Kabanata 3: Missed Call

314 59 1
                                    

CHAPTER 3



"Hey, Sachi!" Iyon kaagad ang bungad ng pinsan niyang si Venice Ojales. Sa lahat ng mga kakilala niya, ito lang ang tumatawag sa kaniya sa palayaw.

Simpleng babae lang si Venice, malayo sa kung paano siya pumorma. Magkaiba sila ng hilig ngunit may mga bagay pa rin naman silang napagkakasunduan. Best friend na ang turing niya rito dahil ito ang madalas niyang kasama simula pagkabata.

Binagsak niya ang sarili sa higaan bago tumugon. "What is it?" walang buhay niyang tanong.

"What's with you? Mukhang hindi yata okay ang gising mo, ah. Si Tito Aurelio na naman ba?"

Napairap siya nang mabanggit ang pangalan ng ama. "Sino pa nga ba?"

Hindi pa niya nababanggit dito ang pinag-usapan nilang mag-ama kagabi. "Wanna hang out with me tonight?" iyon na lamang ang naitanong niya para hindi na siya nito kulitin pa.

"Oh, I'm sorry Sachi. Family bonding namin mamaya, eh. Sa labas kami kakain. You know... weekend kasi." Nasapo niya ang kaniyang noo.

Nawaglit sa isipan niyang weekend ngayon kaya kumpletong kakain sa labas ang pamilya ng kaniyang pinsan.

"Okay, I'm sorry I forgot. Ako lang pala mag-isa ang gagala tonight. Bye," pagtatampo niya rito.

Madalang na niya itong makasama simula nang tumuntong sila sa kolehiyo. Magkapareho sila ng kurso ngunit sa kanilang dalawa, si Venice lang ang parating nagsusunog ng kilay.

Effortless ang pagiging matalino ni Saorsie. Kaya habang abala sa pag-aaral ang pinsan niya, siya'y heto, papetiks-petiks lang. Kayang-kaya niyang humabol sa mga lectures pero ang problema, tamad siyang gumawa ng homeworks at projects.

Nawalan na siya ng ganang kumain ng almusal kaya dumiresto na lang siya sa banyo para maligo. Pinuno niya ng tubig ang bathtub habang nakikinig ng rock music.

Sinasabayan pa niya ang bawat paghampas ng drumstick sa ere na tila ba siya ang lumilikha ng tunog na iyon.

Nang mapuno ng tubig ang bathtub ay isa-isa niyang tinanggal ang damit at nagbabad. Marahan niyang ipinikit ang mga mata habang nakikinig sa kanta na nasa playlist niya.

Sa hindi malamang dahilan, um-echo sa isip niya ang mga eksena kagabi sa bar.

"Ano? Kakasa ka ba?" Dinuro sa noo ng payat na lalaki ang lalaking kaharap nito. "Nakita mo nang may pinopormahan ako rito, nakikiepal ka," dagdag pa nito.

"Ganiyan ka pala pumorma ng babae, minamanyak mo," banat naman ng lalaking tinarayan niya.

Akmang susuntukin na ito ng lalaking nambastos sa kaniya, ngunit agad itong nakailag kaya iba ang sumalo roon sa suntok.

Doon na siya napamulat ng mata. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa alaala niya ang nangyari kagabi. Naiinis siya sa tuwing inuusig siya ng kaniyang konsensiya.

Paano ba naman kasi ay bigla na lang siyang umalis nang hindi man lang nagpasalamat sa lalaking sumaklolo sa kaniya.

Sa kabilang banda, naisip niyang wala naman siyang dapat ipagpasalamat dahil hindi naman niya hiningi ang tulong nito.

Kaagad siyang nagbanlaw at nagbihis. Katulad ng sinabi niya kanina, gagala ulit siya na mag-isa. Palabas na siya ng kwarto nang tumunog muli ang kaniyang cellphone.

Kumunot ang noo nang makita sa screen ang numero ng ama. "What is it this time, Dad?" inis na tanong niya rito.

"I heard aalis ka na naman ngayon nang mag-isa." Napataas siya ng kilay. Wala naman siyang ibang napagkuwentuhan na aalis siya ngayon maliban sa pinsan niya.

I Hate You, Mr. Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon