40: Joker

51 8 4
                                    

Sandy's POV

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isinaad ni Jennie, hindi ko inaasahang sasabihin nya yon. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin namin kung ano ang totoong identity namin?

"Nag-jojoke kalang diba?" Seryosong tanong ni Harold habang nakatanghod ang lahat sa mukha ni Jennie

"I'm not, sinabi ko to sainyo dahil pinag-kakatiwalaan ko kayo." Bigla syang tumingin saakin

"At isa pa, katulad ko si Sandy," Nilipat nila ang tingin saakin at tinuro ko naman ang sarili ko

"Kaso nagresign na sya...i think ilang weeks na din." Pinanlakihan ko sya ng tingin, tahimik pa din ang kapaligiran naming lahat at hindi ko alam kung bakit walang nag sasalita. Walang sumasagot kay Jennie.

Palagay ko kaya nya sinabi yon para makita ang reaksyon ng pito, kung sino ang mag-react. Si Seventh yon, pero mukhang matalino ang isang 'yon. Parang mga inosente lang na nakatingin kay Jennie yung Pito

"Wala kang maloloko, joker ka pala noh?" Tumawa ng peke si Moira at nakisabaw naman si Harold, at si Rose

"Hindi. Hindi kami nagbibiro," Sawsaw ko naman sa usapan

"How? Yuan, alam mo ba 'to?" Takang tanong ni Lira at tumingin kay Yuan

Nakita kong pasimpleng tumango si Yuan saka iling

"Alam ko pero hindi." Napakunot ang noo nila

"Ano?" Takang tanong ni Jansen

"Sinabi nya saakin na may mahalaga syang tungkulin, sinabi nya na magiging pulis sya or whatsover. Tapos ngayon, hindi pala sya basta pulis. Agent sya." Seryosong saad ni Yuan habang deresto ang tingin kay Jennie

"Ikaw sandy? Paanong...bakit sumama kayo saamin kung ganon?" Kunot noong tanong ni Jerald saamin at nagkatinginan naman kami ni Jennie

sinasabi nya sa mga mata nya na wag sabihin muna ang totoong dahilan

"May hinahanap kami." Sagot ko

"Sino?" Tanong ni Raphael habang nakakunot ang noo, mukhang gusto nya malaman kung sino

"Sudden tast na ibinigay saamin, confidential kaya hindi namin pwedeng sabihin." Sapat lang na ani ni Jennie.

"Hindi ako makapaniwala, kaya pala noong may ginawa tayong kagagahan noon para lang makita yung lester han. Ikaw agad ang nag prisinta, naalala ko pa yung sinabi ni Atty Cruz." seryosong ani ni lira at tumingin saakin

"Baka naman, isa saamin ang hinahanap nyo?" agad akong umiling

"Wala sainyo, gusto ko lang makisama dahil palagay ko agad kong mahahanap yung taong yun dahil nag iimbistiga din kayo." Sagot naman namin ni Jennie sakanila

"Imposible, hindi ako naniniwala. Walang corp na ganun dito sa converse city." Seryosong ani nI Scarlet habang nakatingin saakin

"Kahit ipaliwanag namin sainyo hindi nyo din maiintindihan, sana hindi magbago ang tingin nyo samin. secret Agent nga kami pero kami pa din ang nakilala nyong Jennie, at Sandy." Seryosong saad ni Jennie at lumabas ng bahay nila Jerald

Sumunod naman ako sakanya dahil may mahalaga kaming paguusapan.


"So? Naobserbahan mo ba reaksyon nung pito?" Tanong saakin ni jena habang nandito kami sa kwartong inupahan nya

"Si Raphael, gustong gusto nya malaman kung sino ang hinahanap natin." Sagot ko

"Si Prince, wala syang reaksyon. Sapat lang syang napatingin sayo." Ani ko pa at nakita ko syang napatango

"Si Yuan, nakatingin lang din sya sayo." Saad ko pa at napatigil sya sa paglalaro ng ballpen

"Mukhang, nakukutuban ako kay Raphael." Seryoso nyang saad

"Hindi mo ba ganung kilala ssi Yuan? Paano mo nasabing sya si Seventh?" Tanong ko

"Hindi ko alam kung sino ang tunay nyang pamilya, pinaral lang sya. Kahit si Stephen Cruz pinaghihinalaan ko din, highschool lang naman kami nagkakilala ni Yuan." Sagot nito saakin, napatingin ako sa phone ko ng magvibrate ito

Binuksan ko iyon at nakita ko ang messenge ni Scarlet

Kailangan natin magusap, sa may kailangan akon sabihin sayo. Mag kita tayo dun sa may lake, sa may pine trees.

- Scarlet 

"May pupuntahan lang ako saglit." Paalam ko kay Jennie at agad naman syang tumango.

~*~

"Anong gusto mong pagusapan natin, sofie." Agad nya akong binalingan ng mataray na tingin

"Kakampi kaba nila Santiago?" Agad nyang tanong at napakunot naman ang noo ko

"H-hindi, hindi nila ako secret agent. Hindi nila kami ni jennie secret agent. Galing kaming maynila." Agad na sagot ko sakanya

"Hindi ko alam, mahirap kang magkatiwalaan. Anong alam ko, baka mamaya balak mong agawin ang ari-arian namin. I mean, ariarian ko." Tumalas ang tingin nya saakin at napakunot naman ang noo ko

"'Yan ba ang iniisip mo tungkol sakin? Dahil lang anak ako sa labas ng dad mo?" Napatawa sya ng sarkastiko saka tumayo at lumapit saakin

"Pano kung sabihin kong, Oo. Baka naman kaya ka bumalik dito dahil gusto mo makuha ang ariarian ng tatay ko, pero sorry ha. Walang natira para sayo." Tumalas ang mata nya at lumapit saakin

"Anak kalang sa labas, at kahit anong sabihin mo na kadugo mo ang tatay ko. Wala kapadin magagawa dahil hindi kanaman nya kilala, hindi nya alam na may anak sya sa ibang babae. Hindi ka nya tinirhan ng kahit ano, nasa akin lang ang lahat. Ako ang mahal nya, ako ang nag iisa nyang anak sa pananaw nya. Kung buhay man sya ngayon, alam kong hindi ka nya kikilalanin dahil mayor sya dito. Ayaw nyang masira ang pangalan nya. Masaya sa mama ko, at saakin. Mas mahal nya ko, Sandy." 

Naramdaman kong naninikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Scarlet mismo sa harap ko.  Galit na galit sya saakin, namumula ang mukha nya na halos may tumulo na naluha sa mga mata nya, dahil sa galit.

"Sobra akong galit sayo ng malaman kong may anak sa ibang babae si dad, sobra kitang sinumpa! Hindi mo alam kung gaano ako kagalit sayo, hindi mo alam kung gaano ako galit sayo!!" Napapikit ako dahil sa mga salitang binigkas nya saakin

"Kahit Kailan, hindi mo masusuot ang pangalang Kanedo. Dahil sampid kalang!" Tumulo ang luha nya at ganun din ako. 

Akala ko tatangapin nya ko, pero hindi. Galit sya saakin

"Excited akong makita kayo dahil akala ko tatangapin nyo ko. Sinasabi saakin ng mama ko na may kapatid akong babae na pwede ko maging kaibigan, at kahit hindi kita makita. Mahal na mahal kita, dahil ikaw ang nag iisa kong kapatid. Sofia." Pinunasan ko ang luha sa mata ko

"Hindi ko kailangan ng ibang ari-arian dahil pagmamahal lang ang gusto ko, pagmamahal galing sa isang pamilya na hinddi ko naranasan kase maagang namatay ang mama ko..." Umiwas sya ng tingin at pinahidan ang luha nya sa magkabilang mata

"Kung gusto mong lumayo ako sainyo, sge. Wag kang mag-alala. Aalis din ako, aalis ako at mamumuhay ng mapayapa. Sisiguraduhin ko na hindi ko na kayo gagambalain nila, Raphael." Ngumiti ako sakanya.

"Masaya ako dahil nakilala ko ang kapatid ko. Kahit papaano ayos na din saakin." Ngumiti ako sakanya

"Hangang sa muli, kung sakali." Tumalikod ako at nag lakad papaalis ng bigla kong maramdaman na may van na huminto kay Scarlet

"HMMMMM!!!~~ SANDYY---" Agad akong lumingon doon at nakita kong tinakpan nila ng panyo ang ilong ni Scarlet

"Pakawalan nyo sya!" Pumunta ako doon pera suntukin ang isa sakanila pero hindi ko kinaya, masyado silang marami at malalaki ang katawan. Hinawakan nila ang kamay ko at nilagyan ng panyo ang ilong.

Hangang sa wala na akong maramdaman at tuluyan nang nawala ang mga nakikita ko.



A/n: Ready na ba kayo? emz

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon