Chapter 27

263 8 0
                                    

Ramdam ko ang bilis ng tibok ko habang nakasunod sa Papa ni Serene. He still have that presence and authority that will make anyone fear him. Medyo hindi nga ako naniwala na mama's boy itong si Tito Stanley. Base sa kanyang panlabas na anyo ay kahit sinong tao ay maiintimidate dito.

"Maupo ka, Mr. Salvador." Lalong lumakas ang pintig ng puso ko habang nakaupo sa harap niya. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin ng ilang minuto bago siya bumuntong-hininga.

"Nakalimutan mo na ba ang napag-usapan natin noon? Didn't I told you to stay away from my daughter? Hinayaan kita nitong mga nakaraang araw pero mukha yatang nakalimutan mo na ang mga sinabi ko." Puno ng awtoridad na sabi nito.

I sighed then look at him with bravery. "Hindi ko naman po yun nakakalimutan sir. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niyo na po ako matatakot. Mahal na Mahal ko ang anak niyo at gagawin ko ang lahat para lang makasama siya kahit pa kalabanin ko ang sariling tatay niya." Buong tapang na sabi ko. Muling nanumbalik sa akin ang napag-usapan namin limang taon na ang nakakalipas. Kung paano niya ako pinagbantaan na hiwalayn ang anak niya.

Habang hinihintay ko si Serene sa sa lugar na napag-usapan namin ay may biglang lumapit sa aking isang lalaki. Base sa mga itsura ng mga ito ay halatang hindi gagawa ng mabuti.

"Ikaw ba si Mathius Salvador?" tanong ng isang may tattoo sa kanang leeg.

"Ako nga. What do you need?" Kalmadong sabi ko.

"Gusto kang makausap ng boss ko." Napakunot-noo naman ako. Sa pagkakaalam ko ay wala akong nakaaway o ano pa man.

"Bakit daw? Saka sino ba ang boss mo at ano ang kailangan niya sa akin?"

"Basta sumama ka na lang. wala ng maraming tanong." Para di na humaba pa ang usapan ay sumama na lang ako. Marunong naman ako ng self-defense kaya kong protektahan ang sarili ko in case na may gawin silang hindi maganda. Tinext ko na lang si Serene na nagkaroon ng emergency sa site, ayoko namang mag-alala siya sa akin. May pagkapraning pa naman yun minsan.

Pinasakay nila ako sa van at dinala sa isang malaking mansyon. Masyadong maraming gwardiya ang nakabantay sa buong bahay kaya hindi na ako magtataka na mukhang makapangyarihan tao ang nakatira dito. Pero ano ang kailangan nito sa akin kung ganoon?

"Pakisabi kay boss nandito na ang bisita niya." Utos ng kung sino sa isang guwardiya na agad ding tumalima.

Pinaupo nila ako sa sala habang hinihintay ang boss kuno nila. Napagala ang paningin ko sa buong paligid ng mansyon. Nakuha ng atensyon ko ang isang litrato ng batang lalaki at babae. Nilapitan ko ito at di naman ako pinigilan ng mga guwardiya na nanatili lang sa kani-kanilang puwesto. Kinuha ko ang litrato at pinakatitigan kung sino ang mga iyon. Nanlaki ang mata ko ng tuluyang makilala ang mga ito. Si Sander at Serene. Sa hiwalay na litrato naman ay si tita Solene. I'm hundred percent sure na sila nga ito, but Why do they have a picture in this huge mansion? Sino kaya ang nakatira dito?

"Ehem! May sinabi ba akong pwede mong pakialaman yan?" napalingon ako sa isang napakalamig na boses. Muntik na akong matumba ng makita ko ang kaharap. The great business tycoon, Stanley Salcedo. Ang isa sa pinakamayamang negosyante sa buong asya at ni isa ay wala pang nangahas na kalabanin ito dahil masyado itong matinik sa negosyo. Lahat ng bumabangga sa kanya ay di na nakakaahon pa.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon