39: Fortune Teller

53 8 10
                                    

Jessica's POV

Halos sumakit na ang ngalangala ko sa kakatawa, paano naman kasi. Sobrang nakakatuwa tong mga kasama ko, para silang mga nakawala sa mental hospital

"HAHAHAHAHAHAHA! Gago naiihi na ata si Harold sa takot!" Sigaw ni Jared na kanina pa nag eenjoy, pinag titripan ang mga zombing nakakasalubong

"Tanginamo hindi kaya!" Sigaw ni Harold at hinagisan ng sapatos si Jared

"Hoy, 5 minutes lang tayo dito sa zombieland. Sunod na dun sa Haunted House." Anunsyo ko sakanila at napatingin naman sila saakin sabay tango.

Pumasok na kami sa BUS at sabi namin sa driver, sa next na. Last na stop na yun tapos babalik na kami sa park para gawin yug kung ano ano pang bleble,

2 minutes ang nakalipas, bumaba na din kami. Maraming tao ang nakapila doon, mga kasabay namin

"Ms. Jessica! Halina po kayo dito," Masayang sabi ng isang staff kaya naman pumunta kami doon

"Iwasan nalamang pong manakit ng tao." Nakangiting sabi ng staff at habang nilalagyan ng papel na bracelet keneme kami

"Ate, paano kung hayop katulad ni Jared. Pwedeng saktan?" Binatukan ko si Jansen dahil sa walangkwenta nyang tanong doon sa Ate, natawa lang yung Ate saka pumasok na sa loob

"Uy gagi. Nakakatakot." Rinig kong bulong ni Hara pero natatawa tawa

"AAAAAAHHH!" Lahat kami napatili dahil sa sigaw ni Jicel

"Gago, wala pa nga eh!" Sigaw ni Lira dito at marahang hinatak ang isang hibla na buhok ni Jicel

"Stay calm, kapag nagulat tayong lahat. Malaki ang tyansa na maging magugulatin tayo---AAAAAAHHHHHHHH!!!!" Napapikit ako dahil sa killer clown na lumabas

"HAHAHAHAHAHAHAH! Sumigaw si Raphael, wala kana atang boses!" Natatawang ani nI Scarlet sa katabing si Raphael

Katabi ko naman si Jansen, ang sakit sa tenga kase sabay kaming sumisigaw

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!" Sigaw naming lahat dahil sa babaeng nakaputi

"Gagi ayoko. Ayoko, ayoko naaaa!!!" Sigaw ni Sandy at kumapit kay Rose

Madali lang kaming naka labas kase tumakbo kami

"Salamat po, sa free pass." Nakangiti kong saad sa mga staffs at nag iiling naman sila

"Wala yon! Hahaha, enjoy kayo sa mga iba pang amenities." Nag lakad na kami papalabas 

"Saan sunod?" Tanong ko at tumingin sakanila, mga hinihingal. Baka wala na atang boses ang mga 'to

"Dun oh, sa vikings---"

"Gago!" Sigaw ni Jennie kay Yuan, nakakagulat nga dahil lahat kami sumigaw. Kasama na si Jennie at si Yuan, pati si Prince at si Jared. Talagang lahat kami!

"Kain nalang tayo." Nakangiting suhestyon ni Rose 

"Mag pahula nalang kaya tayo dun oh," Napatingin kami kay Jicel dahil sa sinaad nya

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon