Bawat bagay sa mundo ay mahalaga, saang sulok ka 'man naroroon kung ano 'man ang iyong ginagawa, ikaw ay may halaga.
Pero bakit sa tuwing nagmamahal tayo lagi nating tinatanong saating sarili kung ano ba ang halaga natin sa isang tao.
Marami saatin hindi nakikita ang halaga ng mga simpleng bagay, madalas pa nga itong hindi nabibigyan ng pansin.
Kaya madalas lagi nating sinasabi na "Nasa huli talaga ang pagsisisi" o kaya naman, "Makikita mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa tabi mo". Tama nga naman hindi ba?
Bakit hindi natin matutunang pahalagahan 'yung mga bagay habang hawak pa natin?
Kailan ba natin matututunang magbigay ng halaga?
"Pasok ka ineng, dito ang kwarto.." nilingon ko ang isang pinto na tinuro ng isang land lady.
Ito na ang magiging bago kong tahanan, dito na ako magsisimula ng panibagong hakbang.
Hindi kalakihan ang apartment na nakuha ko, pero sakto lang para saamin ni Con. Merong dalawang kwarto, isang comfort room, medyo maluwang na sala, at sakto lang din ang kalakihan ng kusina.
"Kung may tanong ka pa punta ka lang doon sa bahay ko ha? Alam mo naman kung saan, oh siya ingat kayo." Tumango ako sa matandang babae at tsaka sinarado ang pinto.
Madilim na sa labas dahil halos mag aalasais na ng gabi, buti na lang at nakapagmeryenda kami ni Con kanina at hindi kami masiyadong gutom lalo na si Con.
Dahan-dahan ko namang binaba ang mga dala kong gamit namin ni Con sa isang gilid at muling sinilip ang kwarto kung saan siya matutulog.
Meron ng kama sa loob ng dalawang kwarto at kung ako ang tatanungin mas gusto kong tabi na lang kami ni Com dahil medyo malaki naman ito.
"Come here" tawag ko rito.
Binitawan niya ang hawak niyang iPad at pumunta palapit saakin.
"Do you want to sleep here or be with momti" sinilip niya ang kwarto at pumasok sa loob.
"I don't want to sleep alone.." nagpout pa ito at yumakap sa binti ko. Tumango naman ako sa kaniya at binuhat siya.
Con is only 5 years old pero marami na siyang mga bagay na kayang gawin, he can write, draw and even read some books.
Natutuwa ako kasi kahit sa murang edad niya natutunan niya na 'yung mga ganiyang bagay.
Nilapag ko ang ilang damit namin ni Con sa aparador sa kwarto na gagamitin namin, medyo marami kaming damit dahil talagang pinaghandaan ko ito.
Pinaghiwa-hiwalay ko ang mga pangtulog, pang-araw-araw at kahit ang mga pang-alis niya.
Alas onse na ng gabi nang matapos ako sa pag-aayos, sakto namang paglabas ko ng sala ay natutulog na si Con. Dahan-dahan ko itong binuhat at dinala sa kwarto namin.
Nang maibaba ko ito narinig ko pa itong bumulong ng "Mommy", naluluhang hinalikan ko ito sa noo bago iniwan.
Magiging okay tayo Con, kakayanin natin 'to, pangako.
"Momti, wake up I want to eat na!!!" Nagising ako sa matining na boses ni Con, halos yug-yugin pa ako nito para lang magising. Pagkatingin ko sa cellphone ko nakita kong alas otso na pala ng umaga, ngayon ko lang din napagtanto na wala na pala kaming kasama sa bahay, wala nang tutulong saamin para mas mapadali ang gawain.
Napabuntong hininga na lang ako sa masakit na katotohanan.
Nilapag ko sa lamesa ang niluto kong sunny side up, hotdog at sinangag. Isa ito sa paboritong almusal ni Con, napaparami ito ng kain kapag ganito. Nagtimpla na rin ako ng gatas niya at kape ko.