Simula

2 0 0
                                    

Sabi nila sa high school mo mararanasan lahat. Mga experience na kahit sa elementarya o kolehiyo ay hindi mo mararanasan, dahil sa high school dito ka makakahanap ng mga taong sinasabi nilang for keeps. Sa high school din tayo makakatagpo ng pag-ibig na kahit hanggang sa pag-tanda ay hindi natin makakalimutan.

Sobrang saya ko nang gabing iyon dahil sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero, siya ang kasama ko. Pero totoo nga talaga yung sinasabi nila 'no? Na sa tuwing nagiging masaya ka, may kapalit agad. Paano nga ba natin masasabi kung sobrang sakit na? Kapag ba pati pag gising araw-araw ay mahirap na? O baka naman kapag nakikita natin yung taong 'to ay nanunudyong lumabas yung mga butil ng luha natin?

Sa pag sapit ng buwan ng Marso, lahat ata ng sakit naramdaman ko na. Hindi dahil sa nahiwa ako o nasugatan physically. Hindi ko lang matanggap na bakit sa lahat ng sakripisyong ginawa ko para sa kaniya ay yung isang mali ko ang napansin niya? Sa loob ng isang taon, wala akong ibang inisip kundi ang mapabuti siya pero bakit parang lahat ng ginawa ko ay parang napunta sa wala?

"Ei, you know that you're a wonderful person and you deserve to be happy." Parang alam ko na kung saan papunta itong usapang 'to. Parang sa bawat araw na ginawa ng Panginoon ay nandiyan siya para mag paalala na deserve ko rin namang sumaya. Pero anong gagawin ko kung ayaw kong kumawala sa kulungang ginawa ko?

"Dylan, I know what I'm doing. So please, 'wag mo ng balakin pa kung ano man 'yang sasabihin mo." I know if my brother heard me saying this, I'm dead. Pero anong magagawa ko? Ayokong maiwan, lahat ng bagay na ginawa namin dati lahat yon naaalala ko hanggang ngayon.

Dylan, sighed. Nangingilid na yung mga luha ko, hindi ko alam kung ano pa bang kulang. Hindi ako naging matinong babae para mag pakatanga lang sa pag-ibig pero anong magagawa ko? Sa tinagal tagal namin, ni minsan hindi ako tumingin o nakinig sa iba. Kahit na hindi siya gusto ng lola ko para sa akin, tinuloy ko pa rin. Dahil sabi nila marami pa akong makikilala at masyado pa kaming bata para doon.

"You know, that I really appreciate all your efforts pero ayoko na. Let's stop this." Ano pa nga bang dapat kong maramdaman maliban sa mamanhid ng dahil sa sakit. Ganito pala talaga kapag nag mamahal, hindi mo na iisipin yung sarili mo.

"Bakit?" Tanong ko habang nakangiti ngunit may tumutulong luha. Hindi ko alam kung tama bang tanungin ko pa o nag bubulag bulagan lang ako kase umaasa pa ako na baka pwede pa naming subukan katulad ng dati?

"Hindi ko alam, nagising na lang ako wala na." Naiiyak niyang sabi.

Pwede pala 'yon, na magigising na lang siya na alam niyang hindi na ako. Lahat ng mga pangarap naming mag kasabay na binuo, biglang nag laho na lang na parang bula.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A New BeginningWhere stories live. Discover now