CHAPTER 5

809 31 9
                                    

[KLEIN'S POV]

"Wala ba talagang inoman?" Tanong ni Maynard kay Pablo nang makalabas kami sa garden nila.

Anong oras na kami nakatakas sa sandamakmak na tao kila Pablo, hindi pala simpleng handaan lang ang ginanap sa kanila kaya ganoon nalang ang kagustohan n'yang makadalo. Inayos ko ang polo ko dahil halos nalukot iyon sa kakayakap at kakabeso sa amin ng mga kaibigan ng Mommy n'ya sa loob. Ang iba ay nanghingi pa ng social media accounts naming tatlo. Lol.

"Meron pero wine party, mamayang midnight pa." Tugon ni Pablo saka tumingin sa relo, "10 pm palang, makakapaghintay ba kayo?"

"Maghihintay tayo ng 2 hours para sa wine?" Sabat ni Terrence, "May empi naman yata d'yan sa kanto." Turo n'ya sa kalayuan.

"This is a luxury village, idiot. Walang milyonaryo rito ang magne-negosyo ng sari-sari store." Ngiwi sa kan'ya ni Pablo.

"Sa'min nga meron, eh." Bwelo ni Terrence, "Lungkot naman ng buhay n'yo dito, walang empi tapos tanduay flat."

"Bacardi, Margarita, at Appletini lang ang kilala ko." Natawa si Maynard.

"Bakit hindi nalang tayo pumunta sa Aero Club?" Tanong ko, "Marami pa tayong maiinom na alak don, you can choose."

"Oo nga 'no." Sangayon ni Maynard, "Sumisigaw na ng alak ang lalamunan ko, let's go."

"Marami bang chicks don?" Tanong ni Terrence.

"May anak ka na't lahat, chicks parin nasa isip mo." Inambaan ko s'ya ng siko, "Magpakatatay ka naman."

"Ulol." Singhal n'ya saka sumakay sa sariling kotse, "Pakyu malala, Kelin." Aniya saka nanguna.

Natatawa naman akong sumakay rin sa kotse, nilingon ko pa sila Pablo at Maynard. Nang mauna sila ay saka ko ini-start ang kotse saka sila sinundan. Madalas na lumilipad ang isip ko, kaya sa tuwing may plano kaming puntahan ay sila ang pinapauna ko, para kahit na maging lutang ako sa byahe ay hindi ako maliligaw dahil may masusundan ako.

Maya-maya pa ay pumasok sa isip ko iyong Secretary ni Kuya. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil alam kong hanggang ngayon ay nakakulong parin s'ya restroom na 'yon.

Bagay lang sa kan'ya 'yon.

Kung sana lang ay hindi s'ya naging ganoon katapang sa harap ko ay hindi mangyayari sa kan'ya 'yon. Ang ayaw ko sa lahat ay sinasagot ako ng pabalang, kaibigan ko lang ang makakagawa sa akin non. Mas pinainit pa ng katotohanang babae s'ya at nagagawa n'ya akong sagotin sa ganoong paraan.

Hindi n'ya ikinaganda 'yon.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay naisip ko rin kung ano ang pwedeng mangyari sa kan'ya sa loob ng restroom kung hindi pa s'ya nakakalabas doon hanggang ngayon. Lalo pa't bukas pa ng tanghali iyon maaayos. Napalunok ako sa iniisip saka naiwas ang tingin sa kawalan dahil sa inis. Ilang metro nalang ay madadaanan namin ang building ng kompanya. Nang madaanan namin iyon ay iniwas ko na lamang ang tingin ko saka ako patuloy na nagmaneho.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang Aero Club, napakarami nga talagang tao. Malawak ang club na ito ngunit pinasisikip ng mga tao ang paligid, ang dance floor ay napupuno ng mga babae at lalaki na panay kiskis sa katawan habang umiindak. Pasigaw-sigaw naman na nakisabay sila Maynard sa ganda ng tugtog. Sumayaw-sayaw silang umakyat sa hagdan patungo sa VIP corners.

Nang makarating sa paborito naming pwesto ay agad na kaming naupo at nagtawag ng waitress. Saka namin naagaw ang pansin ng isang waitress doon, lumapit ito sa amin.

THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon