Kabanata 8

4.1K 125 14
                                    

Paalala Braze, bata pa 'yan hahaha.
-----------------------------------------

Kabanata 8

Gabi

Sabay-sabay kaming kumain. Ang liwanag na mula sa flashlight ni Braze ay nagsilbing puting ilaw sa hapagkainan namin. Si Lola ay ganadong kumain habang nag-uusap silang dalawa. Ako naman ay halos hindi makasagot dahil sa mga tanong ng matanda. Napapailing nalang ako sa tuwing alam kong awkward na tanong ni Lola ang nasasabi. Katulad ngayon, nasa kalagitnaan palang kami ng pagkain at sunod-sunod ang mga tanong ni Lola.

"Alam mo hijo, ang gwapong-gwapo ako sayo. Nung una kitang makita sa baryo, alam kong habulin ka ng babae." si Lola.

Ngumisi si Braze at umiling. Alam kong awkward na mga tanong ito para sa kanya dahil hindi naman siya sanay sa mga ganitong usapin. 

"Uhm…gwapo po kasi si papa at magandang naman ang mama kaya ganito ang kinalabasan." aniya habang nakangisi.

Tumawa ang matanda at napapalakpak pa. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon ko nalang ulit nakitang masaya si Lola ng ganito. Ang kanyang tawa at ngiti ay alam kong labis na nagpapasaya sa kanya. 

"Ay Oo naman. Walang lugi sa mga Costiño. Kaya ikaw…" sabay baling sa akin."maging mabuti kang babae dahil sa oras na matipuhan ka ng mga lalaking Costiño, siguradong sa kasal ang bagsak mo." aniya habang tumatawa.

Ramdam ko ang pamumula ng pisnge sa kanyang sinabi. Ano ba 'yan si Lola! Sobrang nakakahiya ang sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin gayong nahihiya na ako. Umiling si Braze at ngumisi.

"Naku Lola, natipuhan na po siya…at aaraw-araw dito," si Braze sa mapaglarong boses.

Ngumisi ang Lola at inabot ang tubig para uminom. Ang kabog sa puso'y nag-aalab dahil sa kanyang sinabi. Kung pwede lang sumigaw sa kilig at saya, kanina ko pa ginawa. Hindi ko yata makakayang magpatuloy ito lalo pa't malakas ang epekto niya sa akin. 

"Itong apo ko, siguradong kapag maging dalaga na, maraming magkakagusto. Hahabulin 'to ng mga lalaki sa ganda ba naman ng mukha at katawan." pabati ni Lola.

Mas lalo akong kinain ng hiya. Si Lola Bikay talaga walang preno ang bibig. Magsasalita talaga siya kung ano ang nasa loob ng puso at isip niya. Nakita kong kumuyom ang kamao ni Braze habang habang ang kutsara. Dumagundong ang puso habang tinitignan ang kanyang reaksyon.

"Wala na pong magkakagusto sa kanya, Lola." mahinahon ngunit batid kong may diin niyang sabi.

Tumingin ang matanda sa kanya, kunot ang noo.

"Bakit, hijo?" takang tanong ni Lola.

Ngumisi si Braze bago magsalita.

"Kasi matatakot ang mga lalaki kapag nalaman nila ang nagmamay-ari sa kanya." sa kanyang nagbabantang boses sabay tingin sa akin ng seryoso.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa nararamdaman pagsabog ng puso. Nagkukumahog na tumibok dahil sa kanyang sinabi. Animo'y isang kanta na nagpapa-alala sa akin ng pag-ibig sa kanya. Hindi naintindihan ni Lola ang kanyang sinabi kaya umiling ito. 

Kung pwede lang talagang sumigaw sa kilig at kakaibang nararamdaman, kanina ko pa ginawa. Ang kanyang ginagawa ay paulit-ulit akong pinapa-kaba. 

"Ayokong mapunta sa pariwarang lalaki itong apo ko. Kaya hangga't nabubuhay ako, sisiguraduhin kong maiiwan ko siya sa mabuti at mapagkakatiwalaan na tao." humina ang boses ng matanda.

Napahinga ako ng malalim. Nakaramdam agad ng lungkot dahil sa sinabi niya. Alam kong darating ang panahon na babawiin ng Diyos lahat ng buhay na binigay niya. Ibig sabihin, lahat tayo ay papunta sa kanya ngunit may mga oras at panahon iyon. Sa kalagayan ni Lola Bikay, ramdam kong gusto na niyang magpahinga sa buhay. Ramdam kong pagod na siya…at naghihintay lang sa oras at panahon na 'yon.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon