Love in Between Here and There

4 0 0
                                    


My Miss Kissy Face,

Good morning!

How I wish, I can always kiss your sweet lips when morning comes.

I already miss you my Iya.

I'll call you when I get home.

Love,
Your Mr. Smoochy

Ito ang laman ng note kasama ng bulaklak na maagang inihatid sa bahay nila Iya.

Magkahalong kilig, saya at lungkot naman ang nararamdaman ni Iya habang tulala na binabasa ito.

Gustuhin man niya na tanghali ng bumangon at idaan sa tulog ang unang umaga na alam niyang walang Neil na dadalaw sa kanya sa araw na iyon, ngunit tila tuso naman ang kanyang diwa at madilim-dilim pa ay nagising na siya.

Umaasa kasi siya somehow na makita niya na aalis si Neil,pero nahuli pa din pala siya.

"Yun pala ang gusto mo,sana sinabi mo sa kanya kagabi" sisi ng isip niya.

"Mainam na din hindi ko nakita ang pag-alis nila, baka mas malungkot lang ako.." katwiran niya sa isip

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa oras.

"Hindi pa kaya sila dumarating don?, Sabi niya tatawag agad siya.." inip na bulong ni Iya sa sarili.

Naisip niya na maghanap ng pagkaka-abalahan para malibang ang sarili.

Lumabas siya ng bahay at inumpisahang magdilig ng halaman..habang gamit ang host sa pagdidilig bigla siyang nagulat ng may palaka na tumalon.

Nanumbalik tuloy sa isip niya yung moment na basang-basa sila na nag-aagawan ng host ni Neil at yung paborito niyang tagpo na natumba sila at nagsalo na naman ng matatamis na halik.

Umiling siya sa tinatakbo ng isip niya----si Neil na naman.

At napalingon siya sa kubo nila ---si Neil na naman na tila nakangiti ang nakikita niya.

Nababaliw na yata siya at sa inis niya ay itinigil niya ang ginagawa at nagdadabog na bumalik ng kanyang kwarto.

Naka-pangulambaba siya sa kanyang study table habang nakatingin sa screenwall ng kanyang cellphone---picture nila ni Neil.

Ng bigla itong tumunog...si Neil ang tumatawag..

"Hello" mabilis na bati ni Iya.

"Hi my lovely sunshine..."pa-fall na boses ni Neil.

Tila mababanat naman ang mukha ni Iya sa pagkakangiti ng marinig ang malambing na boses ni Neil.

"Andiyan na kayo sa inyo? Musta ang biyahe.." pasimple niyang tanong.

"Yes, kadarating lang namin and can't wait na tawagan kita.." malambing na boses ni Neil.

"VC tayo?gusto kita makita.." pahabol na sabi nito.

Mabilis na inayos ni Iya ang kanyang buhok at tsaka ina- accept ang video invitation ni Neil.

"There you are Miss Mine.." nakangiti na sabi ni Neil.

"Kumain ka na?"tanong ni Neil sa kanya.

"Oo,kanina pa..ikaw,hindi ka ba muna kakain baka nagutom ka sa biyahe.." sagot naman ni Iya.

"Mamaya-maya na,makita lang kita busog na ako.."lambing ni Neil.

"Aga naman pambobola niyan.." kunwaring pairap na sabi ni Iya.

"Ganon, sa tingin mo binobola lang kita..?"kunwaring tampo ni Neil.

"Sa lahat ng pambobola, yung sayo ang legit, kaya nagpapabola naman ako.." pang-aasar ni Iya.

Nagkatawanan sila..ng marinig ni Iya sa background ni Neil na tila may tumatawag dito..

"Neil, kain na.." si aling Nids

"Oh, kakain na yata kayo, sige na at baka hinihintay ka na.." pagtataboy ni Iya.

"Ok, tawagan na lang uli kita mamaya.." maikling sabi ni Neil.

"Loveyou.."habol pa nito.

"Loveyou too.." malambing din sabi ni Iya at naputol na ang kabilang linya.

****

Tatlong araw simula ng bumalik si Neil sa Maynila, consistent ang kanilang communication...good morning message pagkagising..video call 'pag pareho na silang gising..habang kumakain..or kahit naghuhugas ng pinggan si Iya or habang nagka-carwash si Neil.. tambay lang ng kwarto or sala..at mahabang goodnight call sa gabi.

"Aalis nga pala kami ni nanay bukas, i-check namin yung dorm kung saan ako mag- istay, alam mo na ilang araw na lang pasukan na.."paalam ni Iya habang naka vc sila.

"Uy, officially malapit ka na maging kolehiyala.." biro ni Neil.

"Excited na kinakabahan nga ako eh.." share naman ni Iya.

🎵Inlab ako,sa isang kolehiyala...🎵 biglang kanta ni Neil.

"Uy, may itinatagong talent ka pala.." pagbibiro ni Iya.

"Wait lang.."biglaan paalam ni Neil.

Pagbalik nito,may dala itong gitara at nagsimulang mag-strum...

🎵Pare ko, meron akong problema,
Wag mong sabihin na naman
Inlab ako, sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan...🎵

Sa ikalawang stanza, nakisabay na din si Iya..alam na alam niya ang kanta dahil sa kuya Alex niya. Ilang araw sila magkasama,pero ngayon na magkalayo sila tsaka lang nila na-discover na pareho silang musically inclined.

Sa pagsabay ni Iya, na-amaze si Neil at napangiti na nagpatuloy pa din sa pagtugtog ng gitara at pagkanta.

"Galing mo pala kumanta.." humahangang sabi ni Neil after.

"Di naman masyado,marunong lang konti.."nahihiya pang sabi ni Iya.

"Ikaw nga eh,ang galing mo pa mag-gitara.."pigil na kilig na sabi ni Iya.

"Sayang nga hindi nga kita naharana noong andiyan ako .." sabi ni Neil na nag-uumpisa na muli kumapa ng kanta.

Sa intro pa lang ng kanta na "More than words" at bawat pag-strums ni Neil, halos hindi niya maitago ang kilig at paghanga dito.

May time na sasabayan niya ito at mas madaming time na nakikinig at nanonood lang siya na tila isang die hard fanatic sa kanyang idol.

"Laway mo gurl tutulo na.." parang narinig ni Iya na bulong ng isip niya.

"Lalo naman nainlab si Iya sa dagdag pogi points ni Neil sa galing sa pag-gigitara at pagkanta.

Nagkasundo nga sila ng games "name the title of the song" kaya hindi nila namalayan na lumalim na ang gabi.

Pasado ala-una ng umaga ng napipilitan pa silang magpaalam sa isa't-isa.

Kung wala lang sana lakad si Iya, kinabukasan, baka pumayag siya kahit magdamag sila.

"Kahit LDR naman pala kaya mag-work ng relasyon.."masayang bulong ng isip ni Iya.

Kinuha niya ang stuff toy na si Ice Bear, hinalikan at tsaka niyakap bago nakangiting pumikit..






















Sweet Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon