Who is this man? and why the hell is he doing here? Oh wait, right! Siya yong sikat na business tycoon!
Kaano-ano kaya siya ni mama?
Kanina pa ako nakatitig sa lalaking kausap ni Mommy sa may labas ng pinto. Pagpasok kasi nito ay agad siyang hinila ni mama palabas ng kuwarto ko. From the look on her face, parang hindi siya natutuwa na nandito ang lalaki. Maybe he is her boyfriend? I’m not against it though, matagal na rin namang wala si dad according to mom, so okay lang sakin kung mag-asawa siya ulit if that’s will make her happy. I will support her. Basta ba hindi siya sasaktan nito.
Bumaling ako kay Mathius na nakaupo sa couch habang nakikipaglaro kay Yumi. I don’t know but something inside me has melted just by looking at them. Parang ang saya nilang panoorin. Kahit na hindi pa sila ganoong magkakilala ay parang close na close na agad sila.
Napatingin ako kay mama na nakasimangot na naglalakad habang nakasunod sa kanya iyong lalaki kanina. Nakangiti itong naglalakad palapit sa puwesto ko.
“Hmm!” Mom cleared her throat saka hinawakan ang lalaking wagas kung makangiti. Actually medyo familiar ang ngiti niya. Parang kamukha ni... kuya?
“Anak, t-this is Stanley… Stanley Reyes—”
He cut mom. “Salcedo. I’m Stanley Salcedo. Your DAD.” Napakunot naman ako sa sinabi niya at bumaling kay mama na nakaiwas lang ng tingin. She sighed then nodded at me, confirming what this Mr. Stanley said.
So he’s our dad? I mean, our biological father? So hindi pala talaga siya patay?
“B-but.. h-how…? I mean, mom told us that our father was long gone. Patay na siya kaya huwag na namin hanapin pa. How come your telling us that you are our father? Can you elaborate please because to tell you frankly, I’m fucking confuse right now.” Litong sabi ko. They just both sighed then start explaining.
“Kasi anak, you see, this man is a jerk!—”
“Hey, wifey! Wala namang ganyanan. I already explained it to you.“ inirapan lang siya ni mama. Para silang mga bagets kung mag-away. Tsk.
“So, yun nga, kasi bobo tong tatay mo. Duwag. Walang bayag. Takot sa nanay. Parang di lalaki. Sinabi lang ng nanay niyang bruhilda na layuan ako. Aba’y lumayo nga si gago. Ang mama’s boy. Ang tanga tanga. Akala niya siguro di ko tototohanin yong sinabi ko sa kanya na iiwan ko siya at di na niya ako makikita. Ang confident niya! Kaya ayon lumayo ako kasama ng kuya mo. He’s just one year old that time, then months later nalaman kung buntis ako sayo. Sa sobrang galit ko sa tatay niyo sinabi kong patay na siya. E ang gago niya eh—”
“Wifey naman..” sabay hawak yakap pa niya kay mama pero kinalas lang niya ito at tinignan siya ng masama.
“Che! Tigilan mo nga ako sa kaka-wifey mo, Tonyo. Annul na tayo, gago. Di mo na ako asawa! Maghanap ka ng ibang aasawahin mo!”
“Asawa pa rin kita no! Di ko kaya pinirmahan yung annulment papers natin. Di ako maghahanap ng iba kasi ikaw lang ang nag-iisang asawa ko.” Giit ni papa.
“Ah basta, di na kita asawa! bahala ka dyan!”
Napasapo na lang ako ng noo sa awayan nila. Parang mga bata. But I admit, I’m happy to found out that I still have a father. Buong buhay ko kasi ay di ko naramdaman ang magkaroon ng isang ama. Kahit naman nandyan si Lolo ay iba parin yong pagmamahal ng isang tatay talaga. Buti na lang talaga at hindi totoo na patay na siya.
“Tapos na po kayo?” Sabay silang napalingon sa akin at tipid na ngumiti. Bumaling ako kay mama at hinawakan ang kamay niya. “’Ma, I know papa hurt you, but we still have the rights to have a father. Papa pa din po namin siya, dugo at laman. Hindi niyo po maiaalis sa amin na gustuhing makilala siya kahit sinabi niyo na matagal na siyang patay. Mom… I know you love us, please hayaan mong makasama at makilala namin si papa.”
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomanceAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...