PAGPASOK KO AY agad kaming nagtungo sa second floor kung saan may pabilog na couch. Naiilang ako dahil sa mga titig ni Ren.
Ano namang meron sa akin at kailangang tingnan?
Mahigit tatlumpong minuto na kaming nandoon nang makita ko si Chase kasama ang kanyang mga classmates. Malawak akong ngumiti sa kanya. May kasama siyang maganda at sexy na babae. Kaparehas niya rin ng kulay ng mata.
Kahawig siya ni Preda. Agad silang lumapit sa amin at niyakap ng babae si Preda. Sobrang ganda niya naman. Ang classy at elegant. Magkaibang-magkaiba kami. Kung lalaki lang ako, tiyak magugustuhan ko siya.
"Kuya Hunter, bakit hindi mo sinabi na nandito ka?" aniya habang nakanguso.
Kuya? Ah. Kaya pala magkamukha. Hunter? Is that his real name?
"Why are you here, Adorn?" seryosong tanong ni Preda sa kanya.
"I want to drink!" aniya saka bumungisngis.
Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.
"You should've told me," ani Preda.
"Kuya Hunter! I'm with Chase naman, eh. Ngayon nga lang ako mag-e-enjoy kasi sobrang nakakastress ang Law School!" pagrereklamo ng babaeng nagngangalang Adorn.
What a nice name.
Tumayo si Preda saka bumaba. Nakita kong binabati siya ng mga tao pagkababa niya. Marami ring kasama sina Chase at si Adorn. Tumayo ako at kinuha ang beer. Nakahawak lang ang isang kamay ko sa railings habang in-a-appreciate ang kagandahan ng kapatid ni Hunter.
Narinig ko na may tumikhim sa aking gilid. It was Ren. "I'm sorry for leaving you, Eli. But I'm not sorry for punching Erazius," aniya.
Tinungga ko ang bote ng beer. Hindi ko siya inimik.
"Alam mo... crush kaya kita noon," he said, chuckling.
I stilled.
"Kaya gusto kong mag share tayo ng ice cream kasi gusto kitang makatabi at makausap."
Tiningnan ko siya. "Why are you telling me now?" I used to like Ren's hazel brown eyes but now I'm craving for the electric blue ones.
I miss him...
"Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko," aniya.
Mapakla akong ngumiti. "Gano'n din naman. Iiwan mo pa rin naman ako kagaya ng ginawa ni Cedar," biglang nanikip ang aking dibdib. Bumabalik na naman sa akin ang mga alaalang iyon.
"We'll never know," aniya. "But Cedar loves you."
I chuckled. "Too late..."
"Do you want to talk to him? Nasa fourth floor siya. Nasa kwarto ni Imil. Kaninang umaga pa 'yon naglalasing," aniya.
YUMUKO AKO AT pinaglalaruan ang beer na hawak ko. Nagdadalawang isip ako.
"He's drunk. Baka hindi ka niya makilala so you can go," aniya.
"O-Okay," sabi ko.
Sinamahan ako ni Ren paakyat ng fourth floor. Nang mabuksan niya ang pinto ay agad na akong pumasok at siya naman ay bumaba. Nagpunta agad ako sa kwarto dahil wala naman siya sa living room. Malawak akong ngumiti nang makita siyang natutulog. Nilapitan ko siya. He reeked of alcohol.
BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom returned to the Philippines, his heart remained in England, weighed down by a recent breakup. His life felt cold, gloomy, and lonely. Then he met Elisha Gomez. She became his beacon of...