The Start

12 1 0
                                    

         "Will you come with me, Princess?"

        "Of course my prince charming, I would love to. Saan ka man pumunta. Sasama ako"

        "I'm happy to hear that my Princess"

        Kung panaginip man ito. Please Lord. Huwag nyo na po akong gisingin. Everything is perfect. The place is perfect with a perfect guy na kahit sino ay hihilingin na makasama sya. Napaka swerte ko talaga dahil ako ang pinili nya. Wala na akong maihihiling pa.

        Nagulat na lang ako ng dahan dahan syang lumuhod. At may kinuha sa kanyang bulsa. "Pulang kahita". This is it, Lord! Thank you po. Ang perfect pa ng background music.

My heart is missing a half beat
I accidentally stepped on your feet
Didn't know how was I supposed to feel
Someone pinch me is this real

Hold me I'm falling
Save me I'm drowning
Baby just maybe
Maybe you can love me instead

Can't get you out of my head
I want you here till the end
Till all these fairytales come true
Can you love me instead

        Bakit parang may kumikiliti sa tenga ko. At ng tignan ko ang Prince Charming ko. Unti-unti ng naglalaho ang kanyang mukha. Oh no! Oh no! NOOOOOOOOOOOOOOO! At bigla na lang ako nakadama ng sakit sa balakang. Nahulog na pala ako sa kama. Ang Prince Charming ko naglaho na! My goodness! Parang kilala ko na kung sino ang istorbo na'to. Lagi na lang! Haist!

        "Tadashi!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko. "Pwede ba!? Nandun na ei. Isusuot ko na lang yung singsing. Pero anong ginawa mo? Ba't ba kasi lagi kang bad timing?" patuloy na paninita ko sa kanya.

        "Ano ka ba naman, Ella? Hanggang ngayon ba naman ei patuloy ka sa pangangarap na may magtatapat sa'yo?" Sabi ni tadashi. Sabay tawa ng malakas.

        "Ay! Salamat ha! Umalis ka nga dito sa kama ko! Lagi kang epal ei. Tsupi at ng makabalik pa ako sa pagtulog. Baka nandun pa sya. Haist. Naman oh!"

        "Bakit? Sino ba yang lalaki na yan? Mas gwapo ba sya sakin at mas gugustuhin mo pang makita ang mukha nya kaysa sa mukha ko?" Sabi ni Tadashi. Sabay tawa na naman ng malakas.

        Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa lalaking laging nasa panaginip ko. Hindi ko rin alam kung kailan pa nagsimula 'tong nararamdaman ko. Basta pag nasa tabi lang sya ang lakas lang talaga ng pintig ng puso ko. Hayyy. Alam ko kung paparating na sya. Ang lakas lang ng radar. Ang saklap naman ng buhay na'to. Me and Tadashi been friends since childhood. Paano nga ba nagsimula? 

        "Oh, Dad alam mo ba na lumipat na ng tirahan si Ms. Rodrigo at may bago ng nakatira dyan sa tapat?" Tanong ng batang si Ella sa kanyang amang nagbabasa ng dyaryo. Oras ng almusal.

         "Yes baby. You're mom told me. Why?" said Mr. del Rio.

          "Wala lang. Why don't we give them a welcoming treat? Maybe may kaedad ako dyan sa tapat and I can make friends." Ngiting ngiting wika ng batang si Ella. Bagong lipat lang din kasi sila sa Village na yun. At wala pang gaanong kilala si Ella ng mga panahong yun. Kaya walang nakakalaro. 

     "Okay. Tell your Mom about that." At sabay labas naman ni Mrs. del Rio.

      "What's that going to tell. Dad?"

     "About our new neighboorhood Honey. Your daughter wants to give them a welcoming treat." Sabay tingin kay Ella.

        "Well, that's a great idea. Don't worry baby. Mommy's going to bake a cookies."

         "Really Mom? Thank you!"                

         "Anyway Hon. Gotta go." Sabay halik sa pisngi ng asawa. At sabay baling sa anak.  "Be a good girl. Okay?"

        "Yes Dad!" Sabi ng batang si Ella. At umalis na nga si Dad.

              Hinahangaan nya talaga ang pag-iibigan ng kanyang mga magulang. Kahit bata pa lamang siya alam nya sa sarili nya na totoo ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Kaya pag laki nya mahahanap nya rin ang lalaking para sa kanya.

        "So, Let's go Mom?" Excited na tanong ni Ella sa kanyang ina.

        At doon na nagsimula ang lahat pitong taon pa lamang ako noong mga panahon na yon. Nung una nadismaya ako kasi lalaki yung anak na kaedaran ko. Pero nakita ko yung mga mata nya singkit at parang laging naka ngiti. Simula nun siya na ang laging kalaro ko. Mag kasundo kami. Naka hiligan ko rin kasi ang mga nilalaro nya. Katulad ng patintero, tagu-tagu-an at kung anu-ano pang laro na lagi na lang na sa tuwing pag-uwi ko sa bahay ay lagi akong napagsasabihan ni yaya kasi pawis na pawis ako. Anong magagawa ko? Ako yung tipo ng babaeng walang arte sa katawan pero hopeless romantic.

        "Huy!" Sabay pitik ng kanyang kamay sa harap ng mukha ko. "Ella naman! Huwag mong sabihin na akong yung lalaki sa panaginip mo?" Sabay tawa ng malakas.

        "Tse! Kailanman hindi kita matitipuhan no! Mommmmyyyyy! Bakit ba pinapapasok mo tong si Tadashi sa kwarto ko" Sabay tingin ng masama kay Tadashi. At ang walang hiya tinawanan lang ako.

        

               

                

Can you Love me instead?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon