila ko sa braso si Sunshine at siya na ang hinarap ko sa counter. Pumunta ako sa likuran niya.

Bumulong ako sakanya. "Sugar level daw."

"Huh?" tanong niya, halatang confused din kung ano 'yung sugar level.

"Ano pong sugar level?" tanong ulit sa amin ng babaeng empleyado nitong Milk Tea Cafe kung nasaan kami.

"Level?" lumingon siya sa akin, confused. Nanliit ang ma-eyebags niyang mata. "May level?"

Nagkibit-balikat ako dahil maski ako ay hindi ko din alam.

Tumikhim muna siya bago sumagot. "U-uh.. level 3." mahinang sagot niya pero sakto na din ata para marinig ng staff 'yun.

Nang makita namin ang ekspresyon ng babaeng empleyado ay agad niyang binago ang sagot niya. Mukhang hindi 'yun ang kasagutan eh.

"Hehe, joke lang. Uh, ano sugar level.. ano level easy." sagot ulit ni Sunshine with nervous laugh.

Napataas ang kilay ng staff. Hanggang sa bigla nalang siyang humagikgik. Nagtataka kaming pinagmasdan siya.

"Sorry po haha. First time niyo po bang mag-order?" tanong niya. Napatango naman kaming dalawa.

"Ay, sana po sinabi niyo. Hahaha." sabi niya atsaka muling humagikgik.

Matapos niya kaming tawanan ay ipinaliwanag niya sa amin kung ano nga ba 'yung sugar level. Iyun pala 'yung kung ilan percent ang ilalagay nilang sugar sa milk tea namin.

Napabuntong-hininga ako. Iyun lang pala, takte. Swerte namin na kunti nalang ang tao dito kundi mas nakakahiya talaga.

Tinake-out nalang namin 'yung in-order namin dahil nakakahiya 'pag sa loob pa namin mismo iinumin 'yun, nandoon si Ateng Staff.

So, imbes na sa loob ng shop kami tumambay ay muli ulit akong hinila ni Sunshine sa isang lugar na ngayon ko lang mapupuntahan. Napadpad kami sa isang abandonadong building at pumunta kami sa rooftop nito.

Kung bakit kami nandito? Hindi ko rin alam. Siya lang ang nakakaalam.

Paano nga ba kami napunta dito?

Flashback. Una, pinara niya ako nang uuwi na sana ako. Huwag daw muna akong uuwi dahil sabay na daw kami. Take note, ito ang unang araw na nagkakilala kami pero kung umasta siya ay parang matagal na kaming magkakilala.

Back to the story. Kinaladkad niya ako palabas ng classroom, wala akong nagawa. Tapos nang tinawag ako ng barkada upang sumabay sa kanila sa pag-uwi, bigla nalang niyang ipinulupot ang braso niya akin. Panigurado, kapag makikita nila ako ay kakantyawan nila ako.

Then bigla niyang sinabi na may gusto daw siyang puntahan, na samahan ko daw siya. Sikat daw ang lugar na 'yun kaya gusto niya ding i-try. Pumunta kami sa isang milk tea shop, pareho kaming newbie pagdating sa milk tea milk tea na 'yan, so that explained kung bakit kami naging bonak kanina.

Lastly, hinila niya nanaman ako papunta dito sa unfamiliar place. Medyo creepy ang lugar dahil abandonado na talaga ang building na 'to saka to-be-demolish na ang establisyemento na 'to sa susunod na buwan. May warning sign nga na nagsasabing bawal pumunta sa lugar na 'to pero heto pa rin kami't pinasok pa rin namin ang lugar na 'to.

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now