Mabilis ang lakad ko sa dalampasigan ng may humila ng aking braso. Kahit hindi ako lumingon alam na alam ko kung sino sya.
"Sinungaling ka! Liar!"
"Sum, please let me explain!"
"Don't you ever touch me again Zandro! Pagod na'ko, pagod na pagod na akong maniwala at magtiwala tapos ano? Sa huli ako na naman ang kawawa, ang nasaktan, ang naloko!"
"Please, listen to me, hear my side so you'll understand why... Please Sum, please..."
"Not now, Zandro. This is not the right time for us to talk. Ayokong may masabi akong pwede kong pagsisihan, please, just... not now."
Tinabig ko ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko at patuloy na tinahak ang daang patungo sa kawalan.
I feel numb, walang luhang dumadaloy, hinahagilap ko sa puso ko ang sobrang sakit pero wala akong mahanap. Yes, I am angry and feeling betrayed. Sino ba naman ang hindi? Ikaw kaya ang lokohin and take note huling huli ko sila sa akto ng bestfriend ko na naghahalikan sa isang madilim na parte ng reception area sa wedding ni Gelo and Patricia.
Patricia and Cleo are my best friends. Mula pagkabata kami na ang magkakasama kaya naman hindi ko akalaing darating ang araw na lolokohin ako ng ganito ni Cleo. Si Cleo na tinuring kong kapatid.
Matagal na ang relasyon namin ni Zandro, we were in a relationship since high school. Hindi ko naman talaga sya gusto noon hanggang sa nadevelop nalang kakakantyaw nila sa akin na sagutin ko na sya.
Aaminin kong masaya ang ilang taon naming pagsasama, yes nagtatalo rin kami pero hindi naman ganun kalaki para umabot sa hiwalayan. Kaya kong palampasin ang mga maliliit na kasalan nya ngunit ang isang ito, hindi ko kaya.
Things will be different from now on and I will definitely be better without YOU.
Author's note:
Hi! I am just a newbie when it comes to writing so sana pagpasensyahan nyo ang errors na mababasa sa story.
I just tried to write a new story since hindi ko na masundan ang plot ng story na nauna kong isinulat.
Sana matapos ko ang story na ito, may readers man o wala :)
Enjoy Reading!