Chapter 8
"This place is where I live since my parents died," paliwanag ko sa kanya.
Lumipas ang isang araw nang dinala ko naman si Kyler sa lugar kung saan ako lumaki simula noong mawala ang magulang ko. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nagpasama. It just feels like… siya dapat ang isama ko rito.
Dinala ko siya sa isang bahay kung saan doon ako tumira ng matagal simula noong umalis na ako sa orphan.
"I used to live in an orphanage since they died. Matagal din akong namalagi roon. Marami akong mga kaibigan na nakilala doon. At pagkatapos kong gumraduate sa high school, napag pasyahan kong mamuhay na ng mag isa lang ako. At itong bahay na ito… ako mismo ang kumita para sa sarili ko." I explained.
Kyler then nodded. Bakas ang mangha sa mukha niya.
"Noong una, akala ko… magiging masaya akong mag isa dito sa bahay, pero hindi pala. I feel empty, and I know that they are the only one who could fill this emptiness on my heart." bumuntonghininga ako.
"Bilib ako sa'yo. Because despite what happened in your life, nandito ka pa rin. At hindi ka lang nandito para mamuhay ng sarili mo… nandito ka rin para magkamit ng hustisya sa magulang mo." sabi niya.
I smiled. "Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya sa kanila. They're my only family, but then… pinatay na lang sila ng basta basta."
"I'm just curious… Why did you go to that town? Kung saan doon tayo unang nagkita?" he asked.
"You're really curious?"
Tipid siyang tumango. I then sighed heavily again.
"I came back there, because I knew that the real suspect was there only." sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "How can you be so sure?"
"I'm an investigator for years, alam ko ang bawat galaw ng ibang tao. Sa lugar na iyon mismo pinatay ang magulang ko. At may posibilidad na kung sino man ang may gawa no'n sa kanila… ay nananatiling pagala gala lang sa syudad na iyon."
Tumango tango siya.
"At isa pa, matagal ko itong pinag-planuhan. Sinabi ko sa sarili ko na 'tsaka na ako mag kakamit ng hustisya kapag may ibubuga na ako, kapag successful na ako. Dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para makulong ang gumawa no'n sa kanila." malalim kong sinabi.
Niyaya ko na si Kyler pagkatapos ng mahaba naming kwentuhan sa bahay. Ilang beses niyang sinabi sa'kin na bilib siya sa'kin kaya natutuwa ako sa kanya.
Habang kumakain kami, natigilan ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong napalingon doon.
"Carra!"
Namilog ang mga mata ko nang makita si Ron, ang kababata ko na matagal kong nakasama sa orphanage. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit dahil sobrang tagal na naming hindi nagkikita!
"Carra, ang bilis mong tumangkad! Parang kailan lang noong hanggang balikat pa lang kita!" sabi ni Ron sabay inakbayan ako.
I chuckled. "Sobra kitang na miss!"
"Mas na miss kita. Kumusta ka naman? Sino 'yang kasama mo? Boyfriend mo?" si Ron sabay napatingin sa lalaki kong kasama.
Agad ko siyang hinampas sa braso.
"Baliw! Kaibigan ko lang 'yan, si Kyler." sabi ko.
Bigla tuloy akong nailang kay Kyler. Ramdam ko ang titig niya sa aming dalawa ni Ron. Pakiramdam ko tuloy, baka nababagot na siya at naiinis sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Mystery / ThrillerMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...