Chapter 3
Do in Return
"Tulog na, Ari," Harper whispered with his raspy voice.
Padapa siyang nakahiga sa kama habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa'kin na nakaupo naman sa kabilang gilid at panay ang pag-aaral ng pagkaskas ng gitara.
Madilim na ang buong kwarto dahil tanging ang lamp shade na lang sa tabi ko ang naka-on. Naka-on na rin ang aircon na nagdudulot sa'kin ng lamig dahil hindi naman ako sanay. Electricfan lang kasi ang meron kami dahil hindi naman kami mayaman katulad nila.
"Mamaya, Harp."
It's already past one o'clock in the morning and we haven't sleep yet. Ilang oras nang nakatuon ang atensiyon ko sa gitara habang siya naman ay nakokontento sa panonood sa'kin. He declared a few hours ago that he's already sleepy. Pero kahit na kanina pa nagrereklamo sa pagiging antok ay nanatili pa rin siyang gising.
He laughed huskily. "You're obsessed with that already, huh? Baka makalimutan mo na ako."
I strummed the guitar string for the last time before putting it away. Humiga ako sa tabi niya at tumagilid paharap sa kanya. I pulled the comforter up until my waist. "Tell me, paano ako makakabawi sayo?"
He winked at me. "I'll think about it."
He closed his eyes and I smiled upon staring at him. Tumatama na naman ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok sa makapal niyang kilay. Ang mahaba niyang pilikmata ay kitang-kita ngayong nakapikit siya. Ang manipis at mamula-mulang labi ay nakaparte.
Even when he's sleeping, he still looks good. No wonder many girls are crazy for him. Hindi ko nga lang alam kung bakit sa dinami-rami ng mga nagkakagusto sa kanya ay wala siyang nagugustuhan pabalik. He doesn't fall easily, huh?
"You're staring too much," he roughly whispered before opening his eyes.
I chuckled. "Na-realize ko lang na-"
"Na ang gwapo ko?" he snapped.
"Ang feeling mo," pag-irap ko sa kanya. I turned my back at him and turned off the lampshade.
The darkness and the coldness of the room enveloped us both. Dinig ko ang mababang paghinga niya sa tabi ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang paggalaw niya at ang pagbalot niya sa'kin ng kumot hanggang leeg.
"Good mornight, Ari..." he whispered right on my ear.
I laughed softly, already sleepy. "Good mornight, Harp," I managed to whispered back before dozing off to sleep.
I woke up when I felt the sunlight hitting my face. When I opened my eyes, I saw that the curtains are already parted which gave way for the sunlight to enter the room and woke me up from my peaceful slumber.
Umupo ako habang humihikab. Kaagad kong nakita si Harper na nakatayo patalikod sa'kin. He's doing something on the wall where our pictures are glued. Doon niya nilalagay ang mga pictures naming dalawa mula pagkabata. The background of the wall is black that's why our pictures seem to shine with vibrant colors.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Kaagad niya akong nilingon. "Morning."
He already changed into a black shirt and another jersey shorts. His hair is wet so I assume that he already took a bath.
"Morning," I greeted back as I stood up and went to his side. "So, what were you doing?"
Itinuro niya ang mga pictures namin kasama si Mama at ang pamilya niya kahapon pati na rin iyong mga kaming dalawa lang. "Idinagdag ko lang 'yong mga pictures natin kahapon."