page3. The crazy girl

4 1 0
                                    

Kinaumagahan at oras nanaman para pumasok. Pagpasok ko sa classroom ay natanaw ko na siya agad.

Long black-haired, bangs na mahaba na kunti nalang ay pwede na siyang maging protagonists sa isang 'certain' genre, eyebags, black aura. Yep, siya nga si Sunshine. Ang Sunshine na walang liwanag.

Pinanlisikan ko siya ng mata. Bakit naman hindi? Eh, naiinis pa rin ako sa pag-bad shot niya sa akin kahapon. Dagdag pa na ginawa pa talaga niya iyong wallpaper. Oh, diba nakaka-gago?

Pabagsak kong iniligay ang bag ko at saka ako umupo. Mukhang nagulat pa 'yung nasa harapan ko na kaklase kong babae dahil napalingon siya sa akin.

"Ah, sorry." paumanhin ko. Tinanguan niya lang ako.

As usual, ginagawa nanaman niya ang 'neck exercise' niya kuno. Nakalingon nanaman siya sa labas. Ni hindi man lang niya ako tinignan pagkaupo ko sa tabi niya.

"Hoy, palitan mo na wallpaper mo." sabi ko. Finally, lumingon na siya sa akin. Pero sana forever nalang siyang tumingin sa labas dahil nang lumingon siya ay bukod sa takot sa biglaang paglingon niya ay nainis lang ako sa pag-ngisi niya. As in kasi ngisi na nakakaloko.

"Naiwan ko 'yung cellphone ko, eh. Kaya hindi ko mad-delete." sagot niya at nagkibit-balikat, saka na muling bumalik sa exercise niya.

"Class, good morning." bati sa amin ng Adviser slash Science Teacher namin. Bumaling ang lahat ng atensyon sa kaniya.

"Good morning, Ma'am." bati rin namin pabalik.

Imbes na ibigay ang atensyon sa guro, etong si Sunshine ay nagd-doodle ngayon sa notebook niya. Nagd-drawing siya ng kung ano-anong ka-weirduhan. Ipot, ipis, uod, suso, at iba pa na ang gross tignan.

Pinabayaan ko nalang siya at nakinig nalang sa pagtuturo ng guro. 2nd day of class palang pero marami na agad ang ipinapagawa sa amin. May assignment agad kami.

Napansin ko na tumigil na siya sa pagd-doodle at bumalik na sa kanyang neck exercise. Habang nagtuturo ang teacher ay bigla nalang siyang napatigil nang dumapo ang tingin niya sa pwesto namin.

Napatigil ako. Teka, ako ba? Sinundan ko ang tingin ng guro at nakitang nakatingin siya ngayon kay Sunshine na ngayon ay nakadungaw lang sa bintana.

"Napapansin ko nang kanina ka pa nakalingon sa labas. Ms. Alma. Kung gusto mong lumabas maaari ka nang umalis. Nakabukas ang pinto."

"Tsk." tumayo siya kaya nagulat ang lahat.
"Okay Ma'am. Lalabas na ako. Wala naman akong natutunan sa tinuturo niyo."

"Ms. Alma!" sigaw pa ni Ma'am ngunit dire-diretso nalang ito sa pag-alis papunta sa labas.

Shite, umalis nga siya. Napakatapang.

Nakita kong nagbuntong-hininga muli ang Teacher namin atsaka na bumalik sa pagtuturo. Nakita ko sa labas na straight na nakatayo si Sunshine at diretso lang ang tingin sa labas nang wala man lang bahid na ekspresyon sa mukha.

Pagkatapos ng klase ni Ma'am ay bago umalis, sinabihan niya munang pumunta si Sunshine sa office niya mamaya bago mag-uwian.

Pumasok na siyang muli sa classroom. Lahat ng kaklase namin ay pinagtitinginan siya. 'Yung iba ay nagbubulungan na pero diretso lang ang tingin niya sa daan at parang walang pake sa atensyon na nakukuha niya.

Naku, kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay paniguradong hindi ko kakayanin. Hate ko pa namang maging center of attraction.

Umupo na siya sa tabi ko.

Siniko ko siya ng mahina. "Hoy, baliw ka ba? Bakit ganun ka umasta sa adviser natin kanina?" tanong ko.

"Sinabihan niya akong lumabas, edi lumabas ako. Sumusunod lang ako sa utos niya." sagot niya nang hindi man lang ako nililingon.

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now