Chapter 2

2 0 0
                                    

Mag gagabi na nang marating namin ang malaking pamilihan sa siyudad na pag babagsakan ng mga gulay. Binuksan ni Mang Nestor ang likod na pinto ng jeep dahilan para mas lalo kong makita ang ganda at lawak ng pamilihan sa lungsod.

"Ija, nandito na tayo." saad nya.
Tinulungan n'ya akong ibaba ang mga gamit ko.

"Mag iingat ka sa iyong pupuntahan." Nginitian ko s'ya at tumango.

"Opo. Maraming salamat po. Mag iingat din po kayo sa byahe."  Nang nakapag paalam na ako sa kanya ay agad kong pinara ang dumaang trysicle at ipinakita ang address na nakasulat sa papel kung nasaan ang  paupahang bahay na tinuro sa akin ni Aling Nina na kapit-bahay namin sa probinsya.

Hindi masyadong malayo ang pamilihan sa   address na ibinigay ko sa driver kaya agad din kaming nakarating bago tuluyang lumubog ang araw.

"Bale, dalwa kayo sa isang bahay na ito, huwag kang mag alala babae naman ang ka boardmate mo at mabait naman s'ya. Tatlong araw palang din s'yang umuupa dito. Hati kayo sa bayad ng tubig, kuryente at bahay. Dalawa naman ang kwarto sa loob kaya may privacy padin kayo." tumango ako sa sinabi nya.

" Oh sya ija, maiwan nakita at may pupuntahan pa akong ibang tenant." Nag mamadaling umalis si Madam Olivia, ang may ari ng boarding house na tutuluyan ko.

Isa isa kong pinasok ang mga bagahe ko sa isang bakanteng kwarto. Hindi na masama, mura at maganda din naman ang bahay na ito. Siguro ay hahanap na lamang ako ng trabaho para masustentohan ko ang mga gastusin ko dahil alam kong hindi sasapat ang perang ipinadala sa'kin ni Itay.

Umupo ako sa gilid ng kama. Pinag masdan ko ang kabuoan ng kwarto. Merong isang aparador na pwedeng pag lagyan ng mga damit, merong isang maliit na mesa at upuan sa gilid ng kama at sa kabilang  gilid naman ay ang binta.

Hinila ko ang isang bag na puno ng mga damit ko at sinimulang ayusin at ilagay sa loob ng aparador.

Habang nag aayos ako ng mga gamit ay nakita ko ang isang larawang nakasingit sa aking mga damit.

Itinago ko nga pala ito para kahit paano ay palagi kong nakikita ang kanilang mga nakangiting mukha.

Ang unang larawan ay ang Inay at Itay na naka upo sa duyan sa likod  ng aming bahay at ang pangalwang larawan naman ay kaming tatlo.

Napangiti ako ng maalala ko ang mga araw na iyon. Sobrang simple ngunit sobrang saya. Pinakisuyuan ko pa nga ang kapit bahay namin na anak ni Aling Nina na kuhaan kami ng litrato at kanyang ipagawa sa bayan kapag syay napagawi doon para mag karoon kami ng kopya.

Idinikit ko ang isang larawan sa pinto ng aparador at ang isa naman ay pinag babalakan kong bilhan ng frame upang mailagay ko sa ibabaw ng lamesa.

Kinuha ko ang huling bag na nag lalaman ng isang malaking kahon. Pinagpagan ko itong mabuti. Pamula ng aksidenteng 'yon ay hindi ko na ito muling binuksan pa.  Hindi ko na rin matandaan kong ano ano nga ba ang mga laman nito, basta ang alam ko...mahalaga ito sa'kin.

Nang makitang naayos ko na ang loob ng aking silid ay itinabi ko na ang mga bag na walang laman sa ilalim ng kama kasama ang kahon na 'yon.

Pabagsak akong humiga sa malambot na kama ng makaramdam ako ng pagod at maya maya pay tuluyan na akong inagaw ng antok.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kasabay nang pag kalam ng aking sikmura.

"Hindi nga pala ako kumain kagabi."

Bumangon ako at dumiritso sa kusina dala ang aking sipilyo.

Narinig ko ang pag lagaslas ng tubig sa banyo dahil naka siwang ang pinto nito.

ISSEHARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon