Donny:
Where are you?
Belle where are you?
Im here at your coffee shop
Where are you?
Answer my calls
Belinda!
Where are you?
Answer my calls.
Belle naman!
Kukulitin kita nang kukulitin hanggat di ka nagrereply. Im getting worried
Where are you?
Baby?
Belle:
.
Donny:
Wandat? Si ate keia ka ba?
Belle
Ah so nagsend ka lang talaga ng tuldok?
Where are you?
---
Hindi ko na pinansin ang sunod-sunod na pagdating ng mga messages ni Donny. Naka-silent na ang phone ko kasi naiirita ako kapag tunog 'yon nang tunog dahil nga sa mga sunod-sunod niyang messages! Naiinis ako! Naiinis ako sa kaniya! Alam naman niyang pinaka-ayaw ko sa lahat ang pinaghihintay ako! Nakakainis talaga!
Tumigil ang pagdating ng mga messages dahil puro tawag naman ang dumating. Tinitingnan ko lang ang phone ko habang lumalabas doon ang pangalan ni Donny. Sa inis ko, pinalitan ko na ng 'Donny' ang contact name niya sa phone ko. Maiinis siya kapag nakita niya 'yun pero mas naiinis naman ako sa kaniya ngayon!
"Sagutin mo na 'yung tawag."
Napatingin ako kay Ate dahil sa sinabi niya. Dito ako dumiretso sa bahay nila kasi alam kong pupunta si Donny sa bahay namin kapag hindi ako nagre-reply. Kaya pumunta ako rito kasi hindi naman siguro niya maiisio na pupunta ako rito.
Umirap ako. "Ayoko."
Umirap din si Ate. Nanonood siya ng TV at hindi nakatingin sa 'kin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang kuhanin ang phone kong nakapatong sa center table.
"O, edi ako na kakausap."
Buti na lang, magkatabi lang kami sa sofa kaya mabilis kong naagaw ang phone ko. Ano bang trip ni Ate sa buhay?!
"Ate naman, eh!"
"Kausapin mo na si Donny at baka mabaliw na 'yon!"
"Pinaghintay niya ako nang matagal kanina kaya maghintay din siya kung kailan ko siya kakausapin!" gigil kong sagot. Naiinis na naman ako, naalala ko na naman!
"Eto naman! Malay mo naman, kaya siya natagalan ay may emergency or may importanteng ginawa."
Ngumiwi ako at nilingon ko si Ate. "Well, ang sagot lang naman niya sa 'kin ay nakatulog daw siya!"
Sino bang hindi maiinis doon? Ang usapan namin, susunduin niya ako sa coffee shop dahil sabay kaming maglu-lunch. Hindi ako nagdala ng sasakyan, kasi nga, susunduin niya ako. Ilang beses pa naming pinagusapan 'yon kagabi. Tapos kanina, mahigit 2 hours na akong naghihintay, wala pa rin siya. At wala man lang mga replies! Akala ko kung ano na ang nangyari sa kaniya, 'yon pala, nakatulog siya! Gutom na gutom na nga ako, pinaghintay niya pa ako nang matagal!