{James Daniel's PoV}
Gumising ako ng maaga para mahatid at makasabay ko papunta sa school si Micah. Matagal-tagal ko na rin 'tong hindi nagagawa dahil sa basketball. Gusto ko na ngang mag-quit kaso ayaw ni Micah. Reach for my dreams daw. Eh para namang gustong-gusto ko ang basketball! Si Papa at ang stepmother ko lang naman ang may gusto eh! Alam ko ang iniisip nyo. Nagmumukha na akong puppet ni Papa. It's okay. Totoo naman eh. Di ko din alam kung bakit ko ginagawa ang lahat para sa kanya.
Pinark ko na ang kotse sa may tapat ng gate nila Micah at pinakiramdaman ko kung gising na sya. Gusto ko kasi sya isumprays eh. xD
Lumabas na ako ng kotse at lumapit na sa pintuan ng bahay.
*Knock* *Knock* *Knock*
Walang reponse.Sinubukan ko iikot ang doorknob at nagulat ako dahil hindi naka-lock. Packaging tape! Ano 'to?! Bigla akong tinamaan ng kaba. Wag naman sana mangyari ang nasa isip ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pagkakita ko kay Micah ay nakahinga na ako ng maluwag. Okay lang sya. :D
"Buti naman at okay ka lang. Kinabahan ako nung inikot ko yung doorknob tapos di nakalock!" habol hininga kong sabi sa kanya.
"Ah." sabi nya nang di man lang tumitingin sa akin.
"May problema ba?" seryosong tanong ko. May mali sa kanya at alam ko yun. Ramdam ko.
"Wala." sabay suot na ng bag nya at umalis na. Sinundan ko lang sya ng tingin.
"Whoah, wait!" biglang balik ng ulirat ko nang makalampas na sya ng pinto.
Pagkalabas ko ng bahay ay nasa backseat na sya ng kotse. May mali talaga.
★★★★★★★★★★★
{Micah Samuel's PoV}
"Buti naman at okay ka lang. Kinabahan ako nung inikot ko yung doorknob tapos di nakalock!" hingal na sabi nya.
"Ah." tipid na sagot ko. Whoo! Kaya ko to.
"May problema ba?" biglang tanong nya. WAAAHHH!!! Napansin nya! Tuloy lang Micah. WAG na WAG mo syang titignan. Siguradong babagsak ka!
"Wala." Sinuot ko na yung bag ko at dali-daling umalis.
Kailangan ko syang iwasan. Yun lang ang tanging paraan para makalimutan ko sya. Oo, alam kong ang pangit naman ng way na naisip ko pero kung kayo rin ang nasa katayuan ko, ganun din ang gagawin nyo. Para di na kayo masaktan.
"Whoah, wait!" narinig ko pang pigil nya kaya mas binilisan ko pa ang lakad.
Kaya mo yan Micah. Kailangan mong kayanin.
Pagkadating ko sa kotse ay pumasok agad ako nang di man lang sya hinihintay. Napaka gentle-dog kasi nito kaya baka pagbuksan pa ako ng pinto... pag ginawa nya yon, di ko na maiiwasang makatingin sa kanya.
"Sure ka bang okay ka lang?" medyo inis na sabi nya sa may bintana ng kotse. Ayaw na ayaw nyang naglilihim ako sa kanya pero, masasabi mo ba sa taong mahal mo na sya ang problema mo? Hindi diba?
"Oo. Bakit naman hindi?" sabay ngiti sa kanya. Tinignan ko sya sa mata. Ang mga mata na alam kong maghahatid sa akin sa pagtulo ng mga luha ko. Inalis ko na rin agad ang tingin ko sa kanya dahil alam kong anytime ay tutulo na ang mga luha ko.
Pagkaalis nya, tama ako. Tumulo na ang luha ko pero agad ko itong napigilan.
Sinimulan nya na ang pagmamaneho. Ako naman, nakayuko lang habang nakatitig sa mga kamay ko na nasa hita.
Nakakainis ka. Bakit di mo maisip na ayaw kitang bumagsak?! Mahirap ka bang pakiusapan? Ang simple-simple lang naman ng hinihiling ko sayo ah. WAG NA WAG KANG BABAGSAK, LUHA. Ang hirap mo pakiusapan!
Nakakainis ka!
NAKAKAINIS KA!
"Nakakainis ka."
"Edi nasabi mo rin." biglang sabi ni James. Pagtingin ko sa paligid, nakahinto pala ang kotse. Si James naman, nakatingin lang sa malayo.
"Hah?" takang-taka kong tanong.
"Nasagot mo na rin yung tanong na kanina ko pa tinatanong."
★★★★★★★★★★
Nagsimula na akong magmaneho. Si Micah naman, wala lang imik. May iba talaga sa kanya ngayon.
"Micah, may problema ba?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"..."
"Micah, sagutin mo ako." di nya ba ako naririnig?
"..."
"Micah, galit ka ba sa akin?"
"Nakakainis ka."
Napapreno ako sa sinabi nya.
Ano na namang nagawa ko?
"Edi nasabi mo rin." malungkot na sabi ko.
"Hah?" gulat na sabi nya.
"Nasagot mo na rin yung tanong na kanina ko pa tinatanong." sa wakas. Napahawak na lang sya sa bibig nya. Now I know. "Ihahatid na kita sa school."
"Di ka papasok?" tanong nya.
"Hindi." tipid na sagot ko.
"Ah. Di rin ako papasok. Iuwi mo na ako." napayuko nyang sabi.
"Geh." tipid pa rin na sagot ko. Nag-drive na ako pabalik sa bahay nila.