Wedding Gown

68 6 1
                                    

*This is not edited.

Katahimikan. Napaka tahimik ng bahay ngayon.

Tiningnan ko yung sinampay kong mga damit sa labas at nakakunot ang noo, parang uulan. Makulimlim kasi ang langit.

Sa tuwing wala si ate sa bahay napaglibangan ko ng maglinis nang bahay. Busy kasi si Ate sa trabaho niya, kailangan niyang kumita ng doble para pang araw araw namin at sa pang matrikula ko.

Ako ang gumagawa halos lahat ng gawaing bahay. Okay lang sa akin yun. Na e enjoy ko rin naman. Ako yung nag luluto sa umaga at naghahanda sa gabi.

Tuwing linggo, nag ge-general cleaning ako. Halos lahat ng sulok ng bahay ni lilinisan ko, lalo pag wala akong ginagawang assignment o project sa school. Kaya nga mahal na mahal ako ni ate. Napaka responsible ko raw kahit disisyete pa ako. Magsisikap daw siya para makapagtapos ako ng pag-aaral.

Minsan pag nag lilinis ako, na ha halungkat ako sa mga gamit ni ate. Ayaw niyang pinapakialaman yung mga gamit niya, pero wala naman siyang magagawa kung pakialaman ko yun, wala naman siya sa bahay.

Sa closet niya, sa pinaka sulok. Dun nakatago ang puting damit pangkasal. Napaka ganda ng design. Sinusukat ko yun pa minsan minsan. Bagay sa akin, kaso medyo malaki nga lang ng konti. Napangiti ako habang tinititigan ang sarili ko sa salamin. Ipinikit ako ang mga mata ko at sinimulan ang imahinasyon ko.

Naglalakad ako sa gitna ng  simbahan. Nakasuot ng wedding gown. May dalang bulaklak at may belong nakatakip sa mukha ko. Lumakad ako papunta sa lalaking mahal na mahal ko. Binaliwala ko yung mga tingin ng mga tao sa loob ng simbahan basta ang atensyon ko ay nasa lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar. Napaka gwapo niya sa americanang suot niya. Nakangiti siya sa akin. Yung ngiting nananabik, yung ngiting kabado, yung ngiting may pagmamahal.

Tumulo ang luha ko at sinabing "Mahal na mahal kita Ynno. Mahal na Mahal." Naramdaman kong may yumakap sa likuran ko. Napangiti ako at imulat ang aking mga matang sa nakatitig sa akin sa salamin. Nakayap siya sa akin ng mahigpit na parang ayaw akong pakawalan.

"Alam ko." At hinalikan niya ang batok ko. "Hubarin mo na yang suot mo. Maluwag sayo." Sabi niya at siya na mismo ang naghubad nito.

NARINIG kong may kumatok sa pintuan habang nag tutupi ako ng mga damit. Kailangan ko pang plantsahin ang isusuot ni Ynno sa trabaho bukas , ang uniform ko at syempre ang uniform din ni ate sa trabaho niya. Nagkatinginan kami ni Ynno at malungkot akong ngumiti sa kanya. Siya na mismo ang tumayo at binuksan ang pinto. Pumasok si ate sabay yakap at halik ng madiin sa labi ni Ynno. Parang tinusok yung puso ko. Okay lang, sanay na ako.

"I miss you mahal. May magandang balita ako sa iyo!" Masiglang sabi ni ate. Pinulupot naman ni Ynno ang mga kamay niya sa beywang nito.

"Ano yun mahal ko?"

"Buntis ako. 1 month na!"

Nagulat ako. Natigil sa ginagawa ko at napanganga kay ate. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ni Ynno. Ayokong makita.

"Wow! Really? That's Great! I love you mahal! Sa wakas magkakababy na tayo." Tagos lahat ng salita na yun sa puso ko na mismong nanggaling sa mga labi ni Ynno.

Busy silang nag uusap kaya hindi na nila ako napansin na pumasok sa kwarto, dala ang mga damit na pa plantsahin ko. Ni lock ko yung pinto at humarap sa salamin. 

Nakapikit ang mga mata.

Naglalakad ako sa gitna ng simbahan. Nakasuot ng pink na gown. May dalang bulaklak. Lumalakad ako papunta sa lalaking mahal na mahal ko. Binaliwala ko yung mga tingin ng mga tao sa loob ng simbahan basta ang atensyon ko ay nasa lalaking naghihintay sa harap ng altar. Napaka gwapo niya sa americanang suot niya. Nakangiti siya sa akin. No. Nakangiti siya sa ate ko. Sa babaeng naka wedding gown na kasunod ko.

 At hindi ko malilimutan yung ngiti niya, yung ngiting nananabik, yung ngiting kabado, yung ngiting may pagmamahal.


Wedding Gown [ One Shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon