Chapter 55, Part 2: The Last Chapter

18 1 0
                                    

Trigger warning: Violence and death

No spoilers please




"Saan niyo ako dadalhin?" tanong ko habang nagpupumiglas sa pagkakatali.

Kababati pa lamang namin ni Shanice ay heto na naman! Mag-aaway na naman kami dahil sa hindi ko pagsipot sa kanya.

"Hoy! 'Wag ka ngang maingay! Tanga-tanga!" I was catching my breath when I heard something being pushed beside me. Hindi pa ako makakita dahil may piring na nakalagay sa mga mata ko. "Damn, it's not a bachelor party, right?" bulong ko sa sarili.

"Anong bachelor party? Tarantado, kini-kidnap ka na nagpa-pantasya ka pa rin?!" sigaw ng lalaki.

"Nasaan ako? Pakawalan niyo nga ako!" sigaw ko at nagkumahog na naman.

"B-Blaze?" I heard a familiar voice beside me. Sino nga ba 'to? Pamilyar ang boses. "Blaze, ikaw nga!"

"Ardent?" tanong ko.

"O-Oo," mahinang sabi niya.

"N-Nasaan tayo?" tanong ko pa.

"Hindi ko alam. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa ospital ako," he answered.

Damn, this is a serious abduction. Why though? Wala akong natatandaang nakaaway ko.

"Szhanicka? Szhan!" Ard shouted.

Damn, bakit ba ako may piring?

It's so tight, I couldn't even move my muscles in my cheeks.

"A-Ard?" It's true! Szhan's here. Imposible na talagang bachelor's party 'to! "Oh my gosh! Blaze!" she exclaimed.

"Tayo lang ba ang narito?" I asked,

"Ard, abutin mo nga siya. Kaya mo ba? Tanggalin mo ang piring!" Szhan said,

"Nope, nakatali ang paa at kamay ko sa kamang ito,"

"Ako naman ay nakatali rito sa poste, shit!"

While I am here, tied in a chair.

Hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. I suddenly heard Tito Aldrich's voice. Nagkaroon na ako nang pag-asa na makakalaya na kami pero nagmura si Szhan.

"You're a monster! Why'd you have to be Shanice's father! Sana si Tito Matthew na lang ang naging tatay niya, sana siya na lang ang naging asawa ni Tita Shanel! Sana ikaw na lang ang namatay!" The next this I heard is a loud thud and Szhan's loud scream of pain.

"Tito---"

"Tarantado kayo! Pasalamat nga kayo at hindi ko kayo pinatay agad, kung sobrang sama ko sana dead on the spot na kayo!" I bit my lower lip. If only I am not feeling this pain on my hand, I would think na bangungot lang ang lahat ng ito.

"'Wag mo pong saktan si Szhanicka, Tito. She's a woman, please... think of Shanice---"

"Kilala ko ang anak ko, kahit anong sabihin ninyo---kung makakalabas pa kayong buhay ngayon, hindi maniniwala 'yon!" of course, she won't. Kahit ako nga ay hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Tito, please... I am begging you, just for Shanice, please spare us," it was Ard again.

"Bakit ko kayo pakakawalan? May balak kayong magsumbong---"

Rewriting Fate (Good Girls Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon