Kabanata 29

606 18 5
                                    


Kabanata 29

Warn

Ganito pala ang magmahal?

Akala ko ay sapat na sa akin ang ipinadarama ko sa kaniya. Na hindi ko man masabi nang derekta, alam ko naman sa sarili ko ang totoo. Na kapalit man ng mga aksyon ko ay ang paghula niya kung para saan ba ang mga iyon, ayos lang sa akin.

Ngunit hindi ako nakuntento sa bagay na 'yon.

Nais ko ang higit pa roon... higit pa sa mga aksyon kong nakalilito man para sa kaniya, ay alam ko namang sinsero ako roon.

I actually did not regret confessing what my heart truly desires to do. I am willing to risk all the playing cards of my heart had.

For him.

Nangangapa pa ako. Hindi ko pa gamay. Hindi ko pa kabisado. Ngunit isa lang ang masisiguro ko; iyon ay ang mahal ko na siya.

Sapat naman na ang tagal ng oras nang magkakilala kami, hindi ba?

Hinayaan kong humampas ang sariwang simoy ng hangin sa aking balat, dinadama ang bawat kapayapaan na ipinadarama nito. Tila nag-iwan ito ng halik sa aking mga pisngi.

"Alam mo, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano mo ako natulungan sa plates. I mean?! Bakit mas maganda pa ang mga gawa mo kaysa sa akin?! Ang unfair!" hiyaw ko kay Chester.

"'Wag ka lang magpuyat, ako ang gagawa ng plates mo," tugon niya.

Umikot ang mga mata ko.

"Talaga? Mukhang hindi lang isang plate ang matatapunan ko ng kape, ha," biro ko.

Nakangisi siyang umiling at tumayo na, nag-aalok ng kamay dahil nakaupo ako sa ilalim ng mga puno, kung saan tanaw ang palayan na pagmamay-ari ng mga Dela Fuente.

"Marunong lang ako, hindi magaling," aniya.

Hindi na ako sumagot pa. Totoo naman iyong sinabi niya. Mabuti nga at hindi nahalata ng prof ko 'yong mga gawa niya na mas mataas ang nakuhang grado kumpara sa mga gawa ko!

Tinanggap ko ang kaniyang kamay bago pinagpag ang aking puwitan.

"May pasok pa ako," sambit ko.

Finals na kasi namin ngayon. Mayroon pa akong kailangang matapos na exam pagkatapos ng lunch break, tanghali na rin naman. At nang nalaman ni Chester na break namin, kaagad siyang nakarating sa GCC.

"Alam ko. Magtatrabaho muna ako habang kumakain ka sa lilim. Kailangan kong magtanim ng mga palay at tumulong sa mga katrabaho ko... Kung ayos lang sa 'yo?" maingat niyang tanong, sabay lakad nang kaunti at dahan-dahan, na siyang sinundan ko naman.

Kunot-noo ko siyang sinabayan sa paglalakad.

"Oo naman! Tinatanong pa ba 'yan? Saka trabaho mo 'yan, gaga! Sige na! Alis!" Humagikgik ako at pabiro siyang pinagtutulak sa kaniyang braso.

Tumawa lang siya at hindi umangal. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatalikod mula sa akin, inilahad niya na ang isang plastik na may mga laman na tupperware.

"Ano 'to?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Tingnan mo na lang."

Ngunit hindi ko iyon sinunod at tinanguan lang siya para makaalis na siya. Saka ko lang ginawa ang utos niya nang makita ko siyang nakahubad ang t-shirt dahil magpapalit siya ng white long sleeved tulad sa ibang magsasaka, at nakasuot din siya ng sumbrero upang hindi mainitan ang kaniyang ulo.

Nang mapagtanto kong malayo-layo na siya mula sa akin, naupo ako sa lilim ng puno kung saan mas makikita ko si Chester kumpara sa kung nasaan kami kanina, sabay sinilip ang mga laman ng plastik na ibinigay niya.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon