Atty. Mishel Marrey's POV
NATAPOS ang hearing ngunit may susunod pa sa darating na linggo. Nakahinga ako nang maluwag dahil kinaya ni Laxxus na sagutin ang mga katanungan ng Prosecutor. Niyakap ko siya pagkatapos nang hearing at niyakap niya rin ako.
Ang gaan sa pakiramdam na nakatulong ako sa kaniya pero ang hindi ko lang matanggap, sa araw-araw na kasama ko siya, lalo siyang nagiging bokal sa akin. Inamin niya ang nararamdaman niya sa akin na gusto niya ako pero wala akong nasabi roon.
Naging tahimik lang ako kasi wala akong isasagot. Nangangapa pa ako kung paano iyon sasagutin. Ngayon, pabalik-balik ako sa sala ng aking bahay. Hindi ko alam pero kinakabahan lang ako ngayong araw.
Tumunog ang doorbell kaya napapitlag ako. Mabilis akong nagtungo doon upang tignan kung sino iyon ngunit bagsak ang aking balikat nang makita kung sino. Si Manang Lordes lang pala akala ko si La- stop there, Mishel. Anong gusto mong palabasin? Na hinihintay mo siya? Sambit ko sa aking isipan.
I sighed. Pinapasok ko si Manang Lordes na dumiretso lamang sa kusina para magluto ng tanghalian. Bumalik akong muli sa sala ngunit ramdam yata nito na may malalim akong iniisip.
"May hinihintay ka ba, hija?" tanong niya sa akin.
Nanlaki ang aking mata. "A-Ako po? W-Wala po, Manang!" agap ko.
Natawa lang ang matanda sa aking reaksyon.
"Sus! Kunwari ka pa, hija. Akala mo ba, napapansin ko ang mga ngiti mo tuwing tumatawag ang kliyente mong gwapo," tudyo nito sa akin.
Napailing na lang ako nang hindi niya ako hinayaang magsalita at bumalik sa may kusina. Napaupo na lang ako sa maliit na sofa habang sapo ang aking dibdib na ngayon ay ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso.
"Mishel, ang tigas talaga ng ulo mo!" suway ko sa aking sarili. "Hindi ka dapat nahuhulog sa dapat na kliyente lang," sambit ko pa.
Porke guwapo na siya, titibok na ang puso mo sa kaniya. Pero hindi kayo pwede, hindi kayo magka-edad at malayo ang agwat niyo sa isa't-isa. You shouldn't involved yourself into love. Sambit ko sa aking isip.
Hindi ko namalayan na nawala na naman ako sa aking focus sa kaso. Imbes na binabasa ko ang content ng kaso ni Laxxus ay narito ako't iniisip o mas magandang sabihin na hinihintay ko siya rito sa bahay ko?
Napabalik ako sa aking wisyo nang biglang tumunog ang doorbell. Mabilis kong inayos ang aking sarili bago patalon-talon na nagtungo sa pinto para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.
I composed myself. Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan kong binuksan iyon. Tumambad sa akin ang guwapong mukha ni Laxxus na kanina lang ay iniisip ko siya. Naibagsak ko ang pinto at napasandal sa likod niyon.
Sinuklay ng aking kamay ang aking buhok. Taranta ko muling binuksan ang pinto at iniwas ang tingin sa kaniya.
"P-Pasensya na, nabigla lang ako." paumanhin ko.
Narinig ko ang mahihina niyang tawa kaya inangat ko siya nang tingin at pinaningkitan. "Anong nakakatawa, Mr. Sarmiento?" masungit kong tanong.
He smirk. "Wala naman, napaghahalataan ka kasi, Attorney."
Namilog ang aking pisngi. "N-Napaghahalataang ano?" maang-maangan kong tanong sa kaniya.
"Na may gusto ko sa akin," diretsong sambit niya at ngumisi sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib, ang ngisi niyang iyon ay parang nakakatunaw pero mabilis akong bumalik sa aking wisyo. "G-Gusto kita?" nauutal kong tanong. I laughed nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi. "You're funny, Laxxus!" sambit ko at inirapan siya.
Tumawa lang ito kaya naman nauna na akong pumasok sa loob. Patawa-tawa lang itong sumusunod sa akin. Naupo ako sa one sitter na sofa at siya naman ay kaharap ko na nakaupo rin sa kabilang upuan.
Sumeryoso ang mukha niya nang sinamaan ko siya nang tingin. "How's your week after the hearing?" I asked, interrogatively.
Bumuntong-hininga ito, ibig lamang sabihin ay hindi naging maganda ang lagay niya pagkatapos ng hearing. Magsasalita na sana ako ngunit sumagot ito sa akin na siyang ikinabigla ko.
"Threats," malamig na sambit niya.
Kumunot ang aking noo habang tinititignan siya. "Threats, you mean?"
"Yes, Attorney!" He shrieked.
Nabigla ako sa biglaan niyang pagtaas ng boses. Alam kong hindi na naman siya makalma. Nanlamig ako sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan ang mata niyang nagbabaga na sa galit.
"We'll find a way to make him rot in hell," sambit ko.
"I hope so, Attorney. It will be our last resort." kalmadong sagot niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Huwag mag-alala, Laxxus. I have the evidence, already."
Sumilay ang konting ngiti sa kaniyang labi ngunit naglaho rin iyon nang mapalitan ito ng malungkot niyang ekspresyon sabay tingin sa akin na parang nagsusumamo.
"Kapag natapos ba ang kaso... may pag-asa pa kaya ang nararamdaman ko para sa iyo?" biglaan niyang tanong sa akin. Nanlaki ang aking mata, hindi nakasagot sa kaniyang katanungan.
Akma sana akong sasagot nang muli itong magsalita.
"Alam kong mabilis... pero sinubukan ko namang hindi mahulog sa iyo, Attorney." He explained. "Pero habang pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa iyo, mas lalo naman akong nahuhulog," dugtong niya.
"L-Laxxus..." usal ko sa pangalan niya.
Mapait siyang ngumiti sa akin. I can see a disappointment in his eyes.
"Ayos lang, Attorney." He blurted. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong suklian ang pagmamahal ko sa iyo." mahinang sambit niya. "Mahirap kasing pilitin at diktahan ang pusong wala naman nararamdaman para sa isang tao."
Hindi na ako nakapagsalita nang tumayo ito at nagpaalam na sa akin na may bakas nang pagkatalo sa kaniyang mukha. Hindi ko na siya nagawang habulin dahil nagpro-proseso pa rin sa aking utak ang kaniyang binitawang salita.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)
Fiksi RemajaPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, there's a guy named-Laxxus Harris who was being addicted to alcohol and cigarettes. He's just a high school student back then when his friend...