Kabanata 28

558 18 0
                                    


Kabanata 28

Cards

"Nagawa mo pang magtago gayong humantong na sa ganoon ang lagay ko?" sambit ko bago nauna sa paglalakad.

Alam kong hindi niya ako sinundan dahil wala akong naririnig na yabag. Ngunit wala pang sampung segundo ay kaagad ko nang naramdaman ang pagsunod niya sa akin.

"M-May mga bagay na gustuhin ko mang sabihin sa 'yo, may mga katanungan pa rin sa kaisipan mo ang hindi ko masasagot," aniya, nakatingin nang deretso sa aking mga mata. "A-At saka para sa 'yo rin naman 'yon... Mas mainam nang manahimik muna kasi... madadawit ka lang lalo kung magsasalita ka at kung marami kang alam."

Sinuri ko lang siya nang sinuri, hinihintay na mailang siya sa paraan ng pagtitig ko sa kaniya. 

"Ano ba'ng hindi ko alam?"

Dahan-dahan siyang napatayo nang tuwid, tila saka lang pumasok sa kaniyang isipan kung gaano kaseryoso ang aming pinag-uusapan. Paulit-ulit niyang dinilaan ang pang-ibabang labi niya, na para bang nag-iisip ng sasabihin.

"Hindi magandang dito natin pag-usapan. Hindi muna puwede." Tinalikuran niya ako.

Kaagad kong hinila ang kaniyang polo, dahilan para kaagad na mapabalik ang atensyon niya sa akin.

"Ditch tayo."

Sa likod ng gymnasium, doon kami dumeretso. Hindi na siya nakaangal pa sa akin nang hilain ko siya bago pa bumuka ang mga bibig niya.

Walang nagsalita sa amin matapos naming umupo sa hagdanan. Inilagay namin ang kaniya-kaniyang bag sa mga binti, at itinikom lang ang mga bibig kahit pa na kating-kati na akong magtanong.

Inilabas niya ang phone niya at tinipa ang passcode. Nakababa lang siya ng tingin doon.

Inilibot ko ang paningin ko. 

At nang mapagtanto kong nasa Engineering department kami, alam kong malakas ang pintig ng puso ngayon ni Eion dahil taga rito ang kaniyang gusto... o girlfriend na yata.

Nakatingin lang ako sa kaniya, hinihintay na mag-angat ng tingin.

Bumuntong-hininga siya. Nagtagpo ang mga mata namin. "Maswerte ka at walang prof."

Mukhang chineck niya ang group chat.

"Okay. E 'di good timing," walang emosyon kong sinabi.

Umayos na ako ng pagkaka-upo at hindi nagsayang pa ng oras. 

Bumuntong-hininga siya. "Wala ka bang Google pang-search? Lahat ay nakikita na sa internet, nagkakalat lang doon ang mga impormasyong gusto mong malaman mula sa akin." 

Hindi ako nagsalita dahil baka sakaling may gusto pa siyang sabihin. Hinayaan ko munang maglagay ang isipan ko upang makapa ang tamang sagot sa unang pahayag niya.

I bet to disagree with his statement. Even though nowadays, everything is searchable, not all pieces of information provided by the internet are accurate. We all can easily be deceived by reading just one article, even if there are no proofs or enough research to know if it is factual.

"Bakit? Ang lahat ba ng alam mo ay nasa internet din?" tanong ko.

Doon siya natigilan.

Matatalim na titig ang itinuon niya sa akin. "Wala ka bang kilalang Carvajal? '"

Saglit akong napaisip sa biglaan niyang tanong.

Mayroon akong kilalang Carvajal na apelyido, isang tanyag na pamilya sa bansang ito. Ngunit sa tingin ko ay hindi iyon ang tinutukoy niya. Imposible. Pero sa loob-loob ko, alam kong maliit lang ang mundo, at hindi iyon malabong mangyari.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon