Kabanata 10

4.6K 158 18
                                    

Kabanata 10

Wala


Manghang-mangha ako habang pinagmamasdan siyang ganadong kumakain ng talbos ng kangkong habang pinapawisan. Bilib na talaga ako sa kanya bilang mayaman at maimpluwensyang lalaki. Hindi mapili at kayang kumain ng ganitong ulam. Siguradong matutuwa ang magiging asawa niya kapag malaman na ganito siya bilang lalaki. 

Kumuha ako ng tubig at binigay sa kanya, inabot niya iyon ay nilagok agad. Makalipas ang sandali, narinig ko ang pagtighay niya. Nabusog sa pagkain na hinanda ko ngayon. Tumingin siya sa akin, bakas ang kasiyahan doon. Naunang natapos si Lola kaya iniwan kaming dalawa sa lamesa at lumabas upang magpahinga sa kawayan naming upuan. Ngumiti ako sabay hingang malalim.

"I'm full. Masarap ang luto mo." komplimento niya sa akin.

Ramdam ang pag-init sa pisnge habang unti-unti ng nasanay sa kanya. Hindi na ako masyadong nagpapakita ng kaapektuhan ngayon, siguro dahil palagi siyang ganito.

"Salamat. Mabuti nalang at naturuan ako ni Lola na magluto." mahina kong sagot.

Ngumisi siya at tumango-tango. 

"Gusto sana kitang turuan ngayong araw kaso kailangan ko munang umuwi dahil may aayusin ako sa bahay." aniya sa problemadong boses.

Agad akong nakaramdam ng pagkalungkot. Ibig sabihin nito ay uuwi siya? Kailan babalik? O, babalik pa ba?

"Ah sige, importante rin yang aayusin mo kaya mabuting umuwi ka muna." halos ibulong sa tinik na nasa lalamunan.

Sumeryuso ang kanyang mukha, napalunok ako at ramdam na ramdam ang pagbaba ng kasiyahan. Parang kanina masaya pa ako lalo pa't nagustuhan niya ang luto ko, tapos ngayon maririnig kong uuwi siya para ayusin ang problema sa bahay nila. Ang lungkot-lungkot ng pakiramdam ko.

"Hindi ko pa alam kung kailan ako makakabalik. Siguro baka matagalan pero babalik rin naman." seryoso niyang sabi.

Ngumiti ako kahit nalulungkot. 

"Okay lang 'yan. Ang importante maayos mo ang problema sa inyo. Tsaka nandito lang din naman kami." pilit pinapagaan ang puso. 

Bumuntonghininga siya. Tumayo ako at inayos ang mga pinagkainan namin. Ramdam ko ang kanyang mga titig sa akin, animo'y malaki akong problema sa kanyang pag-alis. Ngumiti lang ako at niligpit ang lahat sa lamesa. Pagkatapos naisip kong maghugas ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko at pinaharap sa kanya. 

"Let's talk, Mywa." seryoso niyang sabi.

Napakislot ako sa kanyang pagkakahawak. Pakiramdam ay sobrang init sa iba't-ibang nararamdaman. Ang puso'y nasasaktan sa muli niyang paglisan. Hindi ko alam kung mahaharap ko ba siya gayong unti-unti ng tumutulo ang luha ko habang nakayuko at nanghihina. Narinig ko ang malutong niyang mura habang humihikbi ako sa kanyang harapan.

"Fuck." mura na sabay yakap sa akin ng mahigpit. 

Umiling-iling ako habang umiiyak sa dibdib niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka-emosyonal ngayon. Naninigurado talaga ang dibdib ko at parang sasabog sa pag-iiyak. Yung pakiramdam na nasanay ka sa kanya na nandito. Yung pakiramdam na pinasaya ka niya ng husto at lahat ng imposibleng mangyari na pinangarap ay nagkatotoo. Yung pakiramdam na gusto siyang nandito lang. 

Lahat ng 'yon ay ramdam na ramdam ko ngayon. Pagkarinig ko lang na uuwi siya, nalungkot talaga ako. Siguro dahil hinayaan ko ang sarili na masanay. Siguro kasi hinayaan ko siyang pumasok ng husto sa aking sistema. At ngayon ay nasasaktan ako sa simpleng pag-alis niya. Pero ano ang magagawa ko? May karapatan ba akong pagbawalan siyang umalis? Wala! Kasi wala naman kaming ugnayan sa isa't-isa tsaka kaibigan niya lang naman ako. 

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon