Nang dahil sa one whole (One shot love story)

80 2 1
                                    

Camille's POV

'It is clear? Question? Anyone?' tanong ni maam Jenny, teacher namin sa Mathematics.

'None!' sabay sabay naming sagot. Tumango naman siya.

Kumuha si maam Jen ng chalk at nagsulat ng 'get one whole sheet of paper' tapos sa baba non may nakasulat na 'Quiz no. 7'

Pagkabasa namin non sabay sabay kaming nagreact. Halos lahat.

'Maam Quiz nanaman!?'

'Bukas nalang maam hindi pa kami nakakapag review!'

'Maam, hanggang ilan!?'

'Maam! Walang papel!'

Hindi naman kami pinansin ni maam, tuloy tuloy lang siya sa pagsusulat.

Nakakainis naman! Quiz nanaman? Parang kahapon lang nagpa quiz tong si maam!

Dahil sa wala naman akong magagawa dahil estudyante lang ako at teacher siya, binuksan ko na yung bag ko at hinanap ang one whole ko.

Habang hindi nakatingin yung mga classmate ko dahil busy sa panghihingi ng papel (as usual) , pasimpleng inilabas ko ang one whole ko at pumilas ng isang page.

Kaya nga lang dahil sa katangahan ko, dalawang page yung napilas ko at lumipad yung isa!

Aist! Sayang yun! Pero di'bale na nga.

Bago ko ipasok ulit sa bag yung one whole ko, chineck ko muna kung nandun pa yung papel na.....

Teka! Nasaan na yun!? Shit!

Dinoble check ko ulit kung nasan yung papel na pinagsulatan ko ng love letter ko para kay Josh! Yung crush ko na classmate ko din!

Pinaghirapan ko yun e! Tapos napuyat pa ako para lang magawa yun! Kahit na alam kong hindi ko naman kayang ibigay yun sa kanya!

Pero paanong nawala yun dito? Eh hindi ko naman nilabas tong papel ko kanina?

Hindi kaya....hindi kaya....yun yung papel na lumipad kanina!? Omygad!

Baka may makakita nun tapos baka basahin pa!

Oh' Lord please? Baka mabuko na ako nito eh!

Dapat pala dinikit ko nang todo todo yun para hindi madaling natanggal!

Tumayo ako sa upuan ko at pasimpleng inikot yung room namin. Buti nalang hindi pa nagsisimula yung quiz.

Asan na ba kasi yun!?

Hanap dito...hanap don....asan na?

'Uy, may nakita ka bang papel? Nilipad kasi e' Umiling lang siya.

Nagtanong na din ako sa iba, pero wala daw.

Sana naman walang nakapulot nun! O kung meron man sana itapon niya agad!

'Santos! Back to your proper seat!' napalingon ako kay maam, Oh'em! Nakakahiya. Nakatingin na kasi yung ibang classmates ko sakin! Makasigaw naman kasi tong si maam eh!

'Yes maam' sagot ko at bumalik nalang sa upuan ko. Mamaya ko nalang ulit yun hahanapin.

*****

Josh's POV

Ano to? Love letter?

May hinangin kasing papel kanina tapos napunta dito sa paanan ko. Hindi ko naman napansin kung saan banda hinangin.

Pagkatingin ko sa papel, mala nobela sa haba ang nakasulat. Nakakatamad naman basahin pag ganto kahaba!

Pero dahil curious ako kung ano man yung nilalaman netong letter e, babasahin ko na. Tutal hindi pa naman nagsisimula si maam.

Nang dahil sa One whole (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon