Prologue

4 1 0
                                    

Prologue

"Fuck." I cursed as I changed the magazine. Ang tibay din ng bata ni Co. Kahit kilala niya kung sino na ang humahabol sakanya tumatakbo pa rin.

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago muling tumakbo. Nasa isang parang abandonadong kalye ako ngayon. Base kase sa itsura parang hindi nadadaanan pati puro basag mga bintana ng tindahan. Eto ba pinagtiyagaan ng mga bata ni Co?

"Tsk-" I stiffened as soon as I heard the gun shot. "You son of a gun, malilintikan ka sakin kapag may dinamay ka." Sabi ko sa sarili at tumakbo patungo sa kung saan nanggaling ang ingay. And I think I made a wrong turn.

Tumambad sa akin ang isang tapunan ng mga basura sa huling ikot ko. Tinignan ko ang paligid at tatakbo na sana sa isang pintuan nang tumunog ang earpiece ko.

Isang halakhak ang narinig ko kasunod ay ang boses ni Roiker, "sabi sayo Mon da't ako nalang in-assign mo dito e." Bwiset. Isang irap ang iginawad ko at umikot para bumalik sa pinasukan.

"Yeah dapat nga ikaw nalang talaga, Nica. This fits you." I said as I made sure my turn is right. Nang nasa kanto na ko ay tumayo ako at hinanda ang baril. "Kulang ng pusa dito sa kalyeng 'to. Walang pusakal. Diba sabi mo 'Cat Woman' ka?" Huling sabi ko at tinanggal sa tenga ang earpiece bago pumosisyon.

I didn't wait anymore because I think it already took me three minutes to find the right path. So I took a step and point my gun at the...girl?

Nakatayo ito at nakatalikod sa akin samantala ang lalaking hinahabol ko kanina ay wala ng malay at may dugo na umaagos mula sa tiyan at dibdib niya.

"Who do you think you are to do such thing?" Hindi ko napigilang magsalita. Buti at nakamaskara ako.

Parang natauhan ito dahil agad niyang nabitawan ang baril na hawak at nanginginig ang mga kamay habang nakatulala.

"H-Hi-Hind-di." She's traumatized? Halatang-halata ang panginginig ng katawan niya. Nagulat ako at naibaba ang kamay nang bigla itong bumagsak sa sahig at sinapo ang ulo.

She's crouching at ang dalawang kamay niya ay nasa ulo. Nasapo ko ang noo ko dahil sa hindi ko malaman ang gagawin.

Tumalikod ako saglit at muling sinuot ang earpiece.

"-the fuck, Cal! Ano na nangya-"

"Sorry, it took long-"

"Yeah it took more than 30 minutes! Ano bang nangyare? Akala ko wala ka na dahil hindi sumasagot! Usually it will only take-"

Hindi na pumasok sa isip ko ang iba pang sinabi ni Mon nang may marinig na kasa ng baril mula sa likod. Ano 'to? Kanina lang...

"Hi." Isang malademonyong ngiti ang nakapaskil sa mukha niya ngayon at ang baril na hawak niya kanina ay nakatutok sa akin. As soon as I saw it, I immedietly shiver.

"What the...fuck is.."

"Hoy Caleen-" muli kong tinanggal ang earpiece at linagay iyon sa bulsa.

Tumikhim ako at inayos ang sarili bago muling binalingan ang babaeng prenteng nakatayo ngayon sa harap ko.

"Do you know what's the consequences of what you did?" Panimula ko. Pero parang wala siyang pake dahil nakatingin lang ito sa sahig at nakatulala nanaman. Ang kamay niya naman ay nakababa na.

"Look, kid. This isn't a game. You could get killed if they found out you're the one who finished this pig!" Paliwanag ko ngunit wala talaga siyang pake.

"Are you eve-" Before I even finished what I'm saying, she pointed the gun towards me. I sighed and gave her an 'are you kidding me' look.

I gripped my gun tightly, thinking whether to pull the trigger at her or not. Her gun is an inch away from the bridge of my nose. So she has the courage to kill, huh?

Let's see..

Tinabig ko ng mabilis ang kamay niya pakaliwa at sinipa siya sa tagiliran. Napaatras ito ng dalawang beses at kitang kita ko kung pa'no siya pumikit ng mariin habang iniinda ang sipa ko sa tagiliran. I smirked and started preparing the gun.

Nang matapos ay inangat ko ang tingin sakanya pati nadin ang kamay na may hawak na baril. Nakatayo na ito ng maayos at nakatingin sakin.

Nagsimula itong humakbang papunta sakin. At kahit nagtataka ay hindi ko iyon pinakita at sinubaybayan lang siya ng mabuti. Napataas naman saglit ang kaliwang kilay ko nang makitang dinikit niya ang noo sa baril.

In just a blink, one blink, she's already behind me caging me and already has pointed her gun in my temple.

Suddenly my alert rang like a siren. Mon made it for us to know that someone from our team is coming or she, herself, will be the one coming. Fuck.

Dahil doon ay hindi ko namalayan na nakatakbo na ang babae. I immedietly ran after her, after realizing what happened.

Nang mamataan ko siya ay agad akong nagpaputok. Sinigurado kong tatamaan siya sa balang pinakawalan ko. Kung hindi ay madadaplisan lang siya.

"Aahh!" Isang matinding sigaw ang lumabas sa bibig niya at napaluhod habang sapo ang mata. Did I hit the devil's eye?

Tinakbo ko ang natitirang distansya namin, tama lang ang dating ko para masaluhin siya. Nawalan siya ng malay pagkaluhod na pagkaluhod ko sa tabi niya. Hindi na rin niya natakpan ang mata dahil doon ay kita ko ang pagdaloy ng dugo galing doon. Nadaplisan ng bala ko ang mata niya.

"Cal!" Liningon ko ang tumawag sakin. Si Valerian, kasamahan ko, at talagang dinala niya pa ang pusakal. Agad akong napairap sa naisip.

Tumakbo sila-si Valerian papunta sakin habang si Veronica naman ay naglakad lang.

"Sa dami ng pwede mong isama ayang pusakal pa na 'yan?" Bungad ko habang inaayos ang pagkakahawak sa babae. Nanatili lang ang mata ni Valerian sakanya habang si Veronica ay ganoon din pero may kasamang mapang-asar na ngiti.

"Nako! Mukhang may pag gagastusan ka nanaman, Caleen." Asar niya saka tumawa na may kasamang palakpak.

Kadalasan kase sa misyon ko ay may nadadamay akong hindi dapat idamay, mga nasangkot ko at napatay ng mga kalaban ko. Ako ang gumagastos sa pang burol nila at kung ano pa. Pero hindi nila alam na ako ang may kasalanan. Nagpapanggap kame ni Heart na isang mabuting mamamayanan na walang ibang gusto kundi ang tumulong at mag bigay ng sapat na pang gastos sa panlibing.

Kita ko na sinamaan siya ng tingin ni Valerian, "Veronica I didn't drag you here to taunt or play around." Striktong sabi nito kaya agad na nanahimik si Nica.

Lumuhod si Valerian at tinulungan ako sa pagbuhat sa babae, "Siya ang sinama ko dahil busy si insan ngayon sa celebration na kung ano man 'yon " nakanguso niyang sabi sa akin. Nakakunot din ang noo nito kaya alam kong hindi niya alam kung ano ang celebration na pinagkakaabalahan ng pinsan niya.

Tumango nalang ako at tinago ang baril bago tuluyang tumayo. Nasa parehong balikat namin ang kamay ng babae at ang kamay naman namin ay nakahawak sa bewang at kamay niya.

"Mauna na 'ko sa kotse." Tumalikod na si Nica at nagsimula nang tumungo sa kotse. "Roiker, open the door." Sigaw ko.

_______

hi :)

vote/comment/share

sign with love,
        minttywhite

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIVINE [Cresents Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon