Maayos at lumaki sa marangyang pamumuhay si Ilaya Damara. Bata palang ay hinahangaan na dahil sa taglay na ganda. Lahat ng bagay na gustuhin nya ay agaran niyang nakukuha maliban sa isa.
Sa edad na 25 anyos ay wala pa itong nagiging kasintahan. Maraming nangliligaw rito ngunit wala raw ang kanyang tipo sa kanilang lahat. Idinadahilan ang trabaho upang makaiwas sa usapan.
Hindi naman ito pinipilit ng mga magulang na pabor naman sa kanya. Madalas lamang magparinig ang mga ito at hindi naman nasusundan pa ng mga hinaing.
Sa kasalukuyan ay big deal na ang ganitong sitwasyon ngunit hindi naman nya ito pinoproblema dahil hindi pa naman talaga sya naliligwak sa kalendaryo.
Ngunit ang tahimik niyang buhay ay nagimbal ng ingay, ingay na galing sa kanyang puso na niminsa'y hindi nya pa nararanasan o nararamdaman. Hindi niya rin inaasahan na ang bawat bagong karanasang ito ay masusuklian. Tipikal na daloy ng wangis na pagmamahalan.
Kaligayahan nga bang maituturing ang unang tibok ng kanya puso? o sa mga sumunod na tibok nito ay labis na sakit at pagkadurog ang kanyang matatamo?
_____________
September 5 2021
BINABASA MO ANG
Ilaya
RandomMaayos at lumaki sa marangyang pamumuhay si Ilaya Damara. Bata palang ay hinahangaan na dahil sa taglay na ganda. Lahat ng bagay na gustuhin nya ay agaran niyang nakukuha maliban sa isa. Sa edad na 25 anyos ay wala pa itong nagiging kasintahan. Mar...