Ano bang Problema Niya? [One Shot]

52.7K 1.8K 442
                                    

2nd story. HOHO. Ang sarap lang magsulat. :) Sana kung sino mang magbabasa ay matuwa. :) Yay! Fighting! Hihi.

***

Ang sarap sarap pumasok sa school lalo na kapag nandun yung inspiration mo sa pagpasok. Well in my case, his name is Mark Laurence Lau.

Kinikilig ako iniisip ko pa lang siya. Grabe! Siya na ang perfect crush/boyfriend/asawa. Bakit? Typical heartthrob na gwapo, mayaman, matalino, and athlete.

Ang swerte siguro ng magugustuhan nya. Ako naman hanggang tingin lang, ang dami nya ng fans eh. Hindi nya na mapapansin kung magbigay ako ng mga sulat sa kanya. Masaya na akong classmates kami kasi nakikita ko siya bawat oras, pasimple nga lang. Hihi.

Three years ko na nga siyang crush simula nung naging classmates kami nung 2nd year. 4th year na kami ngayon pero hindi na talaga ako umaasa.

Actually, nag-try ako nung 3rd year kami na magpapansin after ng championship nila noon sa basketball lumapit ako para i-congratulate siya.

"Mark! Congrats! MVP ka na naman nyan!" sabi ko.

"Nakakairita." sabi naman ni Mark then tumalikod na at lumakad papalayo.

"Ba't antaray ata ni Mark ngayon? Pasalamat nga sya binati mo eh! Hmp!"  singit ni Jas, bestfriend ko.

"Ha? Ewan ko. Baka pagod kaya ganun. Yaan mo na. Hehehe." ani ko.

Sabi ko na lang yun pero deep inside hurt na hurt ako. Gusto ko magwala pero kakahiya naman, sa gym pa. May mga taga-iba pang school. Saka baka pagod talaga sya kaya ganun naging treatment nya sakin. And lastly, ang gwapo niya kahit pawis na pawis na siya kaya mapapalagpas ko ang cold treatment niya! Hehehe.

Tapos yung last year na Valentine's Day din, bibigyan ko sana siya ng chocolates pero pagkakita ko ang dami ng nagbibigay sa kanya. Tumingin pa nga siya sakin eh tapos lumakad papunta sa akin, akala ko kung anong gagawin niya. Nilagpasan niya lang ako pero bago siya lumagpas narinig kong sabi niya sakin...

"Nakakainis." simpleng sabi ni Mark.

Hindi ko alam kung ako ba yung sinabihan niya pero simula nun, hindi ko na siya binalak pang kausapin at lapitan. Sobrang sakit lang kasi hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa kanya para sabihan niya ako ng nakakairita at nakakainis. Masyado ba akong eyesore? :(

Hayy. Ito ako ngayon sa classroom at nakaupo lang habang pasimpleng tumitingin kay Mark sa labas ng classroom. Valentine's Day na ulit. Naaalala ko lahat ng masasakit na sinabi ni Mark sakin last year. Hahaha. Ang OA ko lang, never naman akong umamin na crush ko siya.

"Jennica! May naghahanap sayo." sigaw ni Jas.

"Ha? Sino naman?" tanong ko.

"Louie raw! Ibang section. Mukhang bibigyan ka ata ng chocolates. Yihee!"  sigaw ulit ni Jas.

"Che! As if naman may magkakagusto sakin!" sabi ko.

"Hoy! Wag mo ngang i-degrade yang sarili mo. Hindi dahil ginaganun ka ni Mark panget ka!"  sermon ni Jas.

"Wag kang maingay dyan. Ssshh! Labas muna ako." 

Alam nga pala ng best friend ko yung lihim na pagtingin ko kay Mark pero nainis siya yung nakwento ko yung mga ginawa ni Mark. Hehe.

Pagkalabas ko andun yung Louie sa pintuan ng classroom namin. Cute naman siya pero napupukaw ng tingin ko ay yung lalaki sa likod nya. Si Mark. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin kasi kausap niya mga classmates naming lalaki.

"Uhm.. Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko.

"Hi Jennica! Ako nga pala si Louie. Ibibigay ko lang itong chocolates and flowers. Sorry ngayon lang pero alam mo bang since last year crush na kita? Sana tanggapin mo ito." sabi nung Louie.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan na tignan ulit si Mark pagkasabi ni Louie nun. And I didn't expect na pagtingin ko ay nakatingin din siya sa amin.

Actually, NAKATITIG siya sa AKIN.

Ewan ko, nahiya ako na kinabahan dahil nakatingin siya sakin. Feeling ko namumula ako.

Tatanggapin ko na sana yung bulaklak pati chocolates galing kay Louie ng biglang naglakad si Mark papasok ng classroom. At bigla na lang siyang nagsabi ng..

"Tanga." si Mark na naman!

Ano na naman bang ginawa ko para sabihan nya ako ng ganun? Tanga naman ngayon? Hindi ko na napigilan. Napuno na ako.

"Ano bang problema mo?! Dati nakakairita at nakakainis ako?! Tapos ngayon tanga? Ano bang ginawa ko sayo? Sobra ka na ah!" mangiyak ngiyak kong sabi.

Nagulat lahat lalo na si Mark. Hindi niya siguro inaasahan na papatol na ako sa kanya. Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan kami sa loob ng classroom. Tama na. Sobra na. Kahit gaano ko siya kagusto, nasasaktan na ako.

Sandaling katahimikan...

"Anong problema ko? Ikaw ang problema ko! Nakakairita ka kasi bigla kang sumulpot after ng laro namin dati, nakita mo tuloy akong pawis na pawis at siguro ang baho baho ko pa nun! At oo! Nakakainis ka rin dahil sa dinami dami ng oras na pwede mo akong makita nung Valentine's Day, yun pang oras na tinatanggap ko regalo ng ibang mga babae! Siguro iniisip mo na ang babaero ko kasi tanggap ako ng tanggap! Tapos nakita ko pang may dala dala kang chocolates, nainis ako lalo dahil baka may iba kang pagbibigyan!" sigaw ni Mark.

Hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya. Sobrang gulo ng isip ko. Ano ba pinagsasabi nito? Mabaho? Babaero? Never ko siyang pinag-isipan ng ganyan.

"A-ano? Hindi kita maintindihan! Ano ba yang mga pi-pinagsasabi mo? Eh bakit ako naging tanga?" naguguluhan kong tanong.

"Tanga ka kasi hindi mo ako napapansin! Tinatanong mo kung anong ginawa mo sakin? Ginawa mo lang naman akong pa-ibigin sayo ng walang kahirap hirap! Lagi akong nakatingin sa'yo pero lagi namang nakaiwas tingin mo sakin na parang nandidiri ka!" sagot ni Mark.

"Gu-gusto mo ko?" ako.

Ang gulo na talaga. Ako? Gusto nya? Hala?!?!?!

"Oo! 2nd year pa lang tayo gusto na kita! Gustung gusto! Mahal na nga kita eh! Kaya wag tatanggap ng kahit ano sa ibang lalaki!" 

"Ah? eh.." 

"Jennica, will you give me a second chance to prove na mahal talaga kita?" 

Hindi ko napigilan pero naiyak na lang ako. Magpapakipot pa ba ako? Andito na eh.

"Mark, kahit ilang chances hingin mo ibibigay ko kasi matagal na rin kitang gusto." 

Naghihiwayan at nagtitilian ang buong klase habang kilig na kilig sa amin.

"Sa wakas 'tol nasabi mo na!"

"Grabe 3 taon kaming nakasubaybay sa love story nyo!"

Tapos niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Habang nakayakap bumulong siya sakin..

"Jennica, sorry kung nasabihan kita ng mga masasakit ah? Hindi lang talaga ako makapagsalita tuwing magkaharap tayo eh. Pero di ko na napigilan yung selos ko nung nakita kong namula ka nung kinakausap ka nung Louie na yun." 

Natawa ako sa kanya. Hindi niya alam na kaya ako namumula dahil na rin sa kanya. Pero hindi ko na lang din sasabihin. Hihihi.

END.

***

Ano bang Problema Niya? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon