Anong gagawin mo kapag nakatabi mo sa bus ng 12 peas ang isang napaka gwapong lalaki? Paano kung mahulog ang loob mo sa 12 Ora's na pagsasama niyo? Masasabi mo ba ang nararamdaman mo kahit di kayo talo?At paano kung sa paghiwalay niyo ay malaman mo na siya pala ay pamilyado?
Hindi pa nakakapagpabagabag move on si Nick sa dati not ang karelasyon na si Kevin. Dahil sa kanyang pagkatao, madali lang para kay Kevin na iwan siya, may mga nag sabi pa nga na niloloko at piniperahan lang daw siya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari noon. Kaya hanggang ngayon, kailangan niya ng karamay at kailangan niya muna ng mag bakasyon. Buti nalang at naimbitahan siya ng kanyang matalik na kaibigan sa nalalapit nitong kasal.
Dalawang araw bado ang kasal ng BFF niya ay babiyahe na siya pa punting Bicol. Wala sana sa Plano niya ang sumakay sa bus ngunit sa kasamaang palad, naiwan siya ng eroplano dahil sa matinding traffic. Wala na siyang choice kundi sumakay ng bus. Nagmadali na siya dahil kailangan niyang makapunta sa Sorsogin ng alas 8 ng umaga. Alas 6 na ng gani nang makarating siya sa terminal ng bus. Sumakay agad siya sa bus na may nakalagay na "LEGAZPI". Tamang-tama isa nalang ang bakanteng upuan. Ayaw niya sana doon dahil nasa dulo ng bus. Kaso wala na talaga siyang magagawa dahil nagmamadali na siya. Bigla siyang nabuhayan nang nakita niya kung gaano ka gwapo ang katabi niya, ngunit dala na rin ng sobrang pagod, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.