dare confession

16 3 2
                                    

DARE CONFESSION

"Maghihiwalay rin kayo." Sabi ko sa mga mag-jowang nakakasalubong ko, kaya sinamaan nila ako ng tingin.

Oo, bitter na kung bitter, pero totoo naman na maghihiwalay rin sila. Walang forever sa mundo 'no.

"Uy vacant natin ngayon, arat laro tayo." Aya ni Elle nang pumasok ako sa classroom.

"Anong laro?" Bored na tanong ni Mele.

"Truth or Dare!"

"Arat game!" Masiglang sabi ni Zack. "Ash, sali ka?" Tanong nito sa akin nang makaupo ako sa upuan ko.

Napatingin naman ako sa kanila na hinihintay ang sagot ko.

"Hmm sure." Tugon ko na ikinatuwa nila. Tumayo ako sa kinauupuan ko at umupo sa tabi ni Elle.

Sinimulan naman ni Elle na paikutin yung bote at nung tumigil ay tumapat ito sakin.

"Truth or dare?" Tanong nito sa akin. Since bored na bored na 'ko sa truth, dare ang pinili ko.

"Dare." Napangisi ito sa sagot ko na ipinagtataka ko. Anong meron?

"Confess to your crush." Nanlaki ang mata ko sa dare niya. Bakit iyon pa? Ang malas naman oh.

"Ayieee go Ash! HAHAHAHAHA"

Tumawa naman si Mele at Zack sa reaksyon ko. Tss mga kaibigan ko ba talaga 'to? Mga fake friends amputa.

Hinahanap naman ng mata ko ang crush ko sa buong classroom. Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan na seryosong nagbabasa ng libro. Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinakabahang lumapit sa kanya.

Lumingon ito sa akin nang naramdaman nya ang presensya ko. Mas lalo akong kinabahan sa tingin niya sa akin.

"H-hi, ahm c-crush k-kita." Nauutal na sabi ko. Mahina lang ang pagkasabi ko ngunit narinig iyon ng lahat kaya napahiyaw sila.

Grabe nakakahiyaaa, bakit kasi ito pa ang dare sa akin ni Elle? Lupa kainin mo ako now na!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko siyang ngumiti.

"Hi, Ash. Crush din kita."

compilation of my literary piecesWhere stories live. Discover now